Chapter 06

1798 Words
“MAHIRAP talagang pumili kung parehas silang mahalaga sa iyo,” dinig kong sabi ni Efron. Tinabihan niya ako at inakbayan. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko. Kumuha siya ng sigarilyo sa bulsa ng suot niyang coat. Sinindihan niya iyon. Nagsimula na siyang manigarilyo. Tumingala siya at bumuga ng usok. Tinakpan ko ang ilong ko. “Kung maninigarilyo ka lang din naman umalis kana. Magkakasakit pa ako sa baga ng dahil sa iyo.” Tumawa siya kahit wala naman nakakatawa sa sinabi ko “Galing ako ng bar. Kakauwi ko lang din tapos sinabi sa akin ni Nanny Belen na nandirito ka kaya pinuntahan na kita.” “Nambabae kana naman.” Pagbibiro ko. “Pampalipas oras lang.” Natatawa niyang sambit at bumuga na naman ng usok, “Nagkita na pala silang dalawa.” Huminga muna ako ng malalim. Sumandal ako sa balikat niya. Ginulo niya ang buhok ko. Parang magkapatid na rin kaming dalawa. “Oo, nagtalo silang dalawa.” Tumawa siya. “Normal lang naman na magtalo sila sa unang pagkikita.” “Pero nasaktan ko si Zacharias.” “Sinabi mo bang mahal mo pa rin si Hendrixson?” “Hindi. Hindi ko iyon sinabi. Naguguluhan ako. Mahal ko si Zacharias. Alam kong mahal ko siya pero-” “Pero mas mahal mo si Hendrixson, ganoon ba iyon?” “Hindi ko alam. May parte sa puso ko na gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang yakapin pero may pumipigil sa akin. Masasaktan ko si Zacharias.” “Mahirap iyan, Merriam. Hindi pwedeng ganiyan. Hindi lang sila ang masasaktan mo pati ang sarili mo.” “Naguguluhan ako...” “Sarili mo lang ang pinapahirapan mo, Merriam.” “Anong gagawin ko?” Naguguluhan na tanong ko, pinalupot ko ang aking kamay sa braso niya. Nanatiling nakahilig ang ulo ko sa balikat ni Efron. “Aba! Hindi ko alam. Ikaw lang naman ang makakasagot sa sarili mong problema. Masyado mong pinapahirapan ang sarili mo. Ginagawa mong komplikado ang mga bagay bagay kaya ka naguguluhan.” “Hindi ko talaga alam. Hindi ko na alam kung ano pa gagawin ko. Alam mo kung gaano ko minahal si Hendrixson. Kung gaano ako nasaktan sa pag-iwan niya sa akin na hindi ko alam ang totoong dahilan.” Inalis niya ang kamay ko. Tumayo siya at sumigaw. Nagulat ako sa ginawa niya. Tinapon niya ang sigarilyo sa lupa at inapakan. Humarap siya sa akin habang hinihimas ang kanyang noo. “Are you stupid, Merriam Amore Bemerre?” Imbes na sagutin ang tanong niya, inirapan ko nalang siya. Alam ko na kung saan patutungo ang usapan naming dalawa. “Tanga ka nga. Ang tanga tanga mo, Merriam Amore! Hindi ko alam kung saang planeta nanggaling 'yang utak mo.” Sinamaan ko siya ng tingin ngunit seryoso lang siyang nakatingin sa akin. “Kung se-sermonan mo lang ako mas mabuti pang umalis ka nalang. Iwanan mo na ako. Bumalik kana sa Hacienda Amore.” saad ko. Inirapan ko siya at tumayo. Naglakad ako palayo sa kanya. Pinitas ko ang mga dahon na mararaanan ko. “Merriam!” Sigaw ni Efron. Tiningnan ko siya, malapit na siya sa pwesto ko, “Mabuting tao si Zacharias. Kilala ko iyon. Mas kilala ko siya kaysa kay Hendrixson. Huwag mo naman sanang baliwalain lahat ng sakripisyo na ginawa sa'yo ng kaibigan ko. Pinsan kita pero hindi ko kayang makitang nasasaktan si Zach dahil sa put*anginang pagmamahal mo kay Hendrixson.” “Sa tingin mo ba gusto ko siyang saktan? Hindi, Efron! ginagawa ko rin naman iyong best ko para hindi siya saktan. Nagi-ingat ako sa bawat desisyon na ginagawa ko kaya nga humihingi ako ng tulong sa iyo. Ayokong saktan si Zacharias...” “Ayaw mo siyang saktan pero gusto mong makipagbalikan kay Hendrixson?” “Wala akong sinabi na gusto kong makipag balikan sa taong iyon. Gusto ko lang ng closure. Gusto kong malaman yung tunay na dahilan kung bakit niya ako iniwan sa ere.” Kulang pa rin ang mga narinig ko kanina. Hindi pa rin ako satisfied sa mga narinig ko. Gusto ko siyang makausap ng masinsinan. “Closure, ha? Closure ba talaga ang gusto mo, Merriam” O gusto mong makipagbalikan sa kanya at iwan si Zach” Kasi sa nakikita ko hindi closure ang kailangan mo kundi siya! Siya mismo ang kailangan mo Merriam para mapunan 'yang hinahanap mo.” “You know what, Efron? Let's end this conversation kasi wala naman 'tong patutunguhan. Wala rin naman akong makukuhang konkretong sagot mula sa iyo.” Sigaw ko pabalik sa kanya at iniwan na siya ng tuluyan. Pagkapasok ko sa loob ng bahay nakita ko si Lola Nimfa sa dining area. Kasama niya si Nanny Belen na kumakain ng pananghalian. Alas dose na pala ngayon hindi ko napansin ang oras dahil sa walang hiyang Efron na iyon. Akala ko naman matutulungan niya ako para malutas ang problema ko pero hindi naman pala. Kung hindi pa ako umalis baka sobra-sobrang sermon ang aabutin ko sa damuho na iyon. Dalawang taon lang naman ang pagitan ng edad namin akala mo kung sino makaasta. Dinaig pa sina kuya Alejandro at Marino Kumusta na kaya sila? Kailan kaya sila uuwi rito? Miss ko na sila mommy at daddy. Galit pa rin kaya sila sa akin? Sana hindi na. Sana napatawad na nila ako. Sana matanggap pa nila ako... “Iha!"” Isasampa ko na sana ang kaliwa kong paa sa unang baitang ng hagdanan ng tawagin ako ni Lola Nimfa. Kakatapos lang niyang kumain. Inalalayan siya ni Nanny Belen na seryosong nakatingin sa akin. “Oh, bakit malungkot ka?" Tanong ni Nanny Belen nang maupo kami sa sofa. “Nagtalo po kami ni Efron.” Malungkot kong sagot. Nakatuon lang ang atensyon ni Lola Nimfa sa telebisyon. Mahina na rin naman ang pandinig niya kaya hindi niya masyadong maririnig ang pinagu-usapan namin. “Ano naman ang pinag awayan niyo?” “Naikwento ko po sa kanya iyong nangyari kanina. Iyong pagkikita nila Zach at Hendrix.” “Tapos?” “Nanny, mali ba na mag demand ako ng closure sa aming dalawa ni Hendrixson?” Napaawang ang bibig ni Nanny sa sinabi ko at pilit na tumawa. “Walang mali sa paghingi ng closure, iha, pero para saan pa? Pagmumulan lang iyan ng away, iha. Masisira lang ang samahan niyo ni Zacharias. Masasaktan niyo lang ang isa't-isa.” “Pero nanny gusto kong malaman ang tunay na dahilan ni Hendrixson kung bakit niya ako iniwan.” “Sa kakahanap mo ng sagot maraming masasaktan. Maraming madadamay. Hindi ba pwedeng tanggapin mo nalang ang katotohanan at mag focus ka nalang kay Zach? Kailangan ba talagang bumalik ka sa nakaraan?” “Naguguluhan po ako.” Parang sasabog na ang ulo ko sa kakaisip kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung ipagpapatuloy ko pa ba ang paghingi ng closure o magfocus nalang kay Zach. Mahal ko naman si Zacharias pero gusto kong malaman sa mismong bibig ni Hendrixson ang tunay na dahilan kung bakit niya ako iniwan. Kung minahal niya ba talaga ako. Alam kong bata pa ako noong mga panahon na ‘yon pero deserve ko naman siguro malaman ang totoo. “Hindi ka naman maguguluhan kung matibay ang pagmamahal mo kay Zacharias.” Sabat ni Lola Nimfa na nagpatigil sa akin. “Naguguluhan ka kasi hindi ka sigurado sa nararamdaman mo para sa kanilang dalawa. Kung sino ang totoo mong mahal o kung minahal mo ba talaga ang isa sa kanila.” “Lo-la...” “Ganiyan na ganiyan din ang mommy mo noon, iha. Pasalamat nalang siya at hindi sumuko si Marcelo. Hindi siya sinukuan ng daddy niyo kahit na napakatigas ng ulo ng anak ko.” Bigla akong na curious sa kwento nila mommy at daddy. Hindi naman nila na ike-kwento sa akin iyon. Busy sila sa trabaho. Busy sila kay ate. Sila kuya lang ang nakakausap ko noon sa bahay. “Ano po ba ang nangyari, Lola?” “Katulad mo rin nagmahal si Amore. Sobrang mahal niya ang lalaking iyon pero sa huli iniwanan siya. Hindi alam ng lalaki na buntis ang mommy mo.” “P-po? Bu-buntis? Ka-kanino po?” Naguguluhan kong tanong. “Si Asandrea anak siya ng mommy mo sa pagkadalaga. Anak niya kay Leondre.” Napatayo ako dahil sa gulat. Dumiretso ako sa kusina at nanguha ng tubig. Pagkabalik ko nakasalubong ko si Efron. Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa sala. Inilapag ko ang baso sa mini table at umupo. “Kaya po pala mahal na mahal ni mommy si ate Asandrea.” Mapakla kong sabi. Kaya pala ganoon nalang kahalaga si ate Asandrea sa kanya kasi anak niya pala sa una. Sa unang lalaki na minahal niya. “Oo, kung gaano niya kamahal si Leondre mas higit pa ang pagmamahal niya kay Asandrea.” Sagot ni Lola Nimfa. “Alam ko po Lola, eh, paborito niya nga pong anak si ate, eh.” Pilit akong tumawa at uminom ng tubig. “Hindi ka dapat nagseselos sa ate mo, iha.” Napatingin ako kay Nanny Belen,“Parehas kayong mahal ng mommy mo. Pantay pantay lang ang tingin niya sa inyo.” Padabog akong tumayo dahil sa sinabi niya. Hinawakan ni Nanny ang kamay ko. Pansin kong nakikinig sa amin si Efron. Nakapamulsa siyang nakatayo malapit sa hagdanan. “Aakyat na po ako sa itaas. Magpapahinga na po muna ako.” “Okay sige. Dadalhan nalang kita ng pagkain mamaya. Tawagin mo lang ako kung nagugutom kana.” Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko na rin pinansin si Efron. Umakyat na ako. Anim lang ang kwarto sa pangalawang palapag at nasa dulo pa ang akin. Matamlay kong binagsak ang pinto. Sinara ko iyon ng maigi para hindi sila makapasok. Dumiretso na ako sa kama at humiga. Kinuha ko ang cellphone sa side table. Lowbat na lowbat pala. Chinarge ko muna at bumalik sa pagkakahiga. Tiningnan ko ang bag ko nang may mapansin akong nakaipit na papel. Nakalagay iyon sa side pocket ng shoulder bag ko. Kinuha ko ang papel at binasa. Nabitiwan ko ang papel nang mag ring ang telepono na nasa kabilang mesa malapit sa bintana. Tumayo ako at lumapit doon. “Hello, this is Merriam Amore Bemerre. Who's this?” “Hello, Baby, how are you? Kailan kaba babalik dito?” “Ewan. Hindi ko alam. Ikaw kumusta kana? Hindi mo man lang ba ako pupuntahan dito?” “Saka na. May inaayos pa ako. Ikamusta mo nalang ako kay Lola Nimfa, okay? Iloveyou! Bye!” Hindi pa tumagal ng dalawang minuto ang pagu-usap namin at pinatay niya na agad ang tawag. Naiirita akong bumalik sa kama at humiga. Umikot ikot ako sa higaan nang maalala ko ang nangyari kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD