HWTMH4: Party prep

1759 Words
Tumaas talaga ang kilay ni Reese sa babaeng nautal dahil lang sinabi ni Roan na siya ang nobya nito. Obvious naman na may gusto siya sa binata. But, kailangan ba talagang ipamukha sa kanya ang disgusto nito? Tiningnan niyang muli ito from head to toe. Maganda nga s’ya, sexy, at Pinay na pinay ang dating pero tama ba na ganoon siya nitong tingnan? “Baby, maligo ka na kaagad at magdamit na. Kailangan pa natin i-check ang set up sa party.” Giniya siya ni Roan doon sa medyo malalim. Tiningnan niya si Daria na mas dumilim ang mukha na nakatingin sa kanila. Sige lang, magalit kang bruha ka! Nginitian ni Reese ito ng alanganin at ikinawit ang kanyang braso sa baywang ni Roan. “Baby, let's go. Linisin mo ang likod ko ha. Pati ang binti ko hiluran mo,” sabi niya kay Roan. Napangiti ito sa dalaga . Mas nilapit niya ang katawan kay Roan at tiningnan si Daria. Ganyan nga! Mamatay ka sa selos! Nang mag-umpisa ng hilurin ni Roan ang likod niya, nag-umpisa na rin ng paglalaba si Daria. Dinig ni Reese kung paano nito hatawin ng palo-palo ang kawawang tuwalya na pinabalingan nito ng galit. Sige, ganyan at nang mawala ang selos mo na dakilang palaka! “Ay, ano ba yan, baby? Nakakakiliti!” Nilandian ni Reese ang pagkakasabi nito sa binata. Napangiti si Roan na ngayon ay abalang naghihilod ng kanyang binti. Mas malakas na ang tunog ng pagpalo ni Daria sa nilalabhang tuwalya. Kaawa-awang tuwalya, pinagdiskitahan ng baliw na may-ari. Nagbanlaw na si Reese at siya na rin ang naghilod sa likod ni Roan. Gusto niyang talagang batukan ang sarili sa pang-iinis kay Daria. Ngayon, kita niya kung nakatingin ito sa kanila na parang asong naglalaway kay Roan. Pakunwari siyang napasubsob sa likod ni Roan at niyakap ito. “Sorry baby,” sabi nito sa binata . Namilog ang kanyang mata ng humarap ito sa kanya at kinintalan siya ng mabilis na halik sa labi. “Ay, nanghahalik ka naman eh. May tao sa paligid.” Pino niyang kinurot ang matigas na abs ni Roan na siyang dahilan para muli siya niyong halikan sa pisngi at yakapin. “Halika na, baby. Magbihis na tayo at umuwi.” Inakay na siya ni Roan at tinungo nila ang bato kung saan naiwan ang kanilang mga damit. Si Roan pa ang nagpasuot ng kanyang romper at dinig niya nang sinabi ni Daria. “Hmp! ang landi!” asik ni Daria. Nais palakpakan ni Reese ang sarili sa pang-iinis sa babaeng akala yata ay papatulan siya ni Roan. At dahil si Roan ang nagsuot sa kanya ng romper, siya na rin ang nagpasuot sa polo ng binata. Umalis sila sa sapa at naglakad na pauwi. Sa daan, inurirat niya si Roan tungkol kay Daria. “May relasyon ba kayo ng babaeng iyon Roan?” tanong ni Reese sa nobyo. “Wala, pero may gusto sa akin yon,” sabi nito sa kanya. “Baka mamaya, tikman mo rin s’ya?” saad niya sa binata. Bumagal ang lakad ni Roan at hinarap siya. “Of course not, baby. Ikaw na ang magiging asawa ko after three years, bakit ko sisirain ang tiwala mo?” Nakikita niya kung paano lumambot ang ekspresyon ng mata ni Roan. Kinilig siya. Deserve niya ba mahalin ng isang Roan Vergara? Nagpatuloy sila sa paglalakad at naabutan nila ang abalang pagde-design ng gagawing party mamayang gabi. Pumasok sila at doon ay nakasalubong ang Mama Eliza ni Roan. Pareho silang nagmano sa ginang at nagpaalam na saglit na aakyat. Pumasok si Reese sa kwarto na tinuluyan nila. Wala na roon ang mga magulang niya. Malamang ay naglibot na sila sa Rancho kasama ang Dalawa niyang kapatid. Naligo ulit siya sa banyo at nagbihis na rin. Leggings at baby t-shirt ang suot niya. Sanay siya sa ganoong outfit at mas komportbale. Sabi nga ng ina sa kanya, boyish din daw ito noon kaya hindi na s’ya nagtaka kung bakit siya ganito manamit. Paglabas niya ng kwarto, nakasalubong niya ang malditang si Olive. Buhay nga naman! Bakit ang daming galit sa akin? Hindi ko naman sila pinapakialaman. Siguro talagang galit lang sila sa mga magagandang katulad ko? Nginitian niya si Olive. Pero, ang impaktang kakambal ng “nobyo” niya ay inismiran lang siya. Tinaasan nya rin ito ng kilay. Magkasintangkad lang sila ni Olive pero masyado itong girly gumalaw. Hinayaan na lang niya ito at naglakad na patungo kay Roan na papalapit. “Kuya, ‘di ba nasabi ko sa’yo na pupunta sina Kelly at Shine? They might join us by lunchtime. And please, pakiharapan mo sila ng maayos especially, Kelly.” Tiningnan siyang muli ni Olive ng isang nakakainsultong paraan. Maldita talaga! Tingnan ko lang kung makaporma ang Kelly na ‘yan. Nginitian niya lang ito ng napakatamis. Biglang napawi ang tingin nitong na nanunuri sa kanya nang magsalita ang kakambal nito. “I told you not to give her false hope, Olive. Ikaw lang din ang magiging dahilan para masaktan ang kaibigan mo,” ani Roan. Binalingan siya ni Roan at minuwestra ang baso nito na humawak siya doon, at iyon ang kanyang ginawa. “Let’s go baby. Marami pa tayong aasikasuhin.” Inakbayan siya ni Roan at para mangalaiti ang kapatid nito, pumulupot ang braso niya sa baywang ng binata. Hinalikan si Reese sa tuktuk ng ulo ni Roan at napahagikgik siya. Dinig na dinig niya kung paano nagmura si Olive. Nagdiriwang ang kanyang kalooban pero napakunot ang kanyang noo. Kung magkakatuluyan nga sila ni Roan ang dami niya namang kaagaw. She mean, ang dami namang pinagpapantasyahan ang kanyang nobyo! “Baby, ang gwapo mo naman! Ang dami ko palang kaagaw sa‘yo,” nakasimangot na sabi niya rito. “Ikaw ang pinili ko baby. Wala silang lugar sa puso ko. Nakatakda na ang ating kapalaran. At tutupad ako sa pangako ko. I will marry you on your eighteenth birthday. Mapanatag ka na, please.” Kinilig naman siya sa sinabi ni Roan. Napatigil siya . Wait. Paano na ang pangarap niya? Matutupad pa rin ba iyon? ******* Dumating ang tanghali at ang mga kaibigan ni Olive ay dumating na. May mga bitbit silang mga nakabalot na gown. At kung maarte si Olive ay doble ang kaartehan ng dalawang kaibigan nito. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin kung paano siya tingnan ng mga ito. Lalo na ang babae na ang pangalan ay Kelly. Ang ganda nga naman nito. Pang-model ang beauty at sosyal pumorma. Pero, kahit ganoon siya kaganda isnab ang beauty nito kay Roan. Tanging tango lang ang sagot ng kanyang ‘baby’ na panay lingkis sa kanya. Hindi na ito nahiya at halos samyuin pa ang kanyang leeg sa harapan ng tatlo. Gusto niya na lang tumawa nang nakita ko paanong napaismid at tumirik ang mata ng tatlo sa pagiging clingy ni Roan sa kanya. Naroon na silang lahat sa hapag-kainan.Wala pa rin ang kanyang Lolo Augustus. Hahabol na lang daw mamayang hapon at masyadong naaliw sa goat farm ng abuelo ni Roan. Tiningnan niya kung paano kumain ang mga bisita ni Olive. Natawa siya nang napangiwi si Shine sa kinakain na laman-loob ng baka. Ang arte mukha namang patatas! sigaw ng utak ni Reese. Ang kanyang ‘nobyo’ ay panay lagay ng ulam sa pinggan niya. Ang kanyang mga magulang ay abalang nakikipag-usap sa mag-asawang Vergara. Ang mga kapatid niyang lalaki ay behave. Tahimik silang kumakain bilang mga pinakabata sa grupo. Napakamaasikaso ni Roan sa dalaga . Ni hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang mga bisita ng kapatid. Para sa rito, siya lang yata ang nakikita nito. Natapos ang pananghalian sa ganoon na sistema. Sandali silang naglakad ni Roan sa garden kung saan kasalukuyan ding lunchbreak ng mga nag-decorate. Nagset-up ng isang ministage sa bandang may mga potted plants ang mga taga-decorate. Ilang sandali pa ay dumating na ang isang team ng mga beautician: may hairdresser, makeup artist, at isang stylist. “OMG! Ang pretty mo naman!” saad ng isang bakla na lumapit kay Reese. Tumikwas ang kilay nito at sinundot ang baywang ni Roan. “Papa Roan! cradle snatcher ka!” Humalaklak ito at tiningnan ang kanyang mga kasamahan. “Tsk, tsk, tsk. Of course not, three years na lang magiging Mrs. Romano Antonio Vergara na ang baby wife ko. Wala na siyang kawala sa akin.” Niyakap siya ni Roan at hinalikan sa pisngi. At tumulis ang nguso ko sa sinabi niya na iyon. “Mrs. Vergara, dapat ako ang magpapaganda sa wedding day ninyo ha?” Nagulat ako nang tumili siya. “Jonas, ang ingay mo!” reklamo ni Roan. “Kinikilig ako eh. Pero, payag ba magulang ng baby wife mo?” Tumaas baba ang kilay ni Jonas na ‘di pa rin masupil ang kilig sa kanyang mukha. “It was decided by our grandfather fifteen years ago. It's a done deal.” Proud na sagot ni Roan kay Jonas na hindi pa rin humuhupa ang kilig. “You are one lucky girl. Sa haba ng kargada ni Papa Roan, kapantay nya ang isang mola!” Kinagat pa ni Jonas ang labi niya na nakatingin sa dalaga. And she wasn't born yesterday! Alam niya ang tinutukoy ni Jonas. Namula ang kanyang pisngi. She knows that Roan is well-endowed. Halata naman iyon sa bukol ng kanyang crouch. Lalo na kapag nagsusuot ng medyo hapit na salawal. Sumapit ang alas tres, inumpisahan na silang ayusan. Pwede naman sanang simpleng makeup lang. Pero, hindi pumayag si Roan. Sabi nga niya rito, dapat i-priority si Olive since birthday rin naman nito. Roan insisted at imbes na doon sa guestroom siya ayusan ay sa kwarto ni Roan na lang. Si Jonas ang nag-makeup at hairstyle sa kanya. “Ayy! Ang ganda-ganda talaga ng mapapangasawa mo Papa Roan!” ani Jonas. Nagulat siya sa tiling iyon. Maski si Reese ay nagulat sa naging itsura nang mabistahan sa vanity mirror. Mas naging kamukha niya na talaga ang kanyang Mama Kyoko dahil sa make up. Ang lagpas balikat niyang buhok ay hinayaan lang na nakalugay pero may isang braid na nasa ibabaw ng kanyang noo. Manipis lang ang aking makeup na bumagay sa kanyang edad. Nang sinuot ko na ang kanyang gown, napasinghap si Roan. Ngumiti ito sa kanya at nilapitan siya para lamang mabilis na kintalan ng halik ang kanyang labi. Tinakpan niya ang kanyang labi gamit ang palad at umiling siya. “It’s okay Mrs. Vergara, smudge-proof po ang lipstick ninyo,” singit ni Jonas. At dahil sa narinig, walang babalang siniil siya ng halik ni Roan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD