Chapter 03

1939 Words
BANDANG alas syete ng umaga nang lisanin namin ni Zach ang kanyang bahay bakasyunan. Hindi na ako nag abala pang magpalit ng damit dahil uuwi na rin naman ako. Hindi ko naman pwedeng isuot ang uniporme ko dahil sabado ngayon at walang pasok. "Mm. Zach?" "Hmm. Bakit love?" Nakatuon ang atensyon niya sa pagmamaneho. Kinagat ko ang labi ko bago nagsalita, "Mm. Gusto ko lang tanungin kung bakit napaaga ang pag-uwi mo? 'Di mo kasi sinagot ang tanong ko kanina." Nahihiya kong sabi sa kanya. Alam kong hindi ako ang rason kung bakit siya narito sa pilipinas. Alam kong may iba pa siyang dahilan na hindi niya masabi sabi sa akin. Kilala ko si Zach. Alam ko kung kailan siya nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. He's my boyfriend. We've been together for almost two years. And I must say that our relationship is not healthy. Masekreto siyang tao, halos hindi ko na nga siya makilala dahil sa kinikilos niya. Siguro isa hanggang tatlong beses lang sa isang buwan kami mag-usap. Which is I really understand, I tried myself to understand him kahit na mahirap. Kahit na gulong gulo na ang isip ko. "For business...and ofcourse for you. Gusto kitang makasama. Gusto kitang makita. Gusto kong bumawi sa iyo dahil nawawalan na ako ng oras." Ngayon nalang ulit ako kinilig sa mga banat niya. Mula nang ipamana sa kanya ang kanilang kompanya, hindi na niya nagagawa sa akin 'to. Kaya, ang ending madalas ko siyang pag-isipan ng kung ano-ano. Noong araw na malaman ko ang ginagagawa niya, that time nagsimula na akong kabahan. Kahit ilang beses ko pang kumbinsihin ang sarili ko na hindi niya magagawa ang binibintang sa kanya parang hindi kayang i-absorb ng isip ko. Natatakot ako na baka iwanan niya ako. Natatakot ako na baka isang araw sabihin nalang niya sa akin na sawa na siya, na napapagod na siya. Pilit kong winawaksi ang ideyang iyon na pumasok sa isip ko dahil baka 'yun pa ang pagmulan namin ng away at mauwi sa hiwalayan. "Mahal mo pa ba ako, Zach?" Kusang lumabas sa bibig ko, kahit ako mismo nagulat sa sinabi ko. Hininto niya ang sasakyan sa tabing kalsada. Pumikit ako sa sobrang hiya. Damn! Stupid Merriam! "Love..." Malambing na pagkakatawag niya. Hindi ko siya nilingon. Nanatili ang tingin ko sa labas-nag-iisip ng pwedeng idahilan. Ayaw kong isipin niya na pinaghihinalaan ko siya. Ayaw kong maramdaman niya ang nararamdaman ko ngayon. "Look at me, Merriam." Malamlam na pananalita niya. 'Di ako nagdalawang isip na tingnan siya. Kung may isang bagay man ako na iniiwasan, 'yun ay, ang magtalo kaming dalawa. "Do you trust me, Love?" Bigla akong nakaramdam ng guilt sa walang buhay na boses niya. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at yumuko. Hindi ko kaya na makita ang disappointment at pain sa mukha niya. "Y-yes." Ramdam ko ang mainit niyang kamay na dumapo sa mukha ko. "Then, look at me.. look at my eyes, love." Dagdag niya pa. "Za-zach..." Nanatili akong nakayuko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob na harapin siya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa mga tanong niya. Mas nangingibabaw ang kaba na nararamdaman ko. "s**t!" Parang gumuho ang mundo ko nang dahan-dahan niyang inalis ang kanyang kamay sa mukha ko. Mas nagbigay kaba sa akin ang malakas na paghampas niya sa manibela ng sasakyan. Ilang beses niya iyon ginawa. Kita ko ang frustration sa maamo niyang mukha. "I knew it! You didn't trust me, Merriam! Damn! You'll never trust me kahit na ano pa ang gawin ko para sa iyo." Matapos niyang hampasin ang manibela, ilang segundo siyang natahimik habang hinihimas ang kanyang batok. "No, it's not like that, Zach. I trust you. Its just-" I bit my lip nang hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. "This past few months I feel like.. I'm lost... There's something in myself that is missing, a piece of mine is still missing, Zach." He sighed. "Because you still love him, Merriam. You still attracted to him." Napahilamos siya ng mukha at sinambunutan ang sarili. "You know what, Merriam, you should learn to move-on. Seriously, its hurting me, alot at hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko para lang mahalin mo rin ako." "Zach, mahal kita." "Oh, really? That's a really nice joke, Merriam. Do I need to thank you for loving me? For staying with me? For choosing me even though you still have feelings for your ex?" "It's not what you think, Zach. Mahal kita." "Minahal mo lang naman ako because you have no choice but to love me. I'm the only option para makalimutan mo siya pero ang tanong nakalimutan mo ba siya? Hindi, Merriam, kasi kahit anong gawin ko, siya at siya pa rin ang nasa isip at puso mo." "Za-ch..." Nagsimula nang tumulo ang mainit na likido sa aking mga mata "Pakinggan mo muna ako, Zacharias." "Okay fine. Your turn." Irritable niyang sambit. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan. Pinunasan niya ang kanyang mata gamit ang puting panyo na kinuha niya sa bulsa ng pants niya. That scarft. As far I remembered, I made it for him. I gave that scarft as a gift for being there for me no'ng mga panahon na down na down ako. That day, pumayag ako na maging girlfriend niya. At hindi ko pinagsisisihan na maging boyfriend siya. "Pakiramdam ko niloloko mo nalang ako. Pakiramdam ko may iba kang babae." Mapakla siyang tumawa sa sinabi ko. Inayos niya ang kanyang sarili at sinara ang bintana. Imbes na bigyan ng paliwanag ang sinabi ko pinaandar niya ang sasakyan. "Never kitang niloko, Merriam. No'ng tinanong kita kung gusto mong sumama sa akin sa Australia ang sabi mo ayaw mo. Naiintindihan ko iyon dahil nag aaral kapa, kailangan mong bantayan si Lola Nimfa. Tapos ngayon pag-iisipan mo ako ng masama?" "You're lying, Zacharias! Alam kong nambababae ka sa Australia. Kunwaring busy sa trabaho pero babae pala ang pinagkakaabalahan mo." 'Di ko na napigilan ang emosyon. Masyado akong nagpadala sa mga naiisip ko. Ngayon, paano ko ba babawiin ang sinabi ko? Naiintindihan kong busy siya sa trabaho, na nawawalan na siya ng oras sa akin. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko 'tong maramdaman? 'Yung pakiramdam na parang ako nalang mag-isa. 'Yung hindi ko maramdaman kung may boyfriend pa ba ako o wala na. "s**t!" Malakas na preno niya. Muntikan na kaming mabangga sa dumaan na malaking truck. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Pinaandar niyang muli ang sasakyan habang gigil na gigil sa paghawak ng manibela. "Tama ako, diba? Nambababae ka nga." Siguro sa susunod na pagkikita namin kailangan kong busalan ang bibig ko para hindi na makapagsalita ng kung ano-ano pa. "Ginugulo kaba ni mommy?" He asked out of the context. I didn't expect him na tatanungin niya ako tungkol sa mommy niya. "Hi-hindi." I lied without looking at him. "Wala akong babae sa Australia. Business lang ang pinunta ko roon hindi babae." Tanging pagtango nalang ang nagawa ko. "Ikaw lang ang babae sa buhay ko, Merriam. Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko hanggang dulo." Tumahimik na ako sa sinabi niya. Baka kapag pinagpilitan ko pa rin iyong sinabi sa akin ng mommy niya masabi kong maghiwalay nalang kami. Ayokong gumawa ng desiyon na pagsisisihan ko sa huli. I love him. I k-know that my love for him is not whole like what I'd gave to my ex-boyfriend. But, I'm trying my best to make him feel that he's the only one. That, there's no chance between me and Hendrixson to start again. "Honestly, I don't even know you anymore, Merriam. Parang lumalayo kana sa akin, parang naglalagay kana ng boundaries sa pagitan nating dalawa. Do you get that?" He faked his laughed. Naiintindihan ko ang pinupunto niya pero ako ba ang lumalayo sa kanya o siya? "I'm sincerely apologized for being busy and I admit it na nawawalan na ako ng oras sa iyo. But please, tell me everything inside your mind kasi hindi ako manghuhula, Merriam. I can't read your mind either, ha, so tell me-what's wrong with me? Am I a bad boyfriend to you? Am I not deserving for your love? Do you still love him?" Patuloy lang siya sa pagsasalita habang nagmamaneho papasok sa Villa Amore. Kinawayan siya ng security guard sa Villa at peke niyang nginitian. He's deadly serious look makes me freeze. He gazed at me like a cold missing soul who has a bitter love life. "We're here!" He looked at me blankly as if he wanted to inform me that I had ruined his day. As if, he wants me to feel that its all my fault, that I'm unfair and selfish girlfriend. "I will give you a time to think. If you want space then I'll give it to you. Kausapin mo nalang ako kapag na-realize mo kung kailangan mo pa ba ako o hindi." Bumaba na siya ng sasakyan at iniwan akong nakanganga. I didn't expect him to say that. Like wtf is wrong with him? "What's wrong with you, Zach!" Sigaw ko nang makababa ako ng sasakyan. Nasa tapat na siya ng gate ng bahay. Nakatalikod siya sa akin at naririnig ko ang pagbuntong hininga niya. "Pumasok kana sa loob, Merriam." Kinakausap niya ako kahit nakatalikod siya sa akin. Alam kong nagtatampo siya. Pero sana nga tampo lang ang nararamdaman niya at hindi siya galit sa pinagsasabi ko. Pinagbuksan niya ako ng gate na kinainis ko kaya nauna akong naglakad sa kanya. Pinagbuksan kami ni Nanny Belen at diretso lang akong pumasok sa loob. Narinig ko pa silang nag-usap ni Zach pero hindi ko na sila pinansin. Aakyat na sana ako sa itaas nang mapansin ko ang isang lalaki na tumatawa kasama ni Lola Nimfa. "Merriam, iha, halika rito!" Tawag sa'kin ni Lola. Tiningnan ko si Zach. Masama ang tingin niya sa lalaking kasama ni lola. Sa dami ng araw na pwede siyang pumunta bakit ngayon pa? "Mano po, la." Inabot ko ang kamay ni lola at tinapat sa noo ko. Gano'n din ang ginawa ni Zach. Umupo kami sa katabing sofa. Magkaharap ngayon si Zach at Hendrixson. "Bakit ngayon ka lang, Merriam? Sobrang nag-alala kami sa iyo," sabi ni Lola, "Oh, Zach, kailan kapa bumalik?" "Uh, kasi po lo-" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Zach. Kung kanina kinakabahan ako dahil baka magtalo kami ni Zach, ngayon Naman triple ang kaba na nararamdaman ko na baka magtalo pa silang dalawa ni Hendrixson. "Kahapon lang po, lola. Pasensiya na po kung ngayon lang umuwi si Merriam. Basang basa po kasi siya ng ulan at mukhang nilalagnat na kaya dinala ko na siya sa bahay." Nilagay ni Zach ang kamay niya sa balikat ko at pilit na ngumiti. Napakagat labi ako nang makita ko siyang masamang tumingin kay Hendrixson. "Ah. Ganoon ba, apo. Kumain na ba kayong dalawa?" "Tapos na po lola. Hinatid ko lang po si Merriam para makapagpahinga na siya." Sagot ni Zacharias. Sabay na tumayo si Zacharias at Hendrixson. "Hindi na rin po ako magtatagal lola Nimfa." Sabi ni Hendrixson, nagmano siya kay Lola at tumingin sa akin, "Merriam, naiwan mo iyong gamit mo sa classroom kaya dinala ko na rito." Nginitian niya ako. Naunang lumabas si Zacharias na pinagbuksan ni Nanny Belen. Sumunod naman si Hendrixson na lumabas. Bigla akong kinabahan sa palitan ng tinginan nila kaya mabilis akong tumayo. Pagkalabas ko nakita kong hinawakan ni Zach ang braso ni Hendrix. Tatawagin ko na sana si Zach nang bigla niyang suntukin si Hendrix. Tumakbo ako palapit kay Hendrix at tinulungan siyang tumayo. 'Wrong move, Merriam' bulong ko, saka dumistansiya kay Hendrixson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD