Chapter 02

1904 Words
NAGISING na lamang ako nang maramdaman kong may humahalik sa pisngi ko. Una kong binuksan ang kaliwa kong mata. Makaramdam ako ng tuwa nang makita ko siya. Niyakap ko siya na parang wala ng bukas. Ang tagal din namin hindi nagkita. Matapos ang isang taon ngayon nalang ulit. Pero paano ako nakarating dito? Ang tanging natatandaan ko lamany ay nasa labas ako ng school at naghihintay sa kasagsagan ng ulan. Umayos ako sa pagkakaupo at muli siyang niyakap. Halatang natutuwa rin siya sa ginagagawa kong pagyakap sa kanya. Hindi siya nagrereklamo. Parang kusang nawala lahat ng iniisip ko nang makita ko siya. Hinaplos ko ang mabalbon niyang buhok at mukhang nagustuhan niya ang ginawa kong paghaplos sa kanya. “Masaya kaba ngayon?” Tanong ko kay k**i, tumahol lamang siya at winasiwas ang kanyang buntot. Mukhang gusto niyang iparating na nagagalak din siya na makita ako. “Nasaan ang amo mo, k**i?” Tinalon niya ang kama tsaka tumakbo palabas ng silid. Sakto naman na nakabukas ang pinto ng kwarto. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, wala pa ring pagbabago. Tumayo na rin ako at inayos ang buhok ko. Suot ko ang t-shirt at short niya–nakangiti akong pumasok sa banyo at mabilis na naghilamos at nagmumog. Nang masiguro kong maayos na ang aking sarili lumabas na rin ako ng silid at bumaba patungo sa sala. “Good morning, love!” Nakangiting bati niya sa akin, mukhang naghahanda siya ng pagkain. Lumapit ako sa pwesto niya at nakita ang limang klaseng pagkain. “Good morning din!” Bati ko pabalik sa kanya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako patalikod. “Ah! Magbihis ka nga muna!” Hinampas ko ang balikat niya t‘saka lumayo ng kaunti sa kanya. “Bakit? Hindi mo ba gusto ang anim na pandesal ko?” Tumingin ako sa tinutukoy niya. Inosente kong binilang ang anim na matitigas na pandesal sa katawan niya t‘saka sinapak ang kanyang tiyan. “Aray!” daing niya, dinilaan ko lang siya at mabilis na umupo. Kumuha ako ng pandesal at pinalamanan ng strawberry jam. “Mm. Ang sarap talaga ng pandesal kapag pinalamanan ng strawberry jam," saad ko. “Masarap din itong pandesal ko kapag pinalaman ng–” Nasamid ako sa sinabi niya, natataranta niyang inabot sa akin ang isang baso ng tubig. “Okay ka lang?” tanong niya, pinisil ko ang kanyang tainga. Hindi ko pinansin ang tanong niya bagkus mas diniinan pa ang pagpingot sa kanya. “Aray ko! Tama na Love!” Pagrereklamo niya. Masaya ako ng magkita kami muli. Ilang monthsary din ang lumipas na hindi ko siya kasama. “Sa susunod na magsasalita ka mag hulos dili ka, ha?” “Wala naman akong sinabi na masama.” “Wala?” “Oo, wala. Sabi ko lang naman masarap din ang pandesal ko kapag pinalamanan ng pagmamahal.” Pagpapalusot niya. Piningot ko na ang tainga niya at bumalik sa pagkakaupo. Kumuha na ako ng fried rice at bacon. Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy lang sa pagkain. Baka kung ano pa ang lumabas sa bibig niya. Pilyo at walang preno kung magsalita si Zach. “Maiba nga tayo, Merriam, ano'ng ginagawa mo sa labas ng school niyo?” Nilunok ko muna ang kanin bago sumagot, “Hinihintay na tumila ang ulan.” Sagot ko saka sumubo ulit. “Impossible. Hindi mo dala ang gamit mo. Basang basa ka rin kagabi. ‘Yung totoo, ano ang ginagagawa mo sa labas?” “Hinihintay ko nga na tumila ang ulan. Eh, ikaw? Ano'ng ginagagawa mo roon? Akala ko ba next year kapa uuwi.” “Tinawagan ko si Efron, tinanong ko kung nasaan ka pero ang sabi niya hindi kapa umuuwi kaya dumiretso ako sa school niyo.” “Ah. Okay.” “So, nagkita na ba kayo?” Tanong niya. Patuloy lang ako sa pagkain samantalang seryoso siyang nakatingin sa akin– hindi man lang ginagagalaw ang sinandok niyang pagkain. Ito ang iniiwasan ko sa lahat. Sa oras na malaman ni Zach ang tungkol sa taong ‘yun paniguradong hindi na niya ako titigilan. Isa sa bagay na kinakatakot ko ang masaktan siya ng dahil sa pagbabalik niya. “Nino?” Inosente kong tanong. “Si Hendrixson. Nagkita na ba kayo?” Huminga muna ako ng malalim bago nag desisyon na sagutin ang tanong niya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya kanina sa school. Kung nalaman ko lang sana ng mas maaga na siya ang magiging bagong History teacher namin, edi sana nag drop out na agad ako kahit kaka-simula palang ng school year. “Hmm. Mm. Oo.” “Nagkausap na kayo?” “Hindi.” “Mahal mo pa rin ba siya?” Nabitiwan ko ang kutsara na hawak ko dahil sa tanong niya. Mariin akong pumikit at tiningnan siya ng maigi. Nakakuyom ang dalawa niyang kamay na nakapatong sa mesa. Natitiyak kong nagseselos siya “Hindi na.” Tipid kong sagot saka ngumiti. “Parang hindi iyon ang nakikita ko, Merriam.” “So, ano ang nakikita mo?” Pilosopo kong tanong sa kanya. Alam kong hindi siya naniniwala sa akin. Ramdam ko iyon. Pero sinusubukan kong maging maayos ang lahat. Ayoko siyang saktan ng dahil lang sa nakaraan ko. “Wala!” Aniya, bumuntong hininga siya saka humigop sa kapeng tinimpla ko kanina. “I knew it! Hindi ka naniniwala sa akin. All this time, pinag-iisipan mo pa rin ako ng masama.” Saad ko, tumayo na ako at inilagay sa lababo ang pinagkainan ko. Kumuha ako ng sponge at diswahing liquid. Nang matapos kong sabunanan ang plato ag kubyertos na ginamit ko binuksan ko ang gripo at binanlawan iyon. Tumayo ako hindi dahil sa nawalan ako ng gana dahil sa tanong niya kundi baka mas lalo lang siyang masaktan sa mga itatanong niya sa akin. Mahal ko si Zach. Pero hanggang ngayon, hindi niya pa rin maiwasan na hindi mag-alala sa pagdating ni Hendrixson. Hindi pa rin siya naniniwala na mahal ko siya. Na wala na akong nararamdaman para kay Hendrickson... “Sorry, mali ang iniisip mo. Hindi gano'n iyon. Natatakot lang ako.” Muli niya akong niyakap patalikod, ramdam ko ang pagbaba ng kamay niya sa tiyan ko. “Natatakot saan?” Sinubukan kong magtanong sa kanya para mawala ang kaba na nararamdaman ko. Mabuti na lang at tinigil niya ang paghimas sa tiyan ko. “Natatakot ako na baka mahal mo pa rin siya. Natatakot ako na mawalan ng saysay ang pagpunta ko rito. Mawalan ng saysay ang dalawang taon na pinagsamahan natin.” Tinapos ko muna ang ginagagawa ko saka muli siyang hinarap. Tiningnan ko siya at ganoon din siya. Inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa leeg niya. Pinalupot naman niya ang dalawa niyang kamay sa baywang ko at hinila palapit sa kanya. Ramdam ko ang p*********i niya na mas nagbigay kaba sa akin. “Ako rin natatakot, Zach.” “Ha? Bakit ka natatakot?” Kunot noo niyang tanong. May halong kaba at excitement ang nararamdaman ko sa tuwing naglalapat ang aming katawan. Oo, inaamin ko, wala pang nangyayari sa aming dalawa. Gustuhin ko man pero sadyang ayaw niya talaga. Sinabi niya sa akin na mag se-s*x lang kami kapag dumating ang araw na sigurado na ako sa kanya. Kapag tuluyan ko ng nakalimutan ang lalaking iyon. Nakakatawa lang kasi sa loob ng dalawang taon ganiyan pa rin ang mindset niya. Naiintindihan ko naman kung nagseselos siya kay Hendrixson–parati niyang kinukumpara ang pagmamahal ko sa kanya at sa nakaraan ko. “Natatakot ako na baka may gawing hindi maganda si Junior Zach sa akin.” Natatawa kong sabi sa kanya