Roseville,CA
Life in California was hard at first. Lalo pa at nag aadjust pa lang silang magkapatid. She decided not to enroll in school. Napag isipan niyang magfocus muna sa kapatid at saka na papasok kapag nanganak na ito.
Hindi niya maintindihan sa mga magulang kung bakit kailangang itago pa ang pagbubuntis ng ate niya. Wala namang nag utos sa kanya na hindi na siya mag aral but she just can't go to school while her sister staying at home alone.
So she just decided to skip the year tutal parang nawalan na rin siya ng gana dahil sa nangyayari. Una, bigo siya sa pag ibig. Pangalawa, complicated ang sitwasyon ng kapatid. Maano ba namang isakripisyo niya ang isang taon na hindi muna papasok?
As days goes by, lagi pa ring laman ng isip niya si Drake. She tried to stalk him in social media but seems his not active in any of it. Tiningnan niya ang recent post nito sa i********: and it was three years ago. Then wala ng kasunod.
One thing she like living in California, she had her freedom from her nagging mother. Although na miss niya ang mga magulang ng sobra, she just thankful na pumayag siya sa gusto nang mga ito.
She had her driver's license which was very hard thing she can have if she's with their parents.
"I'm home!" Masiglang wika niya ng makapasok sa kanilang condo. She just got home from supermarket. Ngunit napakunot ang kanyang noo nang wala namang sumagot sa kanya. Wala namang pinuntahang iba ang kanyang kapatid.
Tinungo niya ang silid nito. Hindi iyon naka lock kaya agad niyang itinulak pabukas. May usapan silang hindi ito maglalock ng pinto kahit anong mangyari.
"Ate? Ate!" Ngunit wala pa ring sagot. Lalabas na sana siya ulit ng makarinig ng mahihinang daing mula sa banyo nito. Mabilis niya iyong tinungo.
"Ate,okay ka lang ba diyan?" Konting daing lang mula rito ay talagang nagpapakaba na sa kanya. Kahit noong naglilihi ito ay lagi siyang natataranta. Saka niya napagtanto sa sariling wala nga talaga siyang alam sa buhay. Tapos mag aaral pa siya ng psychiatry hindi naman siya matalino.
"Addy.... Help me."
Mas lalong tinambol ng kaba ang kanyang dibdib. Ito na nga ang sinasabi niya sa mommy niya, paano kapag ganito? Ang pangako nito ay bibisita ang mga ito doon kapag malapit na ang kabuwanan ng ate niya. Nasa limang buwan pa lang ang pinagbubuntis nito.
Mabilis niyang tinulak ang pinto ng banyo na ipinagpasalamat niyang hindi rin nakalock.
"Ate?" Nginig ang mga kamay na tawag niya dito. Nakasalampak kasi ito sa sahig ng banyo at tila nanghihinang laylay ang ulo habang nakasandig sa bowl.
Inabot niya ito at tinulungang tumayo. Tiniis niya ang bigat nito dahil may kalakihan na ang tiyan nito. Inalalayan niya itong hanggang makarating sa kama nito.
Nang mailapag niya ito sa kama ay mabilis siyang kumuha ng bihisan nito.
"May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong niya. Umiling ito.
"Sigurado ka? Bakit ka dumadaing sa loob ng banyo kung ganon?"
"Nadulas ako."
"What? Ate naman...mag iingat ka naman."
"I am fine brat. Namali lang ako ng apak kaya ako nadulas."
Why she sensed that she's lying? Nakikita niya kasi sa mukha nito na pilit nitong tinatago ang ngiwi. Alam niyang may dinaramdam ito.
"Stop looking at me like that Addy. I'm okay",nakabusangot na sita nito.
"Looking like what?"
"That you don't believe in me!"
"Why so defensive?" Sikmat niya. Agad na iniwas nito ang tingin. So, she was right. She's hiding something from here. Nalipat ang tingin niya sa mga kamay nito mahigpit na nakahawak sa kobre kama.
Humugot siya ng malalim na hininga bago nag umpisang magsalita.
"Just always think that it's not you only ate. Remember you are carrying a life with you too. So please be honest when you feel something different from your body. Risking the pain is risking your baby's life too."
"Addy I will be okay. Pawala-wala naman ang sakit."
"See?" Bahaw siyang natawa. Inabot dito ang damit na hawak niya para makapagbihis na ito. "We will go to your doctor now."
______
"I think, it would be nice if you pursue psychiatry",basag ng kapatid sa katahimikan. Kagagaling lang nila sa Ob-gyne nito at pauwi na sila. Napasukan lang pala ng lamig ang tiyan nito kaya sumakit. Matagal pala itong nagbabad sa tubig habang nasa supermarket siya.
Napailing siya. "It's not necessary. I think I wouldn't be that good."
"Of course you are",giit nito. "You are good in reading someone's brain."
"Just like what I did today?" Natatawang wika niya. Hinarap niya ito ng umilaw ang stoplight at kailangan nilang tumigil. "C'mon ate, kahit sino malalaman na may dinaramdam ka."
"No Addy. Not just today. I've been observing you. You always predict what I want when you're observing my moves."
"Is that so?" Taas ang kilay na tanging nasabi niya.
"Listen. I'm serious here."
Bumuga na lang siya ng malakas na hangin habang tinapik tapik ang manibela.
"I'll think about it",tanging nasabi niya.
"Look, is this still all about Drake?"
Saglit siyang natigilan. That name. Everytime she heard it, it sends a tickling pain into her heart. Hindi lingid sa kapatid niya ang nararamdaman niyang pagsinta sa kaibigan nito.
Pinili na lang niyang huwag sumagot. The more she'll answer, the more it prolonged the conversation. And she don't want that. She's trying. And hearing his name is not helping.
_____
Kasunod na linggo hindi nila inaasahan ang biglang pagbisita ng kanilang ina. Nasabi kasi niya dito ang nangyari sa kapatid noong nakaraang linggo kaya marahil napasugod ito.
Nagkakape siya kinaumagahan nang lapitan siya nito. "You can take a vacation while I'm here."
"No, mom. It's okay. I don't feel like going anywhere."
"Oh, really? How about Philippines?" Bahagya pa nitong sinilip ang kanyang mukha para tingnan ang kanyang reaksyon. Nagkibit balikat lang siya.
"Not either."
"Can I ask you something darling?" Pagkuway tanong nito habang hinahalo ang kape nito.
"Sure. What it is?"
"Have you figured out what you really want to be?"
Napatingin siya sa ina. Hindi niya inaasahan ang tono ng tanong nito. Is she up for something or what?
"Well, honestly. I sent you here because I can see that you have a lot of confusion in your life. Na para bang hindi mo alam ang gusto mo. Malaki talaga ang pagtataka ko sayo anak. Ang ibang bata, maliit pa lang ay alam na ang gusto. Pero ikaw, i have no idea."
Gusto niyang mapatirik na lang ng mata sa sinabi ng ina. Iniisip talaga nito na napipilitan lang siyang kumuha ng kursong iyon dahil kay Drake. Well, half true.
"Mom, I know. But really tried. I really tried. Honestly. But-", buntung-hininga ulit. "I can't see myself doing other things. I only see myself dealing with Psycho's."
"Then follow your heart."
Himala. Kontra nga ito sa kursong kinuha niya, bakit bigla-bigla ay nagbago ang isip nito?
"Listen,my Addy. Do things because it's your heart been wanted. Don't do things just because you want to be like someone. Do things because you want to be you."
"Walang bawian yan mommy ha. Hindi na kayo magiging kontrabida palagi", masayang wika niya.
"Kontrabida?" Nanlalaking mata na wika nito. Hindi niya napaghandaan ang pag abot nito sa kanya at kinurot siya sa singit.
"Mommy!? Did you just pinch me?"
"That's what you get, calling me by names that I don't like",tatawang sabi nito habang papalabas ng kusina.
"Ugghh!"
______
"I don't have an idea why you guys keep insisting me this kind of s**t",naiinis na wika niya sa dalawang babaeng nasa harap niya. Pinipilit siya nang dalawa na magbakasyon kahit isang buwan lang sa Pilipinas. At eto siya ngayon naghahanda na ng mga gamit dahil mamayang gabi na ang kanyang flight.
"Your words Addy!" Malakas ang boses na saway ng kanyang ina. She just rolled her eyes.
"You know mommy that this is not necessary! Wala naman akong gagawin doon."
"Bond with your cousin",giit nito.
"With Thylane? She's so busy climbing into mountains and taking pictures of tarsiers in Bohol."
"At least, she know what she want",giit ng kanyang kapatid.
"Seriously ate, dapat sa akin ka kampi", nakasimangot na wika niya." Why I have this feeling na ayaw talaga ni mommy sa presensya ko?"
Sabay na lang na napatawa ang dalawa na ikinailing niya. Lagi na lang siyang napapagtulungan ng mga ito
"Who knows, when you get back, you already know what you want",anang ina.
"Mom! We already talked about it. You guys keep on thinking that I don't know what I want."
"Because you don't", napapailing na wika ng kapatid.
"Fine",sumusukong wika niya. "But I'll make sure, nothing will change."
______
Naisipan niyang dumaan muna sa Starbucks para magkape. Kikitain niya ang pinsang si Thylane para yayain itong mag adventure. Sigurado siyang hindi ito tatanggi dahil hilig din nito ang magliwaliw. Hindi na niya sinabi iyon sa tawag para bisitahin na rin ang tiyahin.
Habang naghihintay ng kanyang order ay inikot niya ang tingin sa paligid. Saglit na kumunot ang kanyang noo nang mapagsino ang babaeng nakaupo sa kanyang unahan. Hindi siya nito napapansin dahil nakatuon ang pansin nito sa kausap na noo'y nakatalikod sa kanya.
"Toffee?" Tawag niya sa pansin ng babae. Kaklase niya ito ngunit hindi sila close. Bagamat magkatabi sila palagi sa upuan ay hindi niya ito naging kaibigan noon dahil wala siyang time sa ibang tao. Masyadong nakafocus ang kanyang atensyon sa iisang tao lang.
Stop thinking about him!
"Addy? Ikaw nga ba yan?" Kumaway siya dito. Inaya siya nitong lumipat sa upuan ng mga ito na agad naman niyang pinaunlakan.
Nabitin sa ere ang kanyang pang upo nang mapagsino kung sino ang kasama nito sa mesa.
"Hey little miss, it's been a long time",sabay ngiti sa kanya nang simpatiko. Saglit na tumigil sa pagtibok ang kanyang puso nang masilayan ang ngiti nito.
Hindi dapat nito mahalata na apektado siya sa presensya nito.
"You two knew each other?" Palipat-lipat ang tingin ni Toffee sa kanilang dalawa.
"Hmm,quite", kiming sagot niya at kunwari'y ngumiti sa lalaki.
"Oh", tanging nasambit ng babae. Itinuon na lamang niya ang pansin dito. Natatakot siyang salubungin ang tingin ni Drake at baka ipagkanulo niya ang sarili. "By the way, you look gorgeous. Hindi binigyan ng hustisya ang mga pictures mo sa IG. Hiyang ka sa abroad."
Kimi lang siyang ngumiti.
"Not really."
"Tell me, you've met a blonde there?"
"Ahm, yeah! Of course", natatawang sagot niya. "Anyway baka nakakaistorbo na ako sa date ninyong dalawa. I got to go back in my table."
"Actually this is our first date",sabat ni Drake na ikinatigil niya.
Not into young women huh?
"Oh,good for you!" Masayang wika niya. Akala ba nito maglulupasay siya sa iyak? No thank you!
Pero ang sakit bes!
"How about you?" Ani Toffee. Were you dating? I mean hot like Drake?"
"Oh,you mean like him?" Nakangiting saad niya. Abot tenga ang kanyang ngiti para lamang magmukhang masaya sa harap ng dalawa.
"Uhuh?"
"No. I'm not into oldies." Saka tiningnan ang counter kung tapos na ba ang kanyang order at nang makaalis na. Ngunit nananadya yata ang sitwasyon dahil hindi sumasang-ayon sa nais niya.
"I have no idea",nakangising sabat ng lalaki na ikinabura nang plastic na ngiti niya. Ngali-ngali niyang abutin ang mukha nito at pagkakalmutin. Anong karapatan nitong paringgan siya?
Nang makitang numero ng order na niya ang nasa monitor, mabilis siyang tumayo. "People change, Mr Madrigal."
______
Drake
"If you could've seen your face Kuya", natatawang sabi ni Toffee. Pareho nilang sinusundan ng tingin ang dalagang nagmamadaling lumabas.
"What?" Nakasimangot na sabat niya.
"You look so disappointed when she said she's not into oldies",tukso nito. Napansin na niya ang babae kanina pagpasok na pagpasok nito. He just forced himself to ignore her. Dahil sa totoo lang nagulat siya sa naging itsura nito. She's not the little Addy he used to know. Tama nga si Toffee, mukhang hiyang ito sa abroad. Ilang buwan lang ba itong nawala at naging ganoon na ito kaganda?
Her figure changed too.
"I am not", seryosong saad niya. "And stop that smile. It's not funny. I don't even like her."
"Okay if you say so",hindi kumbinsidong wika nito. Naroon pa rin ang panunukso sa mga mata nito. " I wonder if how many men she've dated. She's never into men when she's here. I forgot to ask if she's still pursuing psychology."
"She stopped", mabilis na sagot niya na pinagsisihan niya. Gusto niyang batukan ang sarili dahil nadulas ang kanyang bibig.
"So you're updated in her life, don't you?"
"Finish your coffee and we'll get going. And stop being nosy."
Tinapunan niya ulit ng huling tingin ang babaeng nasa labas na. Hindi sinasadyang napatuon ang kanyang tingin sa balakang nito.
Nice ass!