Chapter 04

1843 Words
PINASADAHAN ko ng tingin si Zacharias ngunit ngumisi lamang siya na kinakunot ng noo ko. Inayos niya ang kanyang nalukot na damit at nagulong buhok. Sabay mariin na pumikit habang nakahawak sa kanyang batok. Halatang pinipigilan niyang hindi magalit. Kung titingnan ang paggalaw ng adams apple niya, halatang nanggigigil siya sa taong katabi ko. “What's wrong with you, bro?” Matapang na tanong ni Hendrixson. Kahit kailan talaga mapagpatol pa rin ang taong ‘to. Ano pa ba ang aasahan ko? Parang aso't pusa ang dalawang ‘to dati. Hindi na dapat ako nagugulat sa ganitong sitwasyon. Inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya na may konting gasgas. Mabilis niyang nilapitan si Zacharias. Magkaharap na sila ngayon. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Kung nakakamatay lang ang pagtitig, baka patay na silang dalawa sa harapan ko. “Ikaw, anong problema mo, bro?” May diin na pagkakasabi ni Zacharias at mas lumapit pa lalo. Sobrang lapit na nila sa isat-isa kaya pumagitna na ako. This time, nasa pwesto na ako ni Zach, hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at kinulong sa palad ko. 'Di naman siya pumiglas o nagreklamo bagkus mas diniinan niya pa ang paghawak sa akin. Naglakad kami palayo kay Hendrixson. Nang makarating na kami sa mismong pinto ng bahay biglang huminto si Zach na kinapikit ko. 'No, Zach. Huwag mong ituloy kung ano man ang nasa isip mo' sabi ko sa aking isipan. “You know what, Hendrixson?” Panimula ni Zacharias, nanatili akong nasa likod niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman. Tinaasan lang siya ng kilay ni Hendrixson habang nakapamulsa pa. “What?” Nginisian ni Hendrixson ang lalaking katabi ko, “Don't tell me natatakot ka?” Hinawakan ko ang braso ni Zach, sinenyasan ko siya na huwag ng patulan. Subalit hindi siya nagpatinag, tinanggal niya ang kamay ko. Nakapamulsa rin siyang lumapit kay Hendrixson. “Ano, Zacharias? Kaya ka nagkakaganyan dahil natatakot ka na baka muling bumalik sa akin si Merriam.” Napaawang ang bibig ko dahil sa kakapalan ng mukha ni Hendrixson. Na para bang pinapalabas niya na patay na patay pa rin ako sa kanya. Pero ang mas kinakalito ko kung ano ang una kong gagawin. Kung lalapit ba ako kay Zacharias o hihikayatin si Hendrixson na huwag ng patulan si Zach. Kasi kahit anong gawin ko, hindi sila magpapatalo. Walang su-surrender sa kanila hangga't walang nasasaktan. Kaya kahit alanganin na maipaglayo ko sila sa isat-isa, pumagitna na agad ako sa kanila. “Merriam, move!” Muntikan na akong mapatalon nang sigawan niya ako. Parang nag e-echo ang seryoso niyang boses sa buong sistema ko. Lahat ng body parts ko apektado sa sigaw niya. “Hindi, Zach. Hindi ako aalis dito hangga't hindi umaalis si Hendrix.” Napakurap kurap pa ako bago ko tiningnan si Zach. Galit at lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya. Natatakot ako at kinakabahan sa posibleng mangyari. Hindi ito ang planong nasa isip ko. Hindi ko gusto na nakikita siyang nasasaktan ng dahil sa akin. Mahal ko siya. Alam kong mahal ko si Zacharias. Pero paano ko siya hihikayatin sa pagmamahal na sinasabi ko kung may pag-aalinlangan sa isip niya. Hindi ko naman siya masisisi kung bigla siyang mainis o magalit dahil sa pagkikita namin ni Hendrixson. Hindi ko naman alam na siya ang magiging teacher namin. Hindi rin ako nasabihan ni Efron sa muli niyang pagdating. “Kahit anong gawin mo hindi mo mapapasunod si Merriam. Hindi mo siya mapapasunod katulad ng ginagawa ko sa kanya noon.” Nakaramdam ako ng panlalambot sa magkabilang tuhod ko. Nagawa niya pa talagang sabihin ‘yon sa harap ni Zach. Maging sensitive naman siya. Hindi lang si Zach ang sinasaktan niya, pati ang relasyon namin ng boyfriend ko ginagawan niya ng butas. “Shut up, Hendrixson!” Sigaw ko. This time nakaharap na ako sa kanya. Nasa likod ko si Zacharias, hinawakan ko ang kamay niya. “Don't you dare to talk about our past. Tapos na tayo. Matagal na tayong tapos.” Nanggigigil kong sambit. “Bakit, Merriam? Sinabi mo ba sa kanya kung gaano mo ako kamahal noon? Kung gaano ka kasaya sa akin?” Huminga ako ng malalim bago uli magsalita. Alam kong walang patutunguhan ang usapin na ito. Babalik lang kami sa nakaraan. Kapag hinayaan ko siyang ibalik ang nakaraan namin masasaktan ko si Zacharias. Masasaktan siya at hindi ko gustong makita siyang nasasaktan. Hindi ko gustong nag su-suffer siya dahil sa past namin ng best friend niya. “Wala na tayo sa nakaraan, Mr. Morres, matagal na tayong tapos. Matagal ng tapos ang kwento natin. Kaya sana huwag mo na kaming guluhin. If you don't mind, umalis ka nalang..” Pinatili kong seryoso ang pananalita ko. Hindi dapat ako maging mahina. Ngayong si Zach na ang kasama ko, kailangan kong ipakita na siya na ang mahal ko. Na matagal na akong naka-move on kay Hendrickson. Tinalikuran ko na siya at hinila si Zacharias palayo. Nakakailang hakbang palang kami ng mala-demonyong humalakhak si Hendrix. ‘Please, Hendrix, don't do this. Stop hurting me. Stop hurting my boyfriend.’ Nang tingnan ko si Zach salubong na ang dalawang kilay niya. “Don't mind him, let's go, Love.” Nawalan ako ng pag-asa na paglayuin silang dalawa. Binitiwan niya ang kamay ko at mabilis na binalikan si Hendrix. “Alam ko kung gaano siya kasaya noon. Alam ko kung gaano ka niya kamahal noon. Alam ko kung paano mo siya sinaktan noon. Alam ko lahat iyon, Hendrixson. Hindi mo na kailangan ipaalala pa sa kanya. Huwag mo ng ipaalala sa kanya iyong sakit na binigay mo.” ‘Di ko inaasahan na sasabihin pa iyon ni Zacharias. Talagang tandang-tanda niya pa ang bawat detalye kung paano ako nasaktan dahil sa pang-iwan sa'kin ni Hendrixson. “Alam mo rin ba na bumagsak ako sa board exam kaya hindi agad ako nakauwi sa Villa Amore? Hindi! Kasi kung alam mo iyon hindi mo susulutin si Merriam. Hindi mo pagsasamantalahan yung mga araw na wala ako sa tabi niya.” Seryoso lang akong nakatingin kay Hendrixson. “Hindi ko alam ang sinasabi mo, Hendrixson.” Pagtatanggi ni Zacharias. Naguguluhan ako.. Nang tingnan ko si Zach seryoso siya. Alam kong nagsasabi siya ng totoo. Nang lingunin ko si Hendrix mukha siyang galit na galit. Anong problema? Hindi ko maintindihan. “Sinungaling! Napaka sinungaling mo talaga kahit kailan, Zach. Ikaw ang unang sinabihan ko na hindi ako nakapasa sa board exam, na hindi ako makakauwi sa Villa Amore dahil sa kahihiyan.” Nang makilala ko siya hindi niya nabanggit sa akin na nag aaral pa siya. Akala ko nagbabakasyon lang siya sa Villa Amore. Marami pa talaga akong hindi alam sa kanya. Ang tanging alam ko lang sa kanya ay ang pangalan niya. Ni hindi niya nga ako pinakilala sa kanyang pamilya o sa angkan niya. Maski ang birthday niya hindi ko alam. “So, what do you want to say, Hendrix? Na tinraydor kita?" Peke na tumawa si Zach. Tinapunan niya ako ng tingin, “Hindi ko sinabi kay Merriam ang totoo dahil iyon ang pinangako ko sa iyo. At hindi ko siya sinulot sa iyo Hendrixson. Ikaw mismo ang nakipaghiwalay sa kanya, nakalimutan mo na ba?” Natatandaan ko na. Natatandaan ko pa ang araw na iyon. 3 years ago... “Merriam, maghiwalay na tayo.” “Ba-kit? Ser-yoso kaba?” “Hindi na kita mahal, Merriam.” “Binibiro mo lang ako diba?” “Seryoso ako, Merriam. Hindi na kita mahal. May bago na akong gusto. Mas maganda. Mas sexy.” “Dahil ba ito kagabi? Kaya kaba nakikipag hiwalay sa akin dahil hindi ako pumayag na makipag s*x sa‘yo?” “O-oo. Kaya maghiwalay na tayo.” “Sino siya? Anong pangalan niya? Mas masarap ba siya? Naikama mo na ba siya? Pumayag ba siya na makipag siping sa iyo?” Nakayuko lamang ako habang sinasabi iyon. Hindi ko siya kayang tingnan. “Oo, Merriam. Kaya sana palayain mo na ako. Hindi tayo pwede. Hindi na kita mahal.” “Ah. Okay. Naiintindihan ko.” Sawakas nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob na tingnan siya. Bakit iba iyong nakikita ko? Salungat sa mga sinasabi niya. Malungkot siya. Alam kong mahal niya pa rin ako. Alam kong nagsisinungaling lang siya. “Iyon ba talaga ang gusto mo, Hendrix, na palayain kita?” Tanong ko. Mariin siyang pumikit at yumuko. Binaling niya ang kanyang tingin sa kabilang direksyon. “Oo, Me-rriam.” Pumiyok siya ng sabihin iyon. Nagsisinungaling siya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. “Magiging masaya kaba kung maghihiwalay tayo?” Muling tanong ko sa kanya. “Oo!” Sigaw niya na kinagulat ko. “Pwede ba, Merriam, tigilan mo na ang kakatanong. Maghiwalay na tayo. Maghihiwalay tayo sa ayaw mo man o sa gusto. Naiintindihan mo ba iyon, ha? Hindi na kita mahal!” “Naiintindihan ko naman na gusto mo ng makipaghiwalay sa akin. Pero ang hindi ko maintindihan bakit nangako kapa sa akin kung hindi mo rin naman tutuparin...” Tuluyan nang tumulo ang tubig sa mga mata ko. “Buo na ang desisyon ko, Merriam. Maghiwalay na tayo.” Huling sabi niya at tuluyan nang umalis. Pinaharurot niya ang kanyang motorsiklo at naiwan akong luhaan. Nakaupo lang ako sa swing sa parke hanggang sa lumubog ang araw. Ako nalang ang nag-iisang tao sa parke, para akong tanga na umiiyak... “Merriam!” Sigaw ni Efron. Kasama niya si Zach na nagbibisikleta, lumapit silang dalawa sa akin. Nagpaalam si Efron na bibili ng tubig kaya kami nalang ni Zach ang naiwan. Walang nagsasalita. “Pinaiyak kana naman niya.” Pilit na tumawa si Zacharias. “Napaka tarantado talaga ng lalaking iyon. Walang isang salita.” Dagdag niya. “Alam mo ba na makikipaghiwalay na siya sa akin?” Tanong ko. Inabot niya sa akin ang panyo na kinuha niya pa sa bulsa ng short niya. Kinuha ko agad iyon at pinunasan ang mukha ko. “Hindi.” Mahina niyang sabi. “Hindi ko alam na sasaktan ka niya ng ganito.” “May bago na ba siyang babae?” Muling tanong ko sa kanya bago suminga. “Oo.” Tipid niyang sagot. So totoo nga na may bago na siya, na pinagpalit na niya ako. “Ah. Maganda ba?” “Ma-ganda? O-o. Mas maganda kapa, Merriam. Mas maganda ka kapag nakangiti ka. Kaya tumigil kana kakaiiyak. Tara na!” Hinila niya ako patayo. “Smile!” aniya, inayos niya ang buhok ko, “Pumapangit ka kapag umiiyak ka.” dagdag niya, piningot ko ang tainga niya. “Aray! Aray! Masakit Merriam!” Daing niya. Sakto naman na dumating si Efron at kinuha ko ang binili niyang tubig. Ilang saglit pa napagpasiyahan na namin na lisanin ang parke. Naunang umalis si Efron kaya sa bike nalang ni Zacharias ako umupo– nakahawak ako sa likuran niya. “Kumapit ka ng mahigpit baka mahulog ka.” Sinunod ko ang sinabi niya at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa baywang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD