CHAPTER 8

2087 Words
Roseville,CA Napaaga ang balik niya sa Roseville. Gulat na mukha ng kanyang ina at kapatid ang bumungad sa kanya nang makarating siya sa bahay. Nagawa niyang sagutin ang tanong nang dalawa ng normal. Nagawa niyang itago ang kanyang totoong emosyon. Good thing that they haven't an ability to read someone's emotion kaya hindi nagduda ang mga ito na may pinagdadaanan siya. She swore. She swore that, that was the last time that she will throw herself into him. Bakit nga ba niya pinipilit ang sarili sa lalaking hindi nakikita ang kanyang halaga bilang babae? Kung siya ang sitwasyon nang lalaki, she will do the same she guessed. Hindi rin siguro niya magawang magmahal ng taong hindi niya gusto. After what happened, kahit pangalan nito ay ayaw niyang marinig. She started to changed her life. She focused herself on her studies. Of course, she continued taking medical school. After four years, she got enrolled in psychiatry school. Hindi pala madali katulad nang inakala niya. It takes years bago siya maging ganap na psychiatry. Her sister Serenity decided to visit Philippines. She forced her to go with them but she refused to. Now she is working in some famous hospital in Roseville for her residency. Kailangan niya pa nang apat na taon bago maging ganap na psychiatrist. She's doing her practice in such hospital na kung saan Pilipino din ang director. Hindi na siya nag abalang sumunod sa kapatid kahit wala na itong balak na bumalik sa California. She is happy with her and finally she and Byron got reconciled. And her. She's twenty six and never felt old. Boyfriends? She had some, but never take it seriously. Bumisita lang siya nang Pilipinas dahil sa kasal nang kapatid. Pero she never stay long and get back in Roseville as soonest. She felt that she's not belong there. Now after eight years, she's doing well. Is she happy? No. Honestly no. She's still looking for her missing piece. Na alam niyang malabong mangyari. Yes, Drake has still a place in her heart. And it will forever be. Sa loob nang walong taon na iyon, she never failed to receive a gift and love notes from a certain person, named Andrew. At first, it creeped her out dahil pati birthdays niya ay alam nito. Later on, nasanay na siya so she just shrugged it off. Inilagay pa niya ang number niya kung saan ito laging nag iiwan ng bulaklak sa harap ng bahay nila pero hindi naman ito nagtext o tumawag sa kanya. So she assumed, he don't want her to see him. Magsasawa din siguro ang lalaki sa pagbibigay sa kanya ng Kung ano-ano. Sa loob ng walong taon ay hindi lang man niya ito matyempuhan. Although she kept those beautiful love quotes hindi pa rin niya maiwasang mag alala. She remembered herself before. Baka matulad sa kanya ang lalaki at ma obsess na sa kaka stalk sa kanya. Yes, he's definitely stalking her. Kahit nasa trabaho na siya ay nagpapadala pa rin ito nang bulaklak. Sometimes free food na sa una ay pinagdududahan niya. But later on, she just ate them all. Wala naman sigurong balak ang lalaking lasunin siya dahil kung mayroon man, matagal na nitong ginawa. Ang labis lang niyang ipinagtataka, pakiramdam niya kilala niya ito. Lahat kasi nang galaw niya ay alam ng lalaki. At bakit ito ayaw magpakita sa kanya? Is he blind or old man? Now speaking of old man. He seen Drake latest picture with her sister on i********:. Ni hindi man lang ito tumanda. How she wish pag nagkita sila ay ugod-ugod na ito para makabawi man lang siya sa pananakit nito sa kanya. Napabuntung-hininga na lang siya. Kailan ba siya makaka move on? Kung tutuusin ay kasalanan naman niya lahat. She felt shameful yes, pero hindi siya nakaramdam nang pagsisisi na sinabi niya sa lalaking mahal niya ito. Kung siguro ganito ang edad niya noon, she will never do such thing. Well, it's a part of growing up. Nagkakamali talaga tayo. Nasa ganoon siyang pagmuni-muni nang tumunog ang intercom sa tabi niya. 'Calling Doctor Addison Vijandre to proceed at Director's office now' Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa loob ng clinic. Her temporary clinic. She's still under an intern student. Napakunot ang kanyang noo. Kung may ipapasabi ang director sa kanya ay pinapadalhan lang siya nito nang notes. But now is different. Wala siyang sinayang na sandali at tinungo ang opisina nito na nasa fourth floor lang ng gusaling iyon. Nang sabihin nang assistant nitong pwede na siyang pumasok ay kinakabahang pumasok siya sa loob. "Sir?" Randall is half blooded filipino. Kumakailan lang napag alaman niyang magpinsan pala ito at ang bayaw niyang si Byron. "Miss Vijandre. How are you?" Yumuko siya at ngumiti dito. "I'm good. Why am I needed here?" Tinapik tapik nito ang mesa at seryosong tumitig sa kanya na ikinabahala niya. Kinds of look that brings bad news. "I want it direct to the point Miss Vijandre. A patient complained about your negligence." "What?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Wala siyang naalalang may pasyenteng nagreklmo sa kanya. Napasunod ang tingin niya nang may kunin itong papel mula sa drawer at inabot sa kanya. Nginig ang kamay na inabot niya iyon. "It says, you lied about her sickness. She's not sick but you insisted that she is. She look for a second option. Which mean another doctor. So, she found out that she's right." Napahigpit ang hawak niya sa papel. Malakas ang pakiramdam niyang sinisiraan lang siya. Ngunit bakit? Friendly naman siyang tao at wala siyang naalalang nakasamaan niya nang loob. That psycho. Naalala niya kung sino ang babae. Isa ito sa mga pasyente niyang may dinadanas na phobia . "Read the next page",utos ulit nang lalaki. "She file a case against you. You just choose, you want to stay inside jail for four years or you will go home to Philippines?" "Doc, hindi niyo man lang ba ako bibigyan nang pagkakataong ipagtanggol ang sarili ko?" Puno nang hinanakit na saad niya. Hindi niya napigilan ang sarili na makapagsalita nang tagalog. Naiintindihan naman siguro siya nang lalaki. "What you did was a stain in this hospital Addison. Just cooperate and save this hospital from humiliation." Exaggerated ang term na ginamit nito. Bakit pakiramdam niya ay gusto lang talaga siya nitong mapaalis? Agad-agad siyang papauwiin o ipapakulong? Hindi man lang siya binigyan nang pagkakataong ipaglaban ang sarili? Kuyom ang kamaong lumabas siya sa silid na iyon at hindi na nagpaalam pa. She's mad. It's so unfair! Paano pa niya ipagpatuloy ang propesyon, intern pa nga lang ay may negatibo na siyang record? Nakakawalang gana, sa totoo lang. Ngayon, hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga magulang ang sitwasyon. She dreamed of it. Pwede naman niya iyong ipagpatuloy sa Pilipinas kung sakali ngunit pakiramdam niya hindi siya magtatagumpay doon. It's because her mother is just always around to told her what to do. She's an independent woman and she don't want to be told what she's going to do. _____ Drake Hindi man siya nagtagumpay noong una, he will make sure that this time ay magtatagumpay siya. Alam niyang mali, but he's going nuts. Stalking her everyday was kind of obsession. Kahit nasa Pilipinas siya, he even asked someone to watch her moves. Nabaliktad ang sitwasyon, hindi siya makapaniwalang ginagawa rin niya ang ginagawa noon ng dalaga. Mas malala pa yata ang sa kanya dahil kung ano-ano ang pinapadala niya rito, gamit ang kanyang pangalawang pangalan. He just hope she will not going to find out the crazy things he's been doing. Addy was like a forbidden fruit. Pinatikim lang sa kanya pero hindi niya pwedeng angkinin dahil hindi pa ganap na hinog. Ang una niyang pakiusap noon kay Byron na tulungan siya nitong mapauwi ang dalaga ay hindi nagtagumpay. He let it. Hinintay na lang niyang kusang uuwi ang ito. Pero walong taon na ang nakalipas at wala yata itong balak umuwi pa ng Pilipinas. Nakita niya lang ito sandali sa kasal nang kaibigan ngunit umalis din kaagad. Habang tumatagal ay lalong nadagdagan ang edad niya. Mahirap man tanggapin, ngunit tumatanda na siya. He can't wait no more. So he made a move. Gustuhin man niyang magpakita dito pero naduduwag siya. Baka pagtawanan siya nito. Natatakot siyang ibalik nito sa kanya ang mga sinabi niya noon. ______ (PHIL) ADDY "Anybody home!" Agad niyang sigaw nang pagbuksan siya nang katulong ng pinto. Hindi niya pinaalam na uuwi siya. "E Addy",tawag sa kanya ni Manang Nelia. Nagkakaedad na rin ang babae. Matagal na nila itong katulong at halos kaedad rin niya ang mga anak nito. "Wala sila dito lahat." Napakamot pa ito nang ulo nang balingan niya ito ng nagtatakang tingin. "Anong ibig niyong sabihin? Saan sila pumunta? Nagbakasyon ba sila?" Umiling ito. Halatang nag aalangan kung sasabihin sa kanya o hindi. "E ano?" "Ang lolo, sinugod kagabi sa hospi--" "Ano?! Bakit hindi ko alam?" "Kagabi lang sinugod. Hindi pa nakakauwi sila maam at sir hanggang ngayon." "Alam mo ba kung saang hospital?" Halos pasigaw niyang tanong. Walang pakialam na tinanggal niya ang makapal na coat at hinanap ang susi nang kanyang kotse sa lagayan ng mga susi na nasa gilid lang ng pinto. Mabuti na lang at tumango ito. "Nasaan ang susi ng kotse ko?" Tanong niya nang hindi matagpuan ang hinahanap. "Ginamit yata ni Caspian ang sasakyan mo kahapon. Hindi pa nakakauwi",sagot nito na ikinamura niya. Ang tanging nandon lang ay ang susi nang mustang ni Aegus. Wala siyang choice kundi gamitin iyon kahit na ba ayaw na ayaw niya ang sasakyan ng kapatid. Pangmatanda kasi. Allergic siya sa mga gamit na pang oldies. Allergic my ass! Bitter ka lang gaga! Gusto niyang kutusan ang bahagi na iyon nang kanyang isip. Hindi talaga ito nakikisama minsan sa mood niya at laging kontrabida. ___ Iisa ang reaksyon nang mga magulang nang madatnan niya ang mga ito sa hallway nang hospital. Lalo na ang kambal. "Addy,kailan ka pa dumating?" Sorpresang tanong ng ina. Gusto niyang magalit sa mga ito ngunit hindi niya magawa dahil nasa mukha nito ang wala pang tulog. "Ngayon lang po",sagot niya. "Bakit po kayo nandito sa labas? Si lolo?" Ikinumpas ng kanyang daddy ang pinto sa harapan saka niya napagtantong nasa ICU pala iyon. Nanghihinang napaupo siya sa tabi nang kanyang kambal na nooy tahimik lang at mukhang malalim ang iniisip. Sa isip ay gusto niyang pasalamatan ang pagkakadeport sa kanya. God, just save him and I will not ever leave again. Piping hiling niya. Pagkatapos nang mahigit isang oras ay lumabas din ang doctor mula sa ICU. Sabay silang napatayo nang lumapit ito sa kanilang mga magulang. "Doc?" Nababahalang wika ng kanyang Daddy. Bumuntung-hininga muna ang doctor bago nito hinarap ang dalawa. "He suffered ischemic stroke", umpisa nito. "For meanwhile, we have to monitor his vital signs. But don't worry, he will be okay. He is strong. And he had big chance to get through it",sabay silang nakahinga nang maluwag sa sinabi nito. Napahawak siya sa balikat ni Caspian. "Anyway, we can transfer him in a private room. But for the meanwhile, he can't talk because of some tube in his mouth.", tinapik nito ang balikat ng kanyang ama at nagpaalam na. Napahid na lang niya ang pisngi nang maramdamang namasa iyon. Mahirap man isipin pero ganoon na yata ang kapalaran nang tao. Mga bagay na hindi maiiwasan. Death and sickness. At alam nilang lahat na doon din pauwi ang kanyang lolo. All of them actually. Nang mailipat sa pribadong silid ang kanyang lolo Mauri at nagpresinta siyang siya muna ang magbabantay para makauwi ang tatlo para makapgpahinga. Hindi nila aasahan ang kuya Aegus niya, dahil base sa kuwento ni Caspian, nagtatalo ito at ang matanda. Pagka alis nito sa bahay nila ay saka naman inatake ang matanda. Maaaring hindi nito alam ang nangyayari. "Sigurado ka Hija?" Worried na tanong nang kanyang ama. "Hindi ka ba pagod sa biyahe? May jetlag ka pa." "Okay lang po Dad. I've slept in the airplane for the whole night so don't worry." "Pupunta rin naman dito ang ate mo mamaya",singit ng kanyang ina. " Pwede kang umuwi kung nandito na siya." "Sige po",tango niya. Nang makaalisa ang tatlo ay saka siya nakaramdam nang panghihina. Kalabisan bang hilingin na sana tumagal pa ang lolo niya? Isa sa pangarap nito noon na laging sinasabi sa kanya ay ang makita siya nitong ikakasal. Na ito ang maghahatid sa kanya sa altar. "Be strong lolo okay? Huwag ka munang bibigay please?" Kausap niya sa tulog na matanda. "Hindi pa ako nakapag asawa e. I love you so much...." Inabot niya ang likod ng kamay nito at masuyong hinalikan. Hinila niya ang isang plastic na bangko at naupo sa tabi nito. Sa sobrang pagtutok niya sa mga tubo sa katawan nito ay hindi niya namalayang nakakaidlip na pala siya. Pilit niyang nilabanan ang antok ngunit hindi niya kinaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD