Sabay silang natigilan nang mabungaran ang babaeng nakatingalang laglag ang ulo habang nakaupo katabi nang hospital bed.
Sumama siya sa mga kaibigan na bisitahin ang matandang Vijandre. Narinig niya mula kay Serene na inatake ng stroke ang matanda.
Hindi niya alam kung matatawa o mapapailing nang silipin nila ang mukha ni Addy. Tulog ito at nakanganga. Mahina pa itong humihilik.
"She must be tired from trip", naiiling na wika ni Serene. Hindi niya napigilan ang sarili at palihim niya itong kinunan ng larawan.
"She will kill you if she learn that",saway sa kanya ni Serene. Natawa lang siya at nilagay ang hintuturo sa bibig para sabihan itong tumahimik.
"Addy. Addy",panggigising dito ng babae. Mahina pa nitong tinapik ang pisngi ng kapatid na nooy iwinasiwas lang ng huli.
"Stop it...." Ungol nito.
"Wake up", hindi tumitigil na sabi ni Serene.
"Stop it Clark! Just let me sleep! F*ck you!" Lintaya nitong nakapikit pa rin ang mga mata.
Nagsalubong ang kanyang kilay sa pngalan na binanggit nito.
Who's that bastard?
"Who's Clark?" Mahina niyang tanong sa kasama. Nagkibit balikat naman ito indikasyon na wala itong alam.
"Maybe,her current boyfriend?" Singit ni Byron na lalong ikinasimangot niya. Alam niyang inaasar lang siya nito dahil sa paraan nang ngisi nito.
Bumabawi ang gago!
"Maybe a young boy she dated in Roseville?" Pagpapatuloy nito. "Lucky of him being part of Addy's thought."
"F*ck you",he hissed.
"Tumigil nga kayong dalawa diyan. Addy! Gigising ka o gigising ka?"
"Five minutes", ungol nito na ikinailing niya.
"Paano ba naging doctor ang tamad na batang ito? Lumipat ka sa couch",angil nang kapatid. Napatingin sila sa pasyenteng nakahiga. Mabuti't hindi ito nagigising.
"Hmm..."
Sinaway niya si Serene nang akmang kakalabitin na naman nito ang kapatid. Palibhasa buntis kaya madaling mairita. Para matigil na ito ay binuhat na lang niya ang babae at nilipat sa couch. Nang mailapag ito sa couch ay tinanggal niya ang coat at ipinatong sa dalaga para magsilbing kumot nito.
Napapantastikuhang nakatingin sa kanya ang mag asawa.
"What?" Mahinang angil niya.
Kulang na lang ay pagtawanan siya nang dalawa dahil sa ginawa niya. Balewalang umupo na lang siya sa paanan nang dalaga at itinuon ang mata sa maamong mukha nito.
I've missed you.
Piping daing nang kanyang puso. Life was so funny sometimes and playful. Hindi niya akalain na kakainin niya lahat nang salitang binitawan niya noon sa dalaga. But the question is, does she still like him? Ang mga agam-agam niya noon paano kung magkatotoo? Maraming taon ang lumipas, marami din ang nagbago.
"Psst, matunaw yan", pabulong na tukso ni Serene. Napailing lang siya.
"So, love. We won't stay longer. Are you sure you'll be okay here?" Pagkuway sabi ni Byron.
"I'll be fine Byron. Anyway, thank you Drake for spare a little time going with us here",baling nito sa kanya na ikinangiti niya.
"You're welcome", tugon niya. Well, isa sa dahilan kung bakit siya sumama doon para na rin bisitahin ang Don. Kahit papano naging magkaibigan din sila ng matanda because of Serene. But the main reason was..... He knew that Addy was here. He just want to see her.
"Don't stress yourself..." Bilin pa ni Byron sa asawa nito bago sila tuluyang lumabas. Gustuhin man niyang manatili pa don ng ilang oras but he can't. Natatakot siyang malaman kung anong magiging reaksyon nito kapag nakita siya after a long years.
Kahit nang nasa nasa sasakyan na siya, hindi mawala sa isip niya ang imahe ng dalaga habang tulog. Only God knows how much he wanted to taste those lips. He just remembered how he lick her before. Her moans and desperate begs. Can he able to hear those again? Maybe not, maybe yes.
______
ADDY
Mahihinang tapik sa binti ang nagpagising sa kanya. Mabigat ang talukap nang mata na pinilit niyang imulat iyon. Nabungaran niya ang mommy niyang nakatunghay sa kanya. Awtomatikong napakunot ang kanyang noo. Akala ba niya umuwi ito? Tuluyan na siyang bumangon.
"Mommy? Akala ko ba umuwi kayo?"
"I did", natatawang sagot nito.
"But-- napatigil siya nang makarinig nang mahihinang hagikhik mula sa likod. Mabilis niyang naibaling ang tingin doon. Ang kapatid niyang si Serene pigil ang sariling matawa sa reaksyon niya. Saka niya napagtanto nakatulog pala siya. Napatapik siya ng noo. Ngunit paano siyang napunta sa couch? As far as she remember nakatulog siyang nakaupo.
"Ate, kumusta?" Tanong niya sa kapatid. Napatingin siya sa tiyan nito. Hindi pa halata ang pagbubuntis nito.
"I'm good", nakangiting tugon. "Brix and Millie was very excited to see you."
Napangiti siya sa sinabi nito. Namimiss na niya ang dalawa. Sa Skype lang sila laging nag uusap. Nitong nakaraan hindi na niya nakausap ang dalawa dahil naging abala siya sa pag aasikaso nang pag uwi niya.
"Umuwi ka muna anak. Magpahinga ka muna. Bumalik ka na lang dito bukas. Ang daddy mo naman ang dito mamaya."
Tumango siya sa sinabi ng ina. Saglit siyang natigilan nang may maalala.
"My, nang dumating ba kayo dito, nasa couch na ako?"
"Yeah, why?"
Naipilig niya ang ulo.
"I remember myself fall asleep on that chair", sabay turo sa kinauupuan ng kapatid. Napansin niya ang pagtaas ng kilay ng kapatid. "Never mind, it must be caused of jetlag. I'm just hallucinating."
Humalik muna siya sa noo nang matandang tulog pa rin bago nagpaalam sa dalawa.
"Wait, Addy",tawag ng kapatid sa kanya nang nasa pintuan na siya. Nagtatakang lumingon siya. "Bring that coat with you."
Napatingin siya sa tinutukoy nito. Ang coat na iyon ay nagisingan niyang nakapatong sa kanya. Saka lang pumasok sa isip niya na wala namang lalaking napadpad doon para magkaroon niyon sa silid. Naalala niyang walang iniwang gamit ang daddy niya at kapatid kagabi bago magsialisan.
"For whom?"
"Idaan mo na lang sa clinic ni Drake, tutal madadaa---
"Who?" Saglit siyang nabingi sa sinabi nito. Napatingin siya sa ina. Mukhang wala rin itong alam dahil kunot ang noong nakatingin kay Serene.
"Nakakabingi ba?" Nakakalokong ngiti nito na ikinasimangot niya. Iniisip ba nitong patay na patay pa siya sa lalaking iyon?
Bakit hindi ba?
Hindi na period. At nandoon pala ito kanina habang tulog siya? Wait, paano napunta ang coat sa kanya?
Don't tell me--- no no no.
Don't give it a different meaning.
"Pakidaan mo na lang, tutal madadaanan mo na naman papauwi sa bahay", ulit nito.
Umiling siya na ikinataas ng kilay nito. "There's no way ate."
"Why not? Don't tell me affected ka pa rin sa kanya?"
"Of course not!" Napalakas ang boses niya. Naitakip niya ang kamay sa bibig. Napatingin siya sa hospital bed ng kanyang lolo. Ngunit tulog pa rin ito.
Pinanlakihan siya ng mata ng ina.
"Kung hindi ka na affected sa kanya, it will not be a big deal na idaan mo lang yang coat sa clinic niya. It's just a coat duhh.... Magpasalamat ka na rin sa paglipat niya sayo sa couch."
Pinilit man niyang wag maapektuhan sa sinasabi nang kapatid dahil baka ginu goodtime lang siya, hindi niya maiwasang kabahan. Kung sakaling totoo man ang sinasabi nito, wag naman sanang bigyan yun ng ibang kahulugan nang kanyang pasaway na puso.
There's no way. Not again. Never!
Padabog niyang binalikan ang coat para magtigil lang ito. Gusto niyang mapatili sa inis nang marinig ang tawanan nang dalawa nang isara niya ang pinto.
They're so cruel!
___
Nagdadalawang isip siya kung tutuloy ba siya sa clinic ng lalaki. Nasa hallway na siya at nagbibilang nang daliri kung tutuloy ba siya sa loob o ipapahatid na lang niya ang letseng damit na iyon. Ngunit umalingawngaw sa kanyang utak ang sinabi ng kanyang kapatid.
Kung hindi siya tutuloy sa loob, para na rin niyang inamin sa sarili na affected pa rin talaga siya dito. Humugot siya nang malalim na hininga bago dere-deretsong tumuloy bago pa magbago ang kanyang isip. Iba na ang assistant na nakatoka sa clinic nito. Mabuti dahil hindi siya kilala.
Magiliw niya itong nginitian bago nagtanong kung nasa loob ba ang binata.
" May pasyente pa siya sa loob Ma'am, pero tingin ko po papatapos na si Doc. Hintayin niyo na lang po", itinuro siya nito sa mga benches para umupo ngunit tumanggi siya. May ideya kasing pumasok sa isip niya.
"Actually miss, hindi na ako magtatagal. Ipapaabot ko na lang sayo itong coat niya. Pakisabi, salamat", sabay abot niya sa naguguluhang babae habang nakatingin sa hawak niya. Wala siyang balak na magpaliwanag dito dahil atat na siyang makaalis doon. Bahagya pa siyang nairita dahil hindi nito agad inaabot ang damit.
"Sige na miss, nagmamadali kasi ako eh",hindi na niya hinintay na abutin nito iyon at inilapag na lang niya sa reception desk. Wala siyang pakialam kung nagmumukha man siyang may tintakbuhan ngunit iyon talaga ang kanyang nararamdaman.
Mabilis siyang tumalikod at hindi na nag abalang tingnan ang pintong bumukas.
"Hey Addy, wait up!" Awtomatikong naipikit niya ng mariin ang mga mata kasabay nang pagtigil niya ng hakbang. Pilit niyang iginuhit ang kaswal na ngiti bago ito hinarap.
"Hey, ahm I just get by to give y-your coat", tumikhim siya para tanggalin ang bahagyang tanggalin ang pagnginig ng boses. Bakit ba kasi mas lalo itong gumwapo sa paningin niya?
"Oh, that's it?"
"Yeah?" Naguguluhang tugon niya. "Is there something else?"
"Maybe",sabay kibit balikat nito.
Anong ibig sabihin nito, na may iba pa siyang sadya sa clinic nito. Napatingin siya sa assistant nitong amuse na nakatingin sa kanilang dalawa.
Hindi niya maiwasang mapairap.
"Nothing else,doc. My sister just ask me to bring that with me."
"How about thanking me for putting you in the couch?"
"Oh,yun ba? Thank you? So, can I... I mean I need to go", atubiling wika niya. Naghalo kasi ang kahihiyan at pagtibok ng puso niya nang maalala ang pinanggagawa niya noon. Siguro kung noon ganito ang pakitungo nito sa kanya ay magtatalon siya sa tuwa. But everything is different now. She is no longer a kid.
Nang hindi ito sumagot ay tumalikod na siya. Kinakabahan kasi siya. Maybe it's normal dahil matagal na silang hindi nagkita. Sa bilis ng kanyang hakbang ay hindi niya narinig ang mabilis na hakbang ng lalaki mula sa kanyang likuran.
"Do you want to eat lunch with me?"
That caught her off guard.
Huh? Ano daw?
"No", hindi nag iisip na sagot niya. Nang makalabas nang gusali ay agad niyang pinindot ang unlock ng switch ng sasakyan kahit malayo pa siya. Nauwi na kasi sa tensyon ang nararamdamang kaba kanina. She knew, she's in trouble. At hindi pwedeng mangyayari yon. Paanong walang pinagbago ang epekto nito sa kanya?
"Okay!" Sigaw nito ilang metro ang layo mula sa kanya. "Kunwari hindi ko alam na patay na patay ka sa akin noon!"
Napatigil siya sa paghakbang. Aba't ang walanghiya! Anong karapatan nitong ipaalala ang kagagahan niya noon? Tiim bagang na nilingon niya ito.
"Repeat the last phrase",pinilit niyang maging seryoso ang kanyang ekspresyon. Magaling itong magbasa ng nararamdaman nang tao. She did her best to hide her true feelings.
"Alin? Yung patay na patay ka sa akin noon?"
"Repeat the last word."
"Noon."
Tumango siya. "Yeah, noon. Hindi na ngayon."
"Hey, chill... I'm just kidding, you know. You shouldn't take it seriously because it's all in the past."
Gusto niyang abutin ang labi nito at burahin ang mapaglarong ngisi nito sa labi.
"Really? Should I be happy that you're reminding me now, how stupid I was before?"
"Maybe? C'mon Addy. You had moved on. So what's the big deal? Or you aren't?"
"Excuse me?" Halos manlaki ang butas nang kanyang ilong sa huling sinabi nito. Bakit nga ba siya nang ooverreact? Kung tutuusin tama naman ito.
Pilit niyang kinalma ang sarili para hindi magmukhang tanga sa harap nito.
"I really want to eat lunch with you, Drake. But I'm sorry I can't. I'm in a hurry."
Saka mabilis na tumalikod ngunit ang damuho nananadya at sinundan pa rin siya. Gusto niyang magalit sa kapatid dahil pamimilit nitong idaan doon ang coat ng lalaki. She shouldn't have this kind of feeling. Uncomfortable.
"Hey, hey,hey",tawag nito ulit. Sa pagkakataong iyon ay nahagip na nito ang kanyang braso na sabay nilang ikinaigtad dahil sa kuryenteng biglang nanulay sa kanilang ugat. "Just lunch. It's no big deal."
"I already made my decision",matigas na tanggi niya. Hindi. Hindi niya na ipapagkanulo ang sarili. Yes, he still have an affect on her and that scares her. Habang kaya pa niya, ilayo na niya ang sarili dito dahil sa huli siya din ang masasaktan. Ayaw na niya. Ayaw na niyang maulit ang pakiramdam noon. Lost and hurt.
"Kung hindi ka na affected sa presensya ko, why it's a big deal to you? It's just a lunch c'mon. It's been a long time I haven't seen you. I know, a lot of things changed, pero maano ba namang sumabay ka sa akin kumain bilang kaibigan?"
He is still the most insensitive brute that I've ever known.
I hate you ate Serene for this! It's all your fault.
"Fine...!" Walang choice na pagpayag niya. She just hope na pagkatapos niyon ay hindi na magku krus ang landas nila ng lalaki. Which is impossible. Kaibigan ito nang kapatid kaya imposible ang kanyang iniisip.
"Good, let's go then. Lock your car."