na kinapula ng pisngi niya. Humiwalay siya sa akin at bumalik sa pagkakaupo. Nanatili akong nakatayo habang pinapanood siyang nagkakape. “Hindi ko gagawin ang bagay na iyon, Merriam, lalo na't alam kong hindi kapa handa. Hindi kita pipilitin at hindi kita pinipilit,” aniya. Alam ko na hindi niya gagawin iyon. May tiwala ako sa kanya. Nirerespeto niya ako, nirerespeto niya ang bawat desiyon na gagawin ko. Ni minsan hindi ko narinig sa kanya ang bagay na iyon. Hindi niya ako niyayaya na makipagsiping sa kanya. Hindi niya ako pinipilit. Kaya mas minahal ko siya dahil doon, sinusubukan kong ibigay lahat ng kaya kong ibigay sa kanya. Nang sagayon masuklian ko ang mga ginagawa niyang sakripisyo para sa akin. Aware siyang ayaw ng parents niya sa akin pero pinili niya pa rin ako. Pinipili niya pa rin ako kahit itakwil na siya ng sarili niyang pamilya. Sa totoo niyan hindi ko inaasahan na uuwi pa siya ng pilipinas. Na pupuntahan niya pa ako sa kabila ng mga nalalaman ko na ginagawa niya sa Australia. Pero nagpasawalang kibo lamang ako dahil ayokong magtalo pa kami. Ayaw kong pati siya ay mawala sa akin. “Paano kung ayaw kong magkaanak?” Tanong ko sa kanya. Sumeryoso ang mukha niya, “Mamahalin mo pa rin ba ako?” Hinawakan niya ang mukha ko, “Kagaya nga ng sinabi ko at sinasabi ko sa iyo, rerespetuhin ko lahat ng magiging desisyon mo. Kung saan ka masaya, masaya na rin ako. Kung ayaw mo pang magkaanak hindi naman kita pinipilit.” “Pero hinihingian kana ng anak ng mga magulang mo na hindi ko kayang ibigay sa iyo.” “Sshhh. Hindi naman ako nagmamadali, love. Wala pa rin sa isip ko ang bagay na iyan. Focus muna ako sa iyo at sa kompanya.” “Pero paano nga kung bigla mong maisip na bumuo ng pamilya. Gusto mo na magkaroon ng anak tapos hindi ako sumang-ayon sa gusto mo. I-iwan mo ba ako?” Pinisil niya ang pisngi ko. Hinimas niya ang buhok ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinagsiklop. “Kailanman hindi sumagi sa isip ko na iwanan ka. Pinangako ko sa sarili ko na ikaw na ang una at huling babae na mamahalin ko. Kahit gaano pa ako katagal maghintay hindi ako magsasawa na mahalin ka, Merriam,” aniya. Awtomatiko akong napangiti sa sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Tama nga ang mama niya napaka swerte ko sa anak nila dahil bihira lang ang ganitong lalaki na handang lumaban at maghintay ng matagal. “Pero hindi ko maipapangako na hindi ka mabubuntis kapag kinasal na tayong dalawa.” Dagdag niya. “Zacharias naman!” Humiwalay ako sa pagyakap sa kanya at pinalo ang kanyang braso, “Hindi magandang biro iyan!” “Seryoso ako, Merriam. Sa oras na maikasal tayo paniguradong may Junior Zach at Little Merriam ang darating sa buhay natin.” Muli niyang hinawakan ang kamay ko at dahan-dahan na hinalikan ang aking labi na kinapikit ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa ginagawa niyang paglalaro sa dila ko. Inilagay niya ang kanyang kamay sa baywang ko at pinalupot ko naman ang kamay ko sa leeg niya. Mas nilapit niya pa ako sa kanya na kinagulat ko. Ramdam ko ang p*********i niya. Sobrang tigas. Hindi pwede 'to. “Za-ch...” Mahina kong sabi nang itulak ko siya palayo sa akin. Nagulat siya sa ginawa ko pero agad din nakabawi. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. “Sabihan mo lang ako kung handa ka. Hindi ako magdadalawang isip na pakasalan ka, Merriam.” Bulong niya sa tainga ko. Mariin akong pumikit. ‘Maghinay ka Merriam. Magpigil ka. Pigilan mo ang sarili mo. Hindi kapa nakaka-graduate,’ sabi ko sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD