KARIM'S POV
May ngiting tumango si Prinsipe Peter, "Nakatitiyak ako na walang mangyayari rito sa Abarca habang nasa East Ground kayo. At kung may mangyari man, magpapadala agad ako ng sulat"
"Mag-iingat kayo sa paglalakbay. Kayo na ang bahala sa mga bata ng East High" pagsunod ng Hari.
Sabay-sabay kaming yumuko at nagbigay galang sa Hari at Prinsipe bago kami umalis ng Abarca.
"Hanggat maaari sana, gusto ko na may maiwan na isang General sa Abarca, pero imposible naman dahil sa kundisyon ni Arvin" sabi ni Leo.
"Tapusin nalang natin 'to kaagad para makabalik tayo ng Abarca ng maaga" dugtong naman ni Miguel.
"Mukhang imposible dahil inataki ni Bayron ang East High at madaming nasira" napalingon kaming tatlo kay Aliyah.
"M-may mga nasaktan ba?" tanong ko naman.
"Fortunately walang namatay. May ilang estudyante lang na nasugatan dahil sa nangyari"
"Paano natapos ang laban? Dahil imposible na umalis si Bayron sa isang lugar na walang nakukuhang buhay" tanong pa ni Miguel.
"Napatay siya ng mga estudyante... kabilang ang estudyanteng naghatid sa Prinsipe dito sa Abarca" si Arvin...
"Kung namatay siya, magiging ligtas pansamantala ang Abarca" sabi naman ni Leo, "Bilisan na natin"
Sila Leerin, okay lang kaya sila?
ARVIN'S POV
Pagbukas ko ng pinto ng office ni Ms. Helen, sumalubong sa akin si Leerin na hawak ang isang kalapati.
Napansin ko naman ang isang papel sa paa nito.
"Magpapadala kayo ng sulat?" tanong ko.
"Hm. Kailangan ng tulong ng East Ground mula sa Abarca. Walang sapat na pera ang East Ground para masaayos ang unang building ng East High"
Dahil sa sagot ni Leerin medyo nakonsensya ako dahil hindi ko napigilan si Bayron at nagresulta ito ng pagkasira ng building ng East High.
"Bakit nakayuko ang ulo mo, Karim? May kalokohan ka bang pinagsisisihan?" may ngiting tinapik ni Ms. Helen ang balikat ko pagkapasok niya sa kwarto.
"Okay na ba ang sulat, Leerin?" tanong niya kay Leerin na tumango lang at sumenyas si Ms. Helen na pakawalan niya na ang kalapati, na ginawa naman kaagad ni Leerin.
Umupo si Ms. Helen sa upuan niya, "Okay na ba ang mga sugat mo, Karim? Ikaw ang mas napuruhan dahil sa nangyari"
Hinimas ko ang nakabandage kong sugat sa leeg at may ngiti kong nilingon si Ms. Helen, "Maghihilom din po 'to"
"Ang mga ala-ala mo, kamusta?"
Sinadya ko na umiwas ng tingin sa kanya, "Wala parin po akong naaalala..."
"Hmm, mukhang matindi ang naging aksidente mo kaysa sa inaakala ko"
Napalingon kaming tatlo sa biglang pagbukas ng pinto ni Celia, "La, nasa East Ground na po ang Generals"
Napabuntong hininga si Ms. Helen sa pagtayo niya.
"Sasalubungin natin sila. At isa pa, Celia" at marahan niyang hinampas si Celia "Tawagin mo akong Ms. Helen dito sa loob ng East High"
"Yes yes"
Naglakad na kami palabas ng office ni Ms. Helen para salubungin ang Generals.
Itong si Celia, parang batang pupunta sa isang favorite niyang park dahil sa laki ng ngiti niya.
"Nakakasira ng umaga 'yang ngiti mo, Celia" biglang sulpot ni Vann sa side namin.
Sa isang iglap, nawala ang abot langit na ngiti ni Celia, "Ikaw ang nakakasira ng napakagandang araw ko"
"Umayos ka. Generals ang haharapin mo"
"Wow naman pala. Wag ka maging plastic sa harap ng Generals"
"Ehem. H'wag kayong magsimula, kung ayaw niyong ako ang tatapos ng away niyo" pagsingit ni Ms. Helen at nag-irapan naman ang dalawa.
Hindi kalayuan, unti-unti na namin silang natatanaw.
Hindi ko ineexpect na darating ang araw na ako mismo ang sasalubong sa kanila sa ibang katauhan.
"Magandang gabi po, Ms. Helen" bungad ni Leo at sa hindi inaasahan, nagtama ang tingin namin ni Karim.
"Ikinagagalak ko kayong makita. Halikayo, tuloy kayo sa East High" pinangunahan ni Ms. Helen ang paglalakad at sinundan naman siya ng Generals.
Sinundan lang namin sila ng tingin hanggang sa makapasok na sila sa loob.
"Woah, ang astig nila tignan~ amoy palang S-Class na" nilingon ko si Celia na halos parang dala na ng mga ulap.
Nilingon ko naman si Leerin na parang ang lalim ng iniisip niya, "Leerin?"
Nilingon niya akong may pagkabigla, "Ah, K-Karim. Bakit?"
"May problema ba?"
Napayuko siya at nabasa ko sa mata niya ang lungkot, "Maagang nakarating dito ang Generals. Kakalipad lang ng kalapati na magdadala ng sulat sa Abarca. Mukhang matatagalan bago maayos ang unang building"
KARIM'S POV
Hindi ko inaasahan ang eye contact ko kay Arvin Boreanaz kaya naman naging tahimik ako hanggang sa makarating kami sa office ni Ms. Helen.
Pag-upo namin nilapagan kami ng kape.
"Humihingi po kami ng tawad dahil nahuli kami. Wala man lang kaming nagawa para matulungan kayo nang umataki si Bayron" sabi ni Leo.
Ngumiti si Ms. Helen, "Naiintindihan ko dahil hindi lang naman ang East Ground ang pinoprotektahan niyo kung hindi maging ang buong mundo"
"Ang mga sugatan pong estudyante, kamusta po ang lagay nila?" tanong ko naman.
"H'wag niyo na po silang intindihin, dahil nasa mabuting kalagayan na sila"
Kung hindi dahil kay Arvin, baka pinaglalamayan na ngayon ang mga kaklase ko.
"Mabuti pang magpahinga na muna kayo. Naghanda ako ng kwarto para sa inyo"
ARVIN'S POV
"W-wait! Seryoso ba?! Sa building natin sila matutulog? Woaaah! Kung sinuswerte ka nga naman" si Celia na halos maghapon na nakangiti.
"Ang ingay mo kahit kailan" sabi naman ni Vann na kakapasok at bitbit ang mga blanket.
"Ang sabihin mo, kaya hindi pinili ni Lola ang building niyo, dahil sa kadugyutan mo"
"Hah! Wow nagsalita ang malinis ah? Sino kaya yung nagkalat ang underwear sa kwarto niya, hah?!"
Underwear?
Oy, oy.
"Nakapasok ka na sa kwarto ni Celia?" nagpipigil na ngiti na tanong ni Eugene.
"AAH! Lamunin ka sana ng lupa!!!" sigaw ni Celia at halos mabulabog na ang tatlong building ng orphanage.
"A-as if namang gustuhin ko na makapasok ng kwarto mo! Ito ang blanket, magpakasaya ka sa mga mukha ng Generals!" at dali-daling tumakbo palabas ng building si Vann.
"Hindi ka man lang ba magpapaliwanag, Celia?" nangingiti paring tanong ni Eugene higop-higop ang kape niya.
"Wala naman akong ginawang masama so bakit kailangan kong magpaliwanag? Like duh, sino ba kasing nagsabi na libre ang pagpasok niya sa kwarto ko? Hindi man lang sanay kumatok, bwisit. Lamunin ka sana ng lupa, Vann Harold Fitrei!" at dali-dali rin siyang umalis ng kwarto.
Napabuntong hiningang dinampot ni Eugene ang mga blankets na iniwan nalang nila Vann sa lapag.
"Buhay nga naman oh. Kayo na ang bahala dito. Aayusin ko lang ang higaan ng mga General" tumango lang kami at umalis narin siya.
"Curious ka ba sa nangyari?" mahinang tanong ni Leerin at inabot niya sa'kin ang isang kape.
"Dati bang close si Vann at Celia?"
Nagsip muna siya bago siya sumagot, "Hm, magkaibigan na sila nung mga oras na slave pa tayo, 'yung sinasabi niyang incident. Nangyari 'yon nung bata palang tayo. Masyadong naexcite si Celia sa pinagawang building ng Hari para sa mga orphan, at sa hindi inaasahan, sa pagpasok ni Vann sa kwarto ni Celia para pagdalhan siya ng pagkain, siya namang pagkadulas ni Celia at sumabog ang lahat ng damit niya sa lapag"
"At hindi lang matanggap ni Celia na nakita ng long time crush niya ang side niya na 'yon. May pagkaclumsy kasi itong si Celia na ayaw niyang ipakita kay Vann" nangingiting sabi naman ni Sister Betty na dala ang mga pagkain.
"Sa madaling salita, si Celia ang may problema?" mahinang sabi ko naman at nangiti si Leerin.
"Ang pag-iwas ni Celia kay Vann ang naging dahilan kung bakit nagyelo ang puso ni Vann" nangingiting kwento pa ni Sister.
Haha, ang mga batang ito.
"Magandang Gabi" lahat kami lumingon kay Leo na nasa pintuan na kasama ang ilan pang General.
"Kayo na ang bahala sa amin habang nandito kami" nakangiting sabi ni Aliyah.
Mukhang kailangan kong magdoble ingat habang nandito sila.
To be continued ...