Chapter 05

1830 Words
MULA nang maghiwalay kami hindi ko na muli siyang nakita. Hinintay ko siya nang matagal–umaga, gabi, maski umulan man o umaraw nanatili akong matatag. Umaasa na baka bumalik siya. Na baka magbago ang isip niya at balikan ako pero wala talaga. Walang Hendrixson na bumalik... Hindi na niya ako binalikan... “Ano? Naalala mo na ba? Ikaw ang nang iwan sa kanya. Iniwan mo siya kahit na alam mong sobrang masasaktan siya sa pag-alis mo. ‘Wag mong isisi sa'kin ang pagiging makasarili mo,” sambit ni Zacharias. Si Zacharias lang ang may pakialam sa akin. Siya lang ang nagpapahalaga sa feelings ko. Siya lang ang nakakakita ng halaga ko. Siya lang ang gusto kong makasama at hindi si Hendrixson. “Hindi pa rin sapat na dahilan iyon. Sinulot mo siya. Inagaw mo siya sa akin. Akala ko ba mag kaibigan tayo? Dapat alam mo kung ano ang totoong nangyayari sa'kin. Sana inalam mo ‘yung totoong dahilan ng paghihiwalay namin. Sana pinuntahan mo ako sa bahay. Pero hindi, eh, hindi mo ginawa. Ni isa do'n ‘di mo ginawa. Sinulot mo ang babaeng mahal ko!” “Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Una sa lahat ikaw ang gumawa ng kalokohan. Pangalawa, desiyon mo na hiwalayan siya at pangatlo hindi ko na kasalanan kung nahulog siya sa akin.” Pagmamayabang ni Zach. Tiningnan ko siya ng maigi. Wala pa ring pagbabago. Siya pa rin ang Zacharias na nakilala ko noon. Siya pa rin ang lalaking pinili kong makasama. Siya lang ang kaisa-isang lalaki na pinaglaban at pinanindigan ang pagmamahal sa akin. “Hendrixson, umalis kana. Umalis ka nalang. Pakiusap.” Sinamahan ko siya palabas ng gate. Wala na rin siyang nagawa kundi lisanin ang Villa Amore. Kung hindi pa ako sumingit sa usapan nila baka kung saan pa makarating ang pagtatalo ng dalawa. Ayoko na rin makita si Hendrixson. Hindi pa ako handa. Hindi ko pa alam ang sasabihin ko sa kanya. Masyadong magulo ang isip ko ngayon. Tanging si Zach lang ang gusto kong isipin. ‘Yung relasyon lang dapat naming dalawa ang inuuna ko. Hindi dapat ako nagpapaapekto sa mga kasinungalingan ni Hendrixson. Kung nagawa niya akong lokohin noon, magagawa niya pang saktan ang feelings ko ngayon. Hindi na. Hindi ko na hahayaan pang paglaruan niya ang kahinaan ko. Hindi ko na uulitin ang pagkakamaling iyon. Pagkakamali na minahal ko ang isang Hendrixson Morres na dumurog sa mahina kong puso. Nang masiguro kong wala na si Hendrix, ang siyang nagpakabog sa dibdib ko “Mahal mo pa ba siya, Merriam?" Tanong ni Zach pagkaharap ko sa kanya. Gulat ko siyang tiningnan. “So, mahal mo pa pala talaga siya.” Mapakla siyang tumawa. Imbes na sagutin ang tanong niya mas pinili ko nalang na talikuran siya. Nagsimula na akong maglakad. Nakasunod naman siya sa akin kaya walang problema. “Gusto mo bang sumama sa kanya?” Napailing na lamang ako dahil sa tindi ng selos niya. Nagawa niya pa talaga akong ipagtabuyan sa lalaking iyon. “Wait, Zach." Pigil ko sa kanya. Nilagay ko ang hinlalaki ng kanan kong kamay sa mapula at malambot niyang labi, “Iyong totoo naka drugs kaba? Kung ano-ano ang pinagsasabi mo.” Patuloy akong tumawa. “Seryoso ako, Merriam. Tinatanong kita kung gusto mong sumama sa kanya. Sa taong nanloko at nang iwan sa iyo.” Seryoso niyang sabi na mas kinatawa ko pa. “You know what? Wala akong ideya kung saan nanggagaling ang mga tinatanong mo sa akin. Sige nga, kung gusto ko sumama sa kanya bakit siya ang pinaalis ko? Bakit hindi ikaw?” Umiling lamang siya. “Oo, minahal ko siya noon pero hindi ibig sabihin na bumalik na siya, eh, may balak na akong makipagbalikan sa kanya.” Dagdag ko pa. Tumahimik siya saglit. “Isa lang naman iyong gusto ko, Zach, eh, iyon ang magtiwala ka sa akin. Paniwalaan mo rin ako.” “May tiwala ako sa iyo, Merriam.” “Pero bakit iba iyong nakikita ko? Bakit pakiramdam ko wala kang tiwala sa akin?” “Hindi ko alam.” “Paanong hindi mo alam, Zach?” Mapakla akong ngumiti, “Impossible na hindi mo alam ang rason kung bakit hindi mo ako kayang pagkatiwalaan.” “Gusto mo ba talagang malaman?” Tanong niya. Huminga siya ng malalim. Walang buhay ang mga mata niya. Napakalungkot. “Kitang kita ko kung paano naging masigla ang mata mo kanina nang makita mo siya. Ibang iba iyong paraan ng pagtitig mo sa kanya. Ramdam ko iyon. Masakit.” Parang kusang umurong ang dila ko sa sinabi niya. Hindi dahil sa gulat kundi dahil sa konsensiya. Nakaramdam ako ng konsensiya nang biglang tumulo ang tubig sa mga mata niya na agad niyang pinunasan. “Alam kong napilitan ka lang na makipagrelasyon sa akin. Napilitan ka lang na mahalin ako, Merriam, para makalimutan mo siya.” Patuloy na bumagsak ang tubig sa mukha niya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak ng ganito. Madalas ako ang umiiyak sa kanya. “Ayos lang naman. Ayos lang. Wala ka naman kasalanan.” “Zach, mali ang iniisip mo. Hindi totoo na napilitan lang ako na mahalin ka. Kusa kitang minahal, Zacharias. Totoo ang pagmamahal na pinapakita at pinaparamdam ko sa iyo.” “Pero hindi kasing tibay ng pagmamahal mo sa kaibigan ko.” “Za-ch, I'm really so-rry." Tanging nasambit ko dahil naramdaman ko na rin ang mainit na likido na tumulo sa mukha ko. Inaamin ko sobrang minahal ko si Hendrixson. Inaamin ko na hindi gano'n katatag o kalaki ang pagmamahal ko kay Zacharias. Hindi ko itatanggi iyon. Pero... “Napapagod kana ba sa akin, Merriam?” “No, Zach. Kailanman hindi sumagi sa isipan ko ang bagay na iyan.” Hindi ko kayang mawala sa akin si Zacharias. Hindi ko kakayanin. “Nakikita mo ba ako bilang makakasama mo habang buhay?” Tanong niya. Kinagat ko ang labi ko at yumuko. “Merriam, nakikita mo ba ako bilang mapapangasawa mo hanggang sa pagtanda?” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Maski ako hindi pa sigurado. Basta ang alam ko lang–gusto ko lang na palagi siyang nasa tabi ko. Bakit naman ganito? Ito na ba ang tinatawag nilang karma? Karma kasi mahal ko pa rin si Hendrixson hanggang ngayon? Hindi. Hindi Merriam. Mali ang iniisip mo. Hindi mo na mahal ang taong iyon. Naguguluhan ka lang dahil ngayon nalang kayo nagkita. “Okay lang sa akin kung hindi ako iyong pinapangarap mo na makakasama mo hanggang dulo. Okay lang kung siya pa rin ang gusto mo makasama.” “Za-ch...” Dahan dahan siyang tumalikod at naglakad palayo. Nang makalapit na siya sa gate nakangiti niya akong hinarap. “Don't worry hindi ako makikipaghiwalay. Hindi tayo maghihiwalay. Magpapahinga muna ako. Ipapahinga ko muna ang isip ko. May kailangan pa akong ayusin sa business. Pupuntahan nalang kita kapag okay na.” Pag-papaalam niya at mabilis na umalis gamit ang dala niyang kotse na ginamit namin kanina. Napaluhod ako sa sahig dahil sa pangangatog ng dalawang binti ko. Hinayaan kong tumulo ang mainit na likido sa mukha ko. Ang sakit sakit. Bakit ganito? Mahal ko si Zacharias. Sigurado akong mahal ko siya. Pero bakit? Bakit nang makita kong muli si Hendrixson halos sumabog na ang dibdib ko dahil sa tuwa na naramdaman ko kanina? “Hindi mo kailangan mamili sa kanilang dalawa, iha.” Tiningnan ko ang nagsalita, si Nanny Belen pala. Mukhang kanina pa siya nanonood sa amin. Tinulungan niya akong makatayo. Inayos niya ang buhok ko. Si Nanny Belen ang nag-alaga sa akin mula pagkabata hanggang ngayon. Nasa Canada sila mommy at daddy kasama ang mga kapatid ko. Ako lang ang nagpumilit na manatili rito sa pilipinas para makasama ko si lola Nimfa. “Nanny Belen...” Napahagulgol na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako. Hinihimas niya ang likod ko. Patuloy lang sa pag-iyak. Wala na akong pakialam kung mabasa ko ang damit ni Nanny. “Sige lang, iha. Umiyak ka lang. Ilabas mo lahat para nang sagayon gumaan ang pakiramdam mo.” “Nanny Belen, bakit gano'n? Bakit ganito? Alam mo kung gaano ko kamahal si Zacharias, saksi ka sa pagmamahalan namin.” “Alam ko iyon, iha. Alam ko rin kung gaano ka niya kamahal. Alam ko lahat ng ginawa niyang sakripisyo para sa iyo. Pero saksi rin ako sa pagmamahalan niyo noon ni Hendrixson, kitang kita ko kung gaano ka kasaya no'ng mga panahon na magkasama kayong dalawa.” “Nanny.” “Pero saksi rin ako kung paano ka nasaktan dahil sa desiyon na ginawa ni Hendrixson. At hindi ako sang ayon sa bagay na iyon dahil sinaktan ka niya.” “Nanny.” “Kung ako ang tatanungin mas gugustuhin ko pa si Zacharias para sa iyo. Mas makakabuti siya sa iyo, iha.” “Nanny.” Habang nagsasalita si Nanny Belen patuloy lang din ako sa pag-iyak at pagtawag sa pangalan niya. Alam kong masyado pa akong bata noon noong matutunan kong mahalin si Hendrixson. Masyado pang bata para maranasan ang sakit. “Nasa tamang edad kana, iha. Hindi kana bata. Alam mo na kung ano ang mas makakabuti para sa iyo.” “Pero, nanny Belen, naguguluhan po ako.” “Naguguluhan ka kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin mo?” “O-opo.” “Hindi mo kailangan maguluhan. Hindi ka dapat maguluhan sa kanilang dalawa. Alam kong alam mo kung sino ang tinitibok ng puso mo. Alam mong siya ang totoo mong mahal.” “Na-nanny, hindi ko po talaga alam.” “Alamin mo, iha. Alamin mo para malaman mo.” “Paano po?” “Hindi ko na alam, iyan, iha. Baka kapag sinabi ko mas maguluhan ka lang. Mas makakabuti kung ikaw ang tumuklas sa magiging desisyon mo.” “Paano kung sa gagawin kong desisyon may masaktan ako?” “Talagang may masasaktan ka, iha. Pero may dalawang level ang sakit na mararamdaman nila.” “Le-level? Meron po bang gano'n?” Tumigil na ako sa pag-iyak. Pinunasan ko na ang mukha ko. “Oo, iha. Ang isa sa kanila masasaktan pero mabilis na matatanggap kung ano man ang ginawa mong desiyon. Ang isa naman masasaktan–sobrang masasaktan ngunit hindi ka susukuan.” Humiwalay na ako sa pagyakap sa kanya at pinunasan ang aking mukha. “Ito!” Tinuro niya ang dibdib ko kung saan nakalagay ang puso ko, “Sundin mo kung ano ang tinitibok nito.” Sunod niyang tinuro ang isip ko. “Hindi ito. Kaya ka naguguluhan dahil mas nangingibabaw ang isip mo. Itong mga nasa isip mo pwede kang sirain. Maaaring may masaktan ka.” Kahit na medyo naguguluhan pa ako nginitian ko na lamang siya. Kailangan na rin siya sa loob ng bahay dahil hinahanap na siya ni lola Nimfa. Nagpaiwan muna ako sa labas at nagtungo sa garden. Kinalma ko muna ang sarili ko nang sa gano'n makapagpahinga ang isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD