Reese made sure na nakaayos na ang Mama at Papa niya before she went out from the bathroom. Nakasimangot siya na hinarap ang kanyang ama.
“This is not our house Papa! Hindi ka na naawa kay Mama. Lagi na lang s’yang pagod!” Pinakita niya talaga ang disappointment niya sa kanyang ama. Lumabas na siya ng kanilang silid at naroon na ang kanyang “boyfriend” na nag-aabang sa harap ng pinto.
“Good morning Baby Wife.” Lumapit si Roan sa kanya at kaagad na hinalikan siya sa pisngi. Kaagad niya itong tinulak.
“Ano ba ang aga-aga nanghahalik ka!” Iritable na saad ng dalaga kay Roan.
“Why, it's your birthday present for me, Baby Wife.” Niyapos niya ang at muling hinalikan ang pisngi. Kaya, tumulis talaga ang nguso nito. Tiningnan niya ito ng masakit at natawa ang binata sa kanya. “You really look so cute!”
Kumawala si Reese sa yakap nito at nauna na naglakad pababa ng hagdan. Narinig niya ang mga yabag ng mga paa ng binata na sumusunod sa kanya. Umagapay siya sa dalaga at muling nagsalita.
“Baby Wife, come. May ibibigay ako sa’yo.” Inakay siya ni Roan at wala siyang nagawa kundi sumunod sa binata. Pumunta sila sa silid nito. Gray ang dominanteng kulay ng silid ni Roan. Narinig niya nang isara nito ang pinto ng silid pero hindi naman niya iyon ni-lock. I’m safe, bulong ng isip ng dalaga . She knows that he will not do anything para masira ang tiwala niya rito. He is constantly reminded by his parents, kaya panatag ang loob ng dalaga na igagalang siya nito.
May isang malaking kahon na naroon sa taas ng kanyang kama at isa pang mas maliit na kahon sa katabi nito.
“Please open the boxes. These are my gifts to you.” Nginitian siya ng matamis ni Roan and she swear her heart is beating like she is palpitating.
Lumapit siya sa mga kahon at inuna niyang buksan ang malaking box. Hinawakan niya ang color moss green na gown na naroon. She is not a fan of gowns but it captivated her attention. Hinawakan niya iyon at bahagyang nilayo sa kanyang katawan para mabistahan ang yari ng gown. It's a trumpet cut made of sheer fabric and laces. Floor length lang iyon at hindi plunging ang neckline. Sunod niyang binuksan ang katabing maliit na box na sapatos ang laman. Kakulay ng gown ang two-inch na peep toe sandals. She was beyond amazed. Sa tatak pa lang ng sapatos ay nalula siya. At nahulaan pa ni Roan ang shoe size niya.
“Pwede mo isukat ang gown baby wife,” ani Roan sa kanya.
“Can I ask a favor?” saad niya rito. Tumaas ang kilay ni Roan pero nakangiti pa rin. “Please drop the wife thingy. Baka mapagkamalan ka pa na pedophile kapag may makarinig na hindi familiar why you are calling me like that.”
“Okay, baby. Now, isukat mo na dyan sa bathroom. hihintayin kita. We need to make sure kung saan banda ang kailangan ng adjustment.” Marahang itinulak siya ni Roan to the bathroom he is pertaining. Pumasok si Reese doon at hinubad ang kanyang romper. May padding naman ang gown kaya pati bra niya ay hinubad na rin.
She is amazed by how the gown fits her well. Nasa gilid ang zipper kaya hindi na niya kailangan tawagin si Roan para isara ‘yon. Lumabas siya ng bathroom and she will let him judge kung bagay ba sa kanya ang gown. Napaawang ang labi ni Roan when he saw her coming out from the bathroom wearing the gown he wanted me to fit.
“Baby wife, bagay na bagay sa’yo.” May dinukot si Roan sa bulsa ng kanyang cargo shorts. It's a box and when he opened it, she saw a pair of diamond earrings! Lumapit siya sa dalaga at siya na mismo ang naglagay ng mamahaling alahas na iyon sa tenga ni Reese. “There, it looks perfect on you. Napasinghap ang dalaga nang maglapat ang kanilang mga labi.
Kaagad na tinakpan ni Reese ang labi at tinaliman ng tingin ang binata. “Aba! Nakakarami ka na sa akin Romano Antonio Vergara!”
“Ouch Baby, huwag mo buuin ang name ko, ” natatawang saad nito sa dalaga . Ginulo nito ang buhok niya atsaka hinalikan ulit siya sa pisngi. “I made a promise to your great grandfather that I will respect you. Bilang isang Vergara kailangan ko iyong tuparin. A Vergara man has his word of honor,” sabi nito kay Reese.
She is somehow relieved that she will not be taken advantage of. Bata pa siya at hindi na masama kung for the meantime ay pakisamahan niya ng maayos si Roan.
Bumalik siya sa banyo at sinuot muli ang kanyang romper. Lumabas siya na tangan ang gown sa kamay. Ibinalik niya iyon sa box na kaagad na pinulot ni Roan. Hinubad niya na rin muna ang diamond earrings at baka maiwala niya. Ibinalik niya iyon sa kahon at inabot kay Roan. “Keep it first, I might lose it somewhere.”
“The party will start at seven in the evening. But, let's have breakfast first.”
Niyakag siya ni Roan bumaba na at dumaan sa guest room kung saan daw sila aayusin later. Doon na niya nilagay ang gown at sapatos.
Sa garden kami nagtungo at may nakahanda ng breakfast for two. Si Roan na mismo ang nagsandok ng pagkain for her. Garlic fried rice, beef tapa, sunny eggs at kape ang nakahain. May fresh pineapple slices din sa gilid na nakalagay sa isang serving plate.
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang dumating ang kakambal ni Roan na si Olive. Maldita talaga ang tingin niya rito. The way she surveyed hee appearance ay talaga namang nakakababa ng pagkatao. It is like as if she is tasting some nasty food in her mouth.
“Kuya, my friends Kelly and Shine will be coming over. Dito na rin sila aayusan.” Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Olive but she doesn't mind. Hindi siya sanay makipagplastikan sa mga taong ayaw sa kanya kahit wala naman siyang ginawa sa kanila. Nagpatuloy siyang kumain at hinayaan ang magkapatid na mag-usap. Umalis kaagad si Olive matapos nitong kausapin ang kapatid.
Nang makalayo na si Olive, she voiced her concern. “Your twin sister doesn't like me, it's so obvious.”
“I don't care as long as I like you. You will be my wife in three years time. I am certain about that.” Tinapos na ni Roan ang almusal at kumuha siya ng ilang pineapple slices. Isinubo niya sa dalaga ‘yon and even if she refuse ay pinagpipilitan nitong kainin niya ito.
Namilog ang kanyang mga mata nang malasahan ang tamis ng prutas. Salitan na sumusubo ng pinya si Roan at siya na rin ang sumusubo sa akin using only the same fork. Kinilig naman siya pero hindi na nagpahalata syempre. It is as if they are kissing.
Matapos silang mag-almusal, dumating na ang mga magde-decorate ng bakuran ng mga Vergara. Roan invited her na pumunta muna sa sila sa sapa. Pumayag siya since hindi ko nabistahan ng maigi kagabi ang buong sapa. Na-distract kasi siya sa ninakaw nitong first kiss niya kaya ganoon.
Indeed, napakaganda nga ng sapa. Malinaw ang tubig doon, kaya naisipan niyang maligo ulit. Mamaya pa naman ang party. Hinubad na niya ang kanyang sandals at romper. Leaving only her sports bra and boyleg. May bato roon at doon ko iniwan ang kanyang romper at sandals.
“Baby, what are you doing?” tanong ni Roan sa kanya. Nakita niya kung paano nito pagmasdan ang katawan niya. Hindi naman siguro siya nito babastusin since hindi naman nakaluwa ang mga dibdib niyang katamtaman lang ang sukat. Napalunok siya at nilapitan ang dalaga . “Baka may mga dumating na tauhan at makita ka na ganyan!” May halong concern ang boses ni Roan.
“Let’s take a bath together then.” Walang nagawa ang binata nang hinubad niya ang polo nito. Napaawang ang kanyang labi nang masilayan ang maganda katawan ng binata. Roan is lean and tall. Hindi katulad ng amang si Roman na buff ang katawan. Hinawakan niya ang kamay ni Roan at hinila papunta sa sapa.
Katulad ng inaasahan niya malamig ang tubig sa sapa. Kagaya din ng munting sapa na malapit sa bahay nina Lolo Leon.
“I like it here, ”anang dalaga.
“Will you be happy if you live here when I marry you in the future?” tanong ni Roan sa kanya.
Natigilan siya sa tanong nito. Hindi kaagad siya nakasagot dahil malayo pa naman iyon. Pinag-isipan ni Reese ang sasabihin. She don't want to hurt his feelings and end up regretting it later.
“It’s too early to tell. Bata pa naman ako eh. Let's enjoy our company first. Malay mo makakakita ka pa ng babaeng mas babagay sa’yo. Iyong unang tingin mo pa lang ay kayang patibukin ang puso mo,” sabi niya sa binata.
“But, I already found you. Hindi naman masusukat sa t***k ng puso na masasabi mong siya na talaga ang para sa iyo. Sometimes, it's the calmest feeling when you see that someone special is the most reliable indication. Please, don't push me away, Baby Wife.” Niyapos siya ni Roan and he gave her that gentle kiss on her cheeks and forehead.
Hindi nila namalayan na may dumating pala na babae. May dala itong batya na may lamang labahin. Maganda ito na parang bida sa panghapon na Mexican drama. Nakita niya kung paano niya titigan ng matalim si Reese. She knows that kind of look. Iyong tipong nagseselos sa babae na kaagaw niya sa nagugustuhang lalaki. Kaya, niyakap niya si Roan sa kanyang baywang at hinalikan ang pisngi nito.
“Nandito pala kayo, Senyorito Roan,” kunwari ay kiming saad ng babae. Para itong maamong tupa sa harap ni Roan.
“Oo Daria, gusto kasing maligo ng aking nobya dito sa sapa kaya sinamahan ko. Pumunta kayong lahat mamayang gabi sa party namin ng kapatid ko. Pilitin mo ang Tatay Emil mo ha,” ani Roan dito.
“H-ho? Nobya mo pala s’ya.” Halata ang pagkadismaya ng babae sa mukha nito.