HWTMH5: Dance

1541 Words
Nagulat si Reese sa ginawa ni Roan. Kaya, napapapikit na lang siya at ninamnam ang sarap ng halik nito. “Ayyyyyy!” tili ni Jonas na masyadong kinilig sa ginawa ni Roan sa dalaga. Kaya, marahan na tinapik niya ang balikat ni Roan. Kumawala ang binata sa halik at marahang pinahid ng daliri nito ang kanyang mga labi. Tiningnan ni Roan ng masama si Jonas. Habang siya ay amused sa dalawa na nakatingin. Niyaya ng dalaga si Roan na lumabas sa silid n’ya. Kaya, lumabas na rin si Jonas at nagpaalam na tutulungan ang ibang kasamahan sa guestroom. Sakto naman na nakasalubong nila ang Mama Eliza ni Roan. Suot nito ang Burgundy mermaid gown at simple lang ang make up nito. Hindi halatang malapit na sa edad na singkwenta kundi nasa early forties lang. “Magbihis ka na kasi Roan,” anito kay Roan. “Yes, Mama. Pinauna ko lang si Reese.” Binalingan siya ni Roan. “Baby, wait for me here. Sabay na tayo bumaba mamaya.” “No. Sasamahan na kita. Kailangan may mag-ayos ng cufflinks at kurbata mo,” sabi ni Reese. Tiningnan sila ng Mama ni Roan at tumaas ang kilay nito sa anak. Naintindihan naman niya ang worries nila na baka may gawin silang labag sa pamantayan nila lalo at menor de edad pa siya. “Tita, don't worry po. Gentleman ang anak ninyo at alam namin ang limitations namin,” sabi ni Reese. Tumango si Tita Eliza at bumaba na rin. Hinila niya ang braso ni Roan at bumalik na sa kwarto nito. Ayaw niya pa rin nito gumalaw kaya, ang ginawa niya, tinulak niya ang puwetan nito. Napakagat siya sa labi nang maramdaman na maumbok pala iyon. “Baby, ikaw kaya pumili ng isusuot ko na kurbata at wristwatch,” ani Roan sa kanya. Minuwestra nito ang kanyang kamay at lumapit si Reese dito. Giniya niya ito sa isang pinto at doon niya nabistahan ang kanyang walk-in closet. Samut-saring mga damit, sapatos, sinturon, kurbata, at mga coat na nakabalot pa ng mga transparent na cellophane. Nalula siya sa presyo ng mga damit nito. Lalo na nang makita niya ang mga mamahaling wristwatch na nakalatag sa isang lagayan na salamin. “Baby, may napili ka na ba?” ani Roan. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Medyo kinabahan siya nang maramdaman ang matigas na bagay sa kanyang likuran. Napalunok siya lalo na nang humigpit lalo ang yakap nito at kinintalan ng banayad na halik ang kanyang balikat. Napapikit siya at napaigtad ng mahina. Para kasing may mahinang daloy ng kuryente ang lumatay sa buo niyang katawan. “Iyon na suotin mong damit kung anong nakahanda. Ako na pipili sa bagay na wristwatch at kurbata,” sabi ng dalaga. Hinawakan niya ang mga kamay nito at kumawala sa yakap. “You should not be so clingy to me, and end up with a boner. OMG, Vergara! Don't torture yourself!” Inismiran niya ang binata at umalis na sa walk in closet. His laugh echoed in the walk-in closet. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Sumasal ang pintig ng kanyang puso, that she needs to deeply breath para bumalik ito sa normal. She is young and raging with hormones. If she were a regular teenager, she would have offered herself to him. But, she will not do such a thing because she don't want to end up regretting impulsive decisions. She doesnt want to disappoint her parents. Three years is way too long. In that span of time, she thinks he will still have his share of affairs with other girls or women. That's fine with her, basta ba he will discreetly do it. “What do you think Baby? Bagay ba sa akin? You can now choose the accessories and the shoes for me,” untag ni Roan sa dalaga. He extended his arms as if inviting her to come with him. Tumayo siya at lumapit rito. Tumulis ang kanyang nguso bago nagsalita. “Labas ka muna d’yan, ako na maghahanap at palagi mo lang ako tsinatsingan eh!” asik ng dalaga. “Naku, kung hindi lang talaga kita mahal, baby!” ani Roan. Lumabas na siya at prenteng naupo sa isang sofa sa gilid. Suot ni Roan ang three-piece suit na kulay gray. Napansin ng dalaga na mahilig ito magsuot ng ganoong kulay na bumabagay naman sa abuhin na kulay ng kanyang mata na namana niya sa kanyang ama. Namili na siya ng kanyang wristwatch at ang napili ay isang Rolex Submariner Date 16610, isang pares ng cufflinks, at isang pares ng Silvano Sassetti black leather lace up shoes. Simple ngunit naghuhumiyaw sa karangyaan ang gayak ng isang Romano Antonio Vergara. “Here, wear these.” Inabot ni Reese sa kanya ang pares ng sapatos at nang matapos niyang suotin iyon, inalalayan niya itong ilagay ang cufflinks. Sinipat niya ang kabuuan nito at napansin na tabingi ang gray pin-striped necktie nito. Inayos niya iyon at yumuko pa ito ng konti. Mabilis siya nitong hinalikan sa pisngi na siyang kinakunot ng noo niya. “Nasasanay ka na yata sa panghahalik, Vergara,” biro ni Reese. “Why I can't help but kiss you. My wife-to-be is so gorgeous tonight," Ana's ni Roan. “Bolero!” sikmat ng dalaga sa kanya. And he laughed. Lumapit na siya rito at kumapit na sa braso nito. Sabay silang lumabas at tinungo ang party venue sa hardin nila. Sakto lang naman ang dating nila. Naroon sa isang me sa ang kanyang mga magulang, kasama ng mga kapatid. Namataan na niya ang kanyang Lolo Augustus na may kausap na matandang lalaki sa table ng mga Vergara. Lumapit muna siya sa mga magulang at bumati. Maging sila ay nakagayak din. Natuwa siya at mukhang magkapatid lang sila tingnan ng kanyang ina. As usual, her Papa is handsome himself. May ilang bisita siyang nakita na nakatingin rito. But, as always, his eyes are always with her mom. May nakatingin din kasing mga bisita kanyang ina. She is a stand out for being petite and with her Japanese beauty. “Happy Birthday, Hijo!” bati ni Kyoko kay Roan. May inabot ang ginang na naka-box na regalo. “For you, Hijo. Pagpasensyahan mo na ha?” ani Kyoko. “Okay lang po, Mama. Can I call you like that?” tanong ni Roan. Sumabat si Papa. “Sure, para saan pa at malapit na kitang maging manugang. Call me Papa, hijo,” ani Rafael. Sa sinabing iyon ni Rafael, napakalaki ng naging ngiti sa labi ni Roan nang tingnan niya si Reese. Of course, nginitian niya. Takot niya lang sa kanyang Mama. Lumipat sila sa table ng mga Vergara. Nagmano si Reese sa kanyang Lolo Augustus at pinakilala siya ni Roan sa abuelo nito. S’yempre pa ay nagbigay galang ang dalaga. Nagmano siya sa abuelo ni Roan. “Ang ganda mo Hija. Kaya pala atat itong apo ko na ipakilala ka sa akin. Kahit noong maliit pa siya ay ikaw ang kanyang bukambibig sa akin sa tuwing dadalawin niya ako sa aking munting goat farm,” anito sa dalaga. Nag-umpisa ang party eksaktong alas siete ng gabi. Naroon ang mga bigating tao sa mundo ng pagnenegosyo. Sikat ang mga Vergara sa larangan ng cattle farming at horse breeding kaya, halos lahat ng karatig rancho ay imbitado. Naroon din naman ang mga tauhan na nakagayak ng mga simpleng kasuotan. Halo ang mga tao. Walang mahