Chapter 07

1798 Words
LUMIPAS ang isang araw na hindi kami nagkakausap ni Zacharias. Paniguradong galit pa siya sa akin. Although, hindi naman ako umaasa na kakausapin niya pa ako sa kabila ng pinakita ko no'ng sabado. Siguro mas mainam nang ganito. Malayo kami sa isat-isa para hindi na lumala ang sitwasyon. “Merriam, iha.” Mahinahong tawag ni Nanny Belen sa labas ng aking silid. Nagtalukbong ako ng kumot nang pumasok siya sa silid ko. “Iha, tanghali na hindi ka paba lalabas ng silid mo?” Ramdam ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama ko. Inalis ko ang kumot sa mukha ko. Umayos ako sa pagkakaupo. “Nanny, wala po akong gana.” “Paanong hindi ka mawawalan ng gana, eh, hindi kapa kumakain hanggang ngayon. Hindi ka rin kumain kahapon.” “Hindi po ako nagugutom. Wala po talaga akong ganang kumain ngayon.” “Kailangan mong kumain, iha. May pasok kapa ngayon. Absent kana nga kanina sa morning class mo.” “Nanny, makikita ko siya. Magkikita kami ni Hendrixson.” “Eh, anong gagawin natin? Doon siya nag ta-trabaho. Hala, bumangon kana riyan.” “Nanny, ayaw ko pong pumasok. Hindi ko alam kung paano siya haharapin lalo na nagkaroon ng alitan sa pagitan nilang dalawa ni Zacharias.” “Hindi mo kailangan umiwas sa kanya lalo na't wala ka naman ginagawang masama.” “Na-nny...” Naluluha kong sambit, yumuko ako,“ Hindi ko pa siya kayang harapin ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkita kami.” Bumuntong hininga siya saka tumayo. “Ayusin mo buhay mo, Merriam. Baka nakakalimutan mo iyong usapan niyo ng mga magulang mo.” Gulat akong napatingin sa labas ng silid ko. Nakasandal sa pinto si Efron. Seryoso siyang nakatingin sa akin. “A-alam ko. Hindi mo na kailangan pang ipaalala pa.” Sagot ko. Umalis na si Nanny Belen ng silid. Kami nalang ang naiwan ni Efron sa loob. Mukhang sesermonan na naman niya ako. “Talaga ba? Parang hindi ata iyon ang nakikita ko, Merriam. Mula nang magkita kayo ni Hendrixson natuliro kana. Nagulo na naman ang buhay mo.” Here we go again. Nakakapagod. Mas lalo akong nalilito sa tuwing pumapasok sa eksena si Efron. Mas lalo akong naguguluhan sa nararamdaman ko. “Manahimik ka Efron, hindi ko naman kailangan ang opinyon mo!" Giit ko. “Gusto mo bang sabihin ko sa kanya ang rason kung bakit hindi ka bumalik sa Canada? Gusto mo pa bang ipaalala ko saiyo ang rason sa nangyari kay ate Anasandrea?” Tumahimik ako sa sinabi niya. Nangangatog ang mga paa at kamay ko. Alam ko kung ano ang pinupunto niya pero bakit ngayon niya sinasabi sa akin? Para ipamukha na kasalanan ko ang lahat? “Mag asikaso kana. Sabay tayong papasok sa school.” Nilisan niya na ang silid ko. Naiwan akong tulala at hindi alam ang gagawin. Pinagsisisihan ko ang nangyari noon, sa maling desiyon na ginawa ko. Pero ‘di ko lubos maisip na babanggitin pa sa'kin ‘yun ni Efron. Ang bangungot na matagal ko ng kinalimutan. “Merriam!” Gulat akong napatayo nang muling sumigaw si Efron. Sinenyasan niya ako na pumasok sa banyo. Saka padabog na sinara ang pinto ng silid ko. Napaluhod ako dahil sa hiya. Sa lahat ng tao na malapit sa akin si Efron ang hindi sumuko sa ugali ko. Hindi niya ako iniwan kahit na kailangan niyang umalis at pumunta sa Hacienda Amore. Nakiusap lamang ako sa kanya na manatili sa Villa Amore para mabuo ulit ang sarili ko. Pero ano 'tong ginagawa ko? Nagtalo kami ni Efron. Baka maging mitsa pa ng pag-uwi niya sa Hacienda ang pagtatalo namin. Ayaw kong mangyari iyon. Kailangan ko pa siya sa tabi ko. Siya lang ang makakatulong sa akin para maayos ang sarili ko. Sa oras na umuwi siya sa Hacienda possible na malaman ng mga kapatid ko ang nangyari sa akin. Malalaman ng ibang kamag anak namin ang ginawa ko. Sobrang kahihiyan ang mabibigay ko sa pamilya ko–sa pangalan ng mga Bemerre at Costello. 'Di nagtagal pumasok na ako sa banyo. Mabilis lang akong naligo at inayos ang sarili ko. Alas dos na ng hapon at isang subject nalang ang kaya naming pasukan at iyon ang klase ni Hendrixson. “Merriam, tapos kana ba?” Rinig kong sabi ni Nanny Belen sa labas ng silid ko. “O-opo, Nanny.” “Bumaba kana. Kanina kapa hinihintay ni Efron. Kanina pa rin mainit ang ulo ng pinsan mo baka gusto mong pakalmahin muna.” “Opo!” Binuksan ko na ang pinto at sabay kaming bumaba ni Nanny. Nagpaalam na ako kay lola Nimfa na nakaupo sa sofa. Busy siya sa panonood. Pagkarating ko sa labas ng bahay naninigarilyo pa si Efron. Masama ang tingin niya sa akin nang i-abot niya sa akin ang helmet. Mas gusto ni Efron ang motorsiklo kaysa sa kotse. Kesyo mas mabilis daw kaming makakarating sa pupuntahan namin. “Ayusin mo 'yang upo mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag kang magsusuot ng palda kapag naka motor tayo..” Aniya, pinalupot niya sa baywang ko ang jacket na suot niya. Naka t-shirt nalang siya ngayon. Yumuko ako dahil sa hiya. Hindi ko matagalan na tingnan siya. Sumakay na kaming parehas sa motor at saka niya pinaandar. Mabilis ang pagkaripas ng takbo kaya mas mahigpit ang paghawak ko sa baywang niya. Saglit lang din kaming nakarating sa University of Morres. Ang unibersidad na pagmamay ari ng tunay na pamilya ni Hendrixson. “Salamat!" Saad ko nang alalayan akong makababa ni Efron. Nanatili ang jacket niya sa baywang ko hanggang sa pumasok kami sa classroom namin. Wala pa si Hendrixson kaya mabilis kaming nakaupo sa kanya-kanyang upuan. Magulo at maingay pa nang dumating kami. “Oy girl, anong nangyari sa inyo ng pinsan mo? Bakit hindi kayo pumasok kanina?" Bungad na tanong ni Michael. Abala sa pagsusuklay ng buhok si Schelsie. “Uhm... Tinanghali na kasi ako ng gising kanina gawa nang pagsakit ng ulo ko.” Pagsisinungaling ko. Ayokong malaman nila ang tunay na dahilan kung bakit hindi ako pumasok kanina. “Ah. Gano'n ba. Anyway, balita ko dumating na iyong boyfriend mo galing sa Australia. Sino ba iyon? Uhm. Za-ch? So, anong update girl? Kailan mo kami ipapakilala sa kanya? Beke nemen, Merriam, ha.” Panunukso ni Michael. Nginitian ko lang siya at inayos na ang mga gamit ko. Nasa likod si Schelsie at Efron samantalang nasa harapan kami nakaupo ni Michael. Hindi ko na kinibo si Michael kahit na panay tanong siya sa akin tungkol kay Zach. Baka kung ano pa ang masabi ko ngayong dumating na si Mr. Morres. “Good afternoon class!” Bati ni sir habang inaayos ang kanyang gamit. “Good afternoon, sir!” Sabay-sabay na bati namin sa kanya. Nahuli ko siyang pinasadahan ako ng tingin na agad ko naman iniwasan. Mahirap na at baka kung saan pa mapunta ang pagtitinginan namin. “So, for today's class, we will be having an activity, which means, magsusulat kayo ng essay about history.” “Aw. Essay? Napaka basic naman niyan.” Daing ni Efron sa likuran ko. Sinamaan ko lamang siya ng tingin ngunit padabog siyang tumayo. “Mr. Costello, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” “Aalis ako. Hindi ba halata?” Masama ang tingin ni Efron kay Mr. Morres. Kinakabahan ako. Ayokong malaman ng buong klase ang tungkol sa nakaraan namin ni Hendrixson. “Go back to your seat, Mr. Costello!” Giit ni Sir Morres. Nanggigigil niyang ibinato sa kanyang mesa ang libro na dala niya kanina.Nilapitan niya si Efron. Magkalapit na sila ngayong dalawa. Masama ang tingin nila sa isat-isa. Kulang nalang magpatayan sila sa harapan namin. “Sa tingin mo ba susundin kita?” Napanganga ako sa sinagot ni Efron. Alam kong galit siya kay Hendrixson. Kailangan kong umisip ng paraan kung paano sila paghihiwalayin. “I am very aware na galit ka sa'kin, Mr. Costello, but please, stop making a scene. I'm your teacher and you're my student. Ako ang masusunod kung ano ang ipapagawa ko at hindi ikaw.” Pilit na tumawa si Efron at tinapunan ako ng tingin. Napatayo ako sa ginawa niya at nilapitan siya. “Tara na, Efron. Umuwi nalang tayo.” Hinawakan ko ang braso niya ngunit malakas niya akong itinulak. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Mabilis akong nilapitan ni Mr. Morres. “Ano bang problema, Mr. Costello?!" Pagalit na sabi ni Mr. Morres habang dahan-dahan niya akong tinatayo. ”Are you okay? May masakit ba sa iyo?” Tanong niya. Sinamaan ko lamang siya ng tingin at tinalikuran. “Uuwi nalang po kami ni Efron, sir Morres. Pasensiya na po.” Dire-diretso akong naglakad patungo sa kinauupuan ko kanina. Kinuha ko ang gamit namin ni Efron. Tahimik ang buong silid. Walang nagsasalita sa kanila. Lahat sila ay gulat at naguguluhan sa mga nangyayari. Nang makuha ko na ang mga gamit namin nilagpasan ko na si Mr. Morres. Hinila ko palabas ng silid si Efron. Nakakuyom ang kamao niya at mukhang naghahamon pa ng suntukan. Wala talagang inuurungan ang mokong na ‘to. Hindi siya aalis hanggat hindi dumadapo ang kamay niya sa mukha ng kaaway niya. Kaya bago pa lumala ang eksena, hinila ko na palabas si Efron. Pagkalabas sa silid dumiretso na kami sa parking lot. Inalis ni Efron ang kamay ko at nagsimulang sumigaw. Hawak niya ang kanyang dibdib na aking kinabahala. “Are you okay, Efron?” Tanong ko nang lapitan ko siya ngunit iling lang ang tanging naisagot niya. ”Layuan mo siya Merriam! Lumayo ka sa kanya!” Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang paikot-ikot na naglalakad sa parking lot. “Sinusubukan ko namang gawin iyon, Efron ikaw 'tong nagpalala sa sitwasyon.” “Kailangan ka ni Zacharias, Merriam. Mas kailangan ka niya.” Ginulo niya ang kanyang buhok na mas nagpakunot sa noo ko. “Ano ba ang gusto mong sabihin, ha, Efron? Kung galit ka sa'kin, sabihin mo. Hindi ‘yung gagawa ka ng eksena.” “Gusto ko lang na mas bigyan mo ng pansin si Zacharias. Pahalagahan mo siya. Kailangan ka niya, Merriam. Mas kailangan ka niya ngayon.” “Hindi kita maintindihan, Efron.” Pilit akong tumawa. 'Di ko siya maintindihan. Pabago-bago ang mood niya. Kanina galit tapos ngayon parang nagmamakaawa. “Maiintindihan mo rin ang lahat, Merriam, pero sa ngayon makipagbati ka kay Zacharias. Makipag ayos kana. Mas kailangan ka niya ngayon.” Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango sa kanya. Sumakay na kami sa motorsiklo. Ihahatid niya ako kay Zacharias kahit na wala pa akong lakas ng loob na harapin siya. Ako nalang siguro ang hihingi ng tawad sa kanya dahil ako naman ang may kasalanan. Sa'kin naman nagmula ang lahat kaya siya'y nagalit ng husto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD