CHAPTER 5

2558 Words
Akala niya kaya niya. Hindi pala. Natatagpuan na naman niya ang sariling nasa harapan ng gusali kung saan ang clinic ni Drake. She looks like a creepy stalker.  Good thing that her car has a tinted mirror. Kaya hindi siya nakikita mula sa loob kahit maghapon pa siyang nakatitig doon. Kung may rason lang sana siyang iba para pumunta doon para kahit papaano ay masilayan man lang niya ang lalaki. Siguro hindi naman siya nito makikilala kung sakaling sisilip siya roon. She's wearing a cap with sunglasses. Just great! Hindi tumitinging pinaatras niya konti ang kanyang sasakyan para sana ilipat ng posisyon ngunit umuga ang kanyang sasakyan hudyat na may nabunggo iyon mula sa likuran. "Oopps!" Nakangiwing tumingin siya sa side mirror. Tinambol ng kaba ang kanyang dibdib nang lumabas ang may ari niyon at galit na galit. May kaedaran na ang lalaki. Siguro nasa edad lang ng kanyang daddy. Kamot ang batok na bumaba siya at hinarap ito. "Sorry po",nakangiwing hingi niya ng pasensya. Ngunit parang apoy lang ang mata nitong nakatingin sa kanya. "Bago ka kasi umatras, tumingin ka muna sa likod mo!" Malakas na pagkakasabi nito. Siya naman ay nabahag ang buntot at hindi alam ang gagawin. Galit na galit ito at walang balak na kumalma. "Papaayos ko na lang po ", kinakabahang sambit niya. "Ganyan talaga kayong mayayaman. Iniisip niyo na nadadala sa pera ang lahat. Pwes nagkakamali ka! Sasabihin ko sa boss ko na sasampahan ka ng kaso!" Wtf! Nakikipag areglo na nga siya ayaw pa rin nito? Konting yupi lang naman ang meron sa sasakyan nito kung tutuusin. Konti nga ba? Sinilip niya ulit ang harapan ng SUV at hindi iyon konti lang. Maano ba namang pumayag itong siya na ang magpaayos? Tutal hindi naman ito nasaktan. "Kuya, kaya nga ako na ang magpapaayos sa sira. Bakit niyo pa po dadalhin sa korte kung  handa naman po akong magbayad ng danyos? Kung tutuusin hindi naman kayo napano", hindi na niya napigilan ang sarili at tuluyan nang napikon. Mas lalong bumagsik ang mukha nito. "Hindi mo alam ang mangyayari sa akin kapag nalaman ito ng amo ko miss! Palibhasa kasi hindi ikaw ang nasa katayuan ko kaya mo nasasabi ang ganyan!" "E ano ho ba ang gusto niyong gawin ko? Nagpapapakumbaba na nga po ako. Mahirap po bang intindihin yon?" "Mang Garry, anong nangyayari dito?" Nanigas siya sa kinatatayuan nang marinig ang boses na iyon. Napaka wrong timing naman ng labas nito. Bad shot na naman siya, sigurado iyon. "Addison? What the heck are you doing here?" "Doc, kilala niyo po? Aba'y tingnan niyo po ang ginawa sa sasakyan ni Maam Cynthia!" Mabilis na singit ng lalaki. "Hindi ko naman po sinasadya kuya. Ilang beses na po akong humingi ng pasensya. Sadyang matigas lang po ang bungo ninyo!" "Aba't! Napakawalang modo mo namang bata!" Umusok yata pati ilong nito sa galit sa kanya. "Kanina pa po ako nagpapakumbaba. Sabi ko nga, ako na ang magpapaayos nang nasira ko. Pero galit pa rin po kayo, paano ko po kayo rerespituhin?" "Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Halos magkasunod lang tayong pumarada dito a. At halos magdadalawang oras na. Ni hindi ka nga lumabas ng sasakyan mo!" Pahamak na matanda! grrrr! "Ano kamo, Mang Garry?" Tuluyan na siyang namula. Halos bumaon ang kanyang ngipin sa pang ibabang labi  sa pagkakakagat dahil sa sinabi nito. Alam niyang masama na naman ang tingin sa kanya ng binata. "Kanina pa po siya nakaparada diyan Doc. Ayon nga, umatras bigla ni hindi man lang tiningnan muna kung may sasakyan sa likod. Paano po pala kung tao ang naatrasan niya? Hindi naman po lahat ng bagay ay natutumbasan ng pera." Ano pa ba ang gusto ng matandang ito? Maglupasay siyang humingi ng tawad? "Pasensya na po Manong. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Doctora." Malakas lang na buntung-hininga ang binitawan nito.  Saka binalingan siya ng tingin. "Siguraduhin mo lang na mapapaayos mo na to'  kaagad miss." "You",tawag ni Drake sa kanya. "Me?" "Who else? Follow me." Mas lalong namilipit ang kanyang mga daliri dahil sa tigas ng boses nito. Paparusahan ba siya nito? Nang pumasok ito sa sasakyan ay atubili siyang sumunod. Nilingon niya ang kanyang kotse at baka pwede siyang tumakas. Ngunit nandoon pa rin ang SUV ng matanda kaya malabong makakatakas siya. "Trying to escape,huh? Get inside!" Pikit mata siyang pumasok sa kotse. Imbes na sa unahan maupo ay sa likod siya pumwesto. Nagbabala ang tinging nilingon siya nito. Para siyang maamong tupa na lumabas ulit ng sasakyan at lumipat sa harap. "Now, explain." Hindi siya kumibo. Bagkus itinuon lang niya ang tingin sa unahan na parang walang narinig. "How can you be so careless!" Napaigtad siya sa lakas ng boses nito. Ito ang unang nagtaas ito ng boses sa kanya at galit na galit pa. "You shouted at me..." Nginig ang babang tumingin siya dito. Mabilis na nag init ang sulok ng kanyang mga mata. "Of course I just did.  Do you know what kind of boss Doctor Cynthia was? Hindi mo ba alam na nilagay mo lang sa alanganin ang trabaho ni Mang Garry?" " Listen, I already said I'm sorry and I'm willing to pay the damage", gumaralgal ang kanyang boses. Mabilis niyang ibinaling sa labas ang tingin at sinubukang buksan ang pinto ng sasakyan ngunit bigo siya. Hindi niya alam kung paano itago ang pag uunahan ng kanyang mga luha. "Open the door please." "You're unfair Addy. You can't just use your tears everytime I'm scolding you. I am doing this as your elder brother." "Just open the door please",nakikiusap na wika niyang hindi lumilingon dito. Malakas itong bumuga nang hangin. "Face here." Sunod-sunod siyang umiling. She's sure that she look like a mess right now dahil puno ng luha ang kanyang mga mata. "I will not open the door if you'll not stop crying",banta nito. "You always have your way to make me cry Drake." "Of course not. Iyakin ka lang talaga. Konting taas lang ng boses ay umiiyak ka na. Palibhasa beybing-baby ka sa inyo. C'mon Addy, I told you to stop being a brat!" "Just open this goddamn door!" Galit na wika niya. Mas lalong nag unahan ang mga luha sa kanyang mga mata. How can this man could be this insensitive? Tiningnan niya ang sarili sa side mirror. She was right. She look like a mess with swollen eyes and lips. Para siyang nakuryente nang hawakan siya nito sa balikat at ibaling paharap dito. "Damn,stop crying Addy",hindi niya napaghandaan ang galaw nito. Inabot nito ang kanyang buhok at inipon sa likod. "Ponytail please." Umiling siya. "I don't have." "Tsk!" Hindi niya mapigilang ituon ang tingin sa mamula mulang mga labi nito. Down to his neck.  His Adams apple moved so sexily.  Hindi niya napigilan ang sarili at inabot iyon at marahang hinaplos. Napatigil ito sa ginagawa at napatitig sa kanya. Mariin siyang lumunok. "Can I... Can I kiss you?" There nasabi niya rin ang kanina pa tumatakbo sa kanyang isip. "You don't know what you're asking",halos pabulong na sagot nito. Gahibla na lang ang layo ng bibig nito sa kanyang bibig. "Of course, I do", saka inilapat ang labi sa nakaawang nitong bibig. Oh sweet mercy! Naipikit niya ang mga mata nang gumalaw ang bibig nito para tugunin ang kanyang halik.  Naitaas niya ang kamay sa  batok nito at naipulupot nang unti-unting lumalim ang halik. Hindi niya mapigilang mapaluha. This man have no idea how long she've been hoping for this moment. Sabay silang napaungol nang magkahulihan ang kanilang dila. This is so good.... Ngunit may hangganan ang lahat. Sabay silang napaigtad nang may malakas na kumatok mula sa labas ng bintana. Naka uniporme din ang babae nang pang doctor kaya sigurado siyang doctor din ito. Nakapameywang ito habang bagot na naghihintay na pagbuksan ng bintana. Taas ang kilay itong tumingin sa loob nang ibaba ni Drake ang bintana. Sopistikada ang babae at mukha pa lang nito ay mataray na Istorbo! "I want to talk to that kid", masama ang tingin nito sa