Paglabas ko palang ng bahay pinagtitinginan na ako ng mga estudyante ng East High. Sanay na ako sa mga matang nakatingin sa'kin kaya hanggang sa makarating kami ng classroom ni Leerin ay wala akong naging problema.
Maliban sa isang babae,
"Woah, kilala mo pa ba ako, Karim?" pang-iinis ni Celia na inikot pa ang upuan niya paharap sa table ko.
"Bukod sa pangalan mo, wala na akong alam na bagay tungkol sa'yo. Nagka-amnesia ako, hindi ba?" pagbabalik ko naman sa kanya at hindi niya inaasahan 'yon.
"Haha! H'wag ang may amnesia, Celia" pang-iinis naman ni Eugene kay Celia na kumunot na ang noo.
"Ano bang meron, Celia?" kalmado at mahinang tanong naman ni Leerin na umupo narin sa upuan niya na sa tabi ko lang.
"Na-special mention lang naman ni Prince Peter si Karim at Vann kanina sa speech niya sa Abarca"
"Kanino mo naman nalaman 'yan?" tanong pa ni Eugene at inilapag ni Celia sa table ko ang isang newspaper na cover ay si Peter.
Matapos ko 'tong basahin ay iniwas ko na ang tingin ko sa kanila. "So Karim, anong itsura ng mga Generals?" excited na tanong ni Celia.
Nang lingunin ko siya ang laki ng ngiti niya, "Mukhang tao?" mahinang sagot ko naman.
"Aah~ gusto ko rin silang makita sa personal"
"Bukas na ang punta nila dito sa East Ground, hindi ba?" tanong naman ni Leerin at may ngiting tumango-tango si Celia, "Mukhang kailangan kong magbeauty rest. Makikita ko na finally ang Generals-- oh my, makikita ko narin finally ang Captain"
Maging okay pa kaya siya kung malaman niyang si Karim Davila ang laman ng katawan ni Arvin Boreanaz?
KARIM'S POV
"Kinakabahan ka ba para bukas?" tanong ni Aliyah habang naglalakad kami sa corridor.
"Mas kinakabahan ako para kay Miguel" mahinang sabi ko naman na wala sa isip ko at nagulat nalang ako nang tumawa siya.
"Sorry, sorry. Hindi ko lang inaakala na makakapagbiro ka"
Ngumiti nalang ako dahil napansin ko na nawawala na ako sa character ko bilang Arvin Boreanaz.
Huminto kami saglit para buksan ang pintuan ng meeting room naming mga Generals. Pagkabukas ko, nakaupo na sa table si Miguel kasama si Leo.
"Kanina pa kayo?" tanong ni Aliyah bago umupo.
"Sampong minuto na kaming naghihintay dito" sagot naman ni Miguel na parang walang interest sa pag-uusapan.
"Busy akong tao kaya tapusin na natin 'to ng maaga" at inilapag ni Leo ang apat na kumpulan ng papel.
"Ito ang hati ng bawat members na hawak natin. Aliyah, Platoon 1, Miguel 2, Arvin 3 at sakin ang 4"
Tinignan ko mga names ng hawak ko. At katulad ng inaasahan ko, sa'kin napunta si Arvin Boreanaz kasama si Leerin, Celia at Vann.
"Ilang araw magtatagal ang recruitment?" tanong ni Miguel.
"3 days with 2 days activities" sagot ni Leo.
"Anong gagawin sa mga mapipili?" tanong ko dahil wala akong alam sa mga bagay na ganito.
Nagamit ko naman ang kunwaring wala akong naaalala.
"6 sections, total of 228 students. Hindi natin maaaring pilitin ang mga estudyante na mag undergo ng mabigat na mga activities na malalagay sa peligro ang buhay nila, kaya naman ngayon palang susubukan na natin sila. Para sa mga mapipili, after ng taon nila na 'to, automatically enrolled sila sa program na hinanda natin para sa kanila habang ang hindi mga napili, ay mag-a-undergo ng special course at makakakuha sila ng chance in another year. At ang mga napili naman, kailangan nilang magtake ng mga requests and missions na ihahanda natin sa kanila" sagot ni Aliyah.
"Kahit na mga estudyante palang sila?"
Tumango siya, "May level or rank ang bawat mission at duon dedepende kung anong mission ang para sa isang estudyante. Simula sa pinakamababang rank, ang D-Rank tas C, B, A then ang pinakamataas na rank, ang S-Rank. Don't worry dahil D and C-rank lang ang ibibigay natin sa mga estudyante"
"Hmm, pero ang paghatid sa Prinsipe dito sa Abarca is considered as A-Rank mission" bulong ni Miguel.
Nagsimula ang katahimikan at sinira naman ni Leo ang katahimikan na 'yon, "Kung wala na kayong tanong aalis na ako. Marami akong aayusin na papel"
"Great work, Leo" sabi ni Aliyah at tuluyan ng tumayo si Leo.
"Magkita-kita nalang tayo bukas ng umaga"
ARVIN'S POV
Nasa kalagitnaan kami ng klase nang paunti-unti nararamdaman ko ang presensya niya.
Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko dahil sa galit. Ang bilis mo atang mabuhay ulit.... Bayron.
Lumingon ako sa bintana.
"May problema ba, Karim?" mahinang tanong ni Leerin dahil nagpapatuloy parin ang klase.
Wala ng oras para pumunta ako sa rooftop. At mukhang ako rin ang sadya niya.
Kailangan kong isakripisyo ang buong classroom na 'to at napakadelikado kung ito ang magiging battle ground. Pero kailangan ko ring masiguro ang kaligtasan ng mga batang nandirito.
"Magus Enhancement. Diyena (Celestial Push)" bulong ko na halos ako nalang ang makarinig at biglang tumahimik ang paligid matapos may pwersang nagsi-usugan ang mga upuan at lamesa na nag bigay ng space or way.
"Woa! A-anong nangyayari?" tanong ni Celia na may pinakamalakas na boses sa kwartong 'to.
Sa isang pikit ng mata ko, siya na kaagad ang bumungad sa akin. "Karim Davila...!!!"
Ang mga kamay niyang may matatalim na kuko ay napakahigpit ng hawak sa leeg ko habang patuloy niya akong tinutulak.
Sa lakas at bilis ng tulak niya, nabutas ang classroom hanggang sa natulak niya ako paibaba at palabas ng building.
Mas magandang sa labas tayo maglaban, Bayron.
Pero hindi lang 'yon ang problema ko ngayon.
Umiinit ang dibdib ko. Hindi kailangan magtagal 'to, kung hindi, malalaman ni Bayron ang sikreto ko.
Kaagad kong hinawi ang kamay ni Bayron paalis sa leeg ko.
"Sino ka para tangkaing pigilan ang mga plano ko?!" sigaw niya at gamit ang isa niya pang kamay ay binalik niya ito sa leeg ko kaya di na ko nakapagtimpi na sipain siya palayo.
Tumilampon siya sa building na sinira niya kanina.
"Anong ginagawa ng isang Soul Trader na katulad mo dito sa East Ground?" kalmado kong tanong matapos kong tumayo at punasan ang dugong nasa bibig ko.
"Hindi ba't ikaw ang nagsabi na magkita tayo sa oras na mabuhay akong muli?"
Dahil duon naalala ko nga ang huling salitang sinabi ko nung maglaban kami, "Magkita nalang ulit tayo-- sa oras na mabuhay ka ulit. Safiya (Fire)"
Nakilala niya ako...
"Nandito na ako, Karim Davila. Ano pang hinihintay mo? Simulan na natin" nakangiting sabi niya at kahit na natatakpan ang mga mata niya ng hood niya, nararamdaman ko ang talim ng tingin niya.
Pero napakaraming testigo na nandito sa East High. Hindi ko maaaring gamitin ang buong lakas ko.
"Yo! Hoodie-man! Babayaran mo ba ang nasira mong building, huh?!" nanggagalaiting tanong ni Celia na biglang sumulpot kasama sila Leeren at ibang F-students.
Hindi ko alam kung ito ba ang oras na kailangan kong tumawa dahil sa walang katakot-takot na pag-uugali ni Celia.
"Isa laban sa napakaraming estudyante? Haha!" natatawang sabi ni Bayron kasunod ng pag-ikot ng tingin niya sa paligid.
"Hindi ka naman namin pinilit na pumunta dito, Bayron" dagdag pa ni Vann na nakisama narin kasama ang ilang A students.
"Hoy Vann. Problema 'to ng mga F. Umalis kayong mga A dito" paninimula ni Celia.
"Problema 'to ng East High. Hindi lang ng section niyo" pagbabalik naman ni Vann.
Napabuntong hininga ako dahil sa pagkamangha dahil hindi man lang sila natatakot kay Bayron.
"May sugat ka, Karim" mahinang sabi ni Leerin na nasa tabi ko. Hinawakan ko ang sugat sa leeg ko na dahil sa mahahabang kuko ni Bayron.
"Okay lang ako"
Hinarap ko si Bayron na may mga ngiti parin sa labi. "Sa oras na mamatay ka dito, isang buhay nalang ang matitira sa'yo" mahina at kalmado kong sabi at nawala ang ngiti niya.
"H'wag mong sabihing hindi mo parin nakukuha ang sapat na lakas na tatalo sa mortal mong kaaway?" nakita ko pa ang muling pagngiti niya bago siya maglaho ulit at biglang paglitaw sa harap ko.
Kaagad ko naman siyang binalock gamit ang lumitaw na spear sa kamay ko. "A-anong connection mo kay Arvin Boreanaz?...!" tanong niyang puno ng galit.
Ngumiti ako at mas lumapit pa sa kanya, kasunod ng pagtusok ko ng isa pang espada sa dibdib niya, "Nakalimutan mo na ba kung nasaan tayo?"
Hindi siya kumibo pero alam kong nagtataka na siya ngayon. Sinipa ko siya palayo sa espada ko, "Sa tingin ko matagal bago tayo muling magkikita. Kailangan mong ingatan ang natitirang buhay mo"
"Pero hindi ibig sabihin nito ay titigil na ako" sabi niya habang unti-unting nasusunog ang katawan niya hanggang sa naglaho siya.
Nasa panganib ang Abarca-- hindi, hindi lang ang Abarca kung hindi ang buong mundo.
To be continued ...