kanya. "Ahm Doc",kamot ang batok na hinarap ito ni Drake. "Pagpasensyahan niyo itong pinsan ko. She's still learning to drive. Don't worry I'll pay the damaged." "Your cousin? I thought it was Toffee and Leticia?" Nagtatakang tanong nito. Siya naman ang natigilan. Anong ibig sabihin nito? Kilala nito si Toffee? "Ahm, in father's side. Toffee is my cousin  in my mother's side." "Oh okay",sabay abot nito sa braso ng binata na ikinasama ng timpla ng mukha niya. "Madali naman akong kausap e." "How bout' bar tonight?" "Okay, that's great. See you at 'The Hidden' then." Mas lalong nagkukukot ang kanyang damdamin sa sinabi ng lalaki.  Obvious na naglalandian ang dalawa. One thing she know for sure, susundan niya ang dalawa. Alam niya ang bar na tinutukoy nito dahil minsan na rin siyang napadpad doon nang palihim nilang sundan ni Thylane si Caspian at Thyler noon na tumatakas na pumunta sa bar. "You're really seeing her? At pinsan mo pala si Toffee. How could you lie to me like that?" Pangongompronta niya. "So what is it, into you?" Taas ang kilay na tanong ng lalaki. "We just kissed",halos pabulong na sabi niya. Hindi niya alam kung umabot ba sa pandinig nito ang kanyang sinabi. Binasa niya ang bibig dahil tingin niya ay nanuyot iyon. "Are you trying to seduce me?" Paos ang boses nito. Hindi siya gumalaw kahit halos maduling na siya sa halos pagkalapit nang kanilang mukha. "Why, are you seducible?" Hindi niya alam kung saan nanggaling ang boses na iyon na kusang nanulas sa kanyang bibig. "You're a  temptation Addy. Stay away from me",matigas at buong boses na sabi nito. Bahagya niyang iniatras ang mukha saka pinukol ito ng nagtatanong na tingin. Nakarinig siya nang pagclick sa kanyang gilid. "Get out."   "I told you to stop staring at me like that young lady!" "Like what?" Inosenteng tanong niya. "Like you were so inlove with me!" "Because I am!" Napataas na rin siya ng boses. "God!" Napahilamos ito ng mukha. "What I am going to do with you Addy? Are you this desperate?" Umiling lang siya. "I tried... I tried to get rid of it. But I failed...." Saka lumabas ng sasakyan nito at patakbong tinungo ang kanyang kotse. Oo, nakakababa na ng p********e. But what she can do? Being away from him for  a long time made her gone crazy.   Dahil wala na ang sasakyan sa likuran ng kanyang kotse ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.  Next week she will be going back to Roseville.  Kahit sa huling pagkakataon man lang sana ay makasama niya ito. And after that, she will promise herself to forget him.  It's hard but she will try. ______ Wala pang masyadong tao sa 'The Hidden'  ng pumasok siya sa loob. Good thing that her height doesn't look like a teen. Kaya hindi siya sinita ng bouncer. Kahit naman siguro sitahin siya ay nasa tamang edad na siya. "Are you allowed to be here?" Mabilis siyang napalingon sa nagsalita. It was Byron. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang pouch. "I'm not going to drink." "Then what are you doing here if you're not going to drink?" Taas ang kilay na tanong nito. Hindi naman amoy alak ang hininga nito, so she assumed hindi pa ito umiinom. "Try lang", kunwari'y cool na sabi niya sabay kibit balikat. Sana hindi nito mabanggit sa kaibigan na nandoon siya dahil baka hindi ito tutuloy.  "Ahm, how are you by the way?" Agad niyang naaninag  ang lungkot sa mga mata nito. "Do you mind to sit with us?" "Us?" "Yeah, I'm waiting for Drake and his friend. Come, sit with us in our table." Mabilis naman siyang sumunod dito. Nang makaupo ito ay agad nitong tinungga ang alak sa baso.  "How is she?" Alam niya ang tinutukoy nito. Ewan ba niya, mabigat sa dibdib niya ang pag sang ayon sa gusto ng kanyang mommy na itago ang pagbubuntis ng kapatid. " Ahm,she's doing fine",pilit ang ngiting sagot niya. Nahahabag siya sa sitwasyon nito. "I'm sorry for what happened." Naitaas nito ang kamay. "Please, stop reminding it." Hindi niya ito maintindihan, ito nga ang nagbukas nang usapin tungkol sa kanyang kapatid. Nahugot niya ang hininga nang makitang may butil nang mga luha sa gilid ng mga mata nito. She really need to talk to her mother. Hiding Serenity's pregnancy from him was so unfair and selfish. "Can I ask at least anything to drink? I mean not wine",pilit niyang pinakaswal ang boses. Wala siyang magagawa sa sitwasyon nito kundi makisimpatya sa nararamdaman nito. "Oh, sure", saka ito tumawag ng waiter para mag order ng juice. She's cool with it because she never get herself into drinks. Pahapyaw itong nagtanong tungkol sa pag aaral niya. Muntik na siyang madulas nang tanungin nito kung bakit siya huminto. Hindi siya sanay magsinungaling sa mga ganitong seryosong bagay kaya nakokonsensya siya. "What the hell?" Sabay silang napaangat ng tingin sa nagsalita. Hindi agad siya nakahuma nang sumalubong sa kanya ang naninitang tingin ni Drake. Wala itong kasama. Nasaan na kaya ang Cynthia na kasama nito? "Why are you here?!" "She's with me buddy",mabilis na singit ni Byron na ipinagpasalamat niya. "I know she's not, pare",nakangising sambit nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Tayo!" Inirapan lang niya ito. Bakit daig pa nito ang daddy niya kung manduhan siya? "Why would I? I'm with Kuya Byron." "Huh, you can call him Kuya. Why can't you call me the same? Tayo!" "Bud, what's wrong?" Tuluyan nang napatayo si Byron. "Wag kang napapaniwala sa batang ito pare!" What? Did he just call me a child?" Nang hindi siya tumayo ay dinaklot na siya nito sa braso at hinila patayo. Wala siyang nagawa kundi sumunod dito dahil nakakakuha na sila ng pansin sa ibang tao roon. Bahagya siyang napangiwi dahil sa higpit nang hawak nito. "Aw Drake! Let me go! You are hurting me!" "Talagang masasaktan ka talaga sa akin kapag hindi ka nakinig at ipagpatuloy mo yang ginagawa mo!" Nang makarating sila sa labas ay padaskol niyang hinila ang braso. "You know what, you don't have to drag me like your little sister!" "Well I just did. Now, go home." "You can't make me",pagmamatigas niya. "Try me", sabay ngisi nito. Napatili na lang siya nang bigla siya nitong buhatin. "Where's your car?" "I didn't bring any", nagpapalag na sagot niya.  "Put me down moron. Masisilipan ako sa ginagawa mo!" "You even wear this kind of dress? You're not a slut, don't you?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Malakas niya itong hinataw sa likod na ikinahiyaw nito. Hindi pa siya nakontento at piningot niya ang tenga nito. "F*ck. You're really a brat!" Wala itong choice kundi bitawan siya.  Awtomatikong lumayo siya nang maibaba siya nang binata at patakbong bumalik sa loob. Hindi pa siya nakakarating sa pinto ay naabutan na siya nito. "You're really trying my patience, huh?" Habol ang hiningang wika nito. Amuse lang na nakatingin sa kanila ang ibang napaparaan sa harapan nila. " My younger sister was worst than that, bro", natatawang saad ng isang lalaking napadaan. Right, iniisip pala ng mga ito na magkapatid silang dalawa at pinagbabawalan siyang pumasok sa loob.  "Seems that I'll have to drag you in my car", tagis ang mga bagang na wika. "You can't do this to me!" Hiyaw niya.  "Watch me brat. Watch me!" "Ano bang problema mo?! Hindi naman ako iinom!" "I know that. At anong gagawin mo? Ang bantayan ako magdamag? No way... I have needs and I want to get laid tonight!" Natigilan siya.  Padaskol niyang hinila ang braso at hinarap ito. "You will do it with Cynthia?" "It's none of your business!" Nauubos ang pasensyang sagot nito. "Now get in. I am really losing my patience with you!" "You know what? Just f*ck whenever you want! The hell I care!" Agad na pinara ang paparating na taxi at mabilis na sumakay.  Hindi makapaniwalang sumunod lang ang tingin ng lalaki sa kanya. Binuksan niya ang bintana at pinakitaan ito ng gitnang daliri. Nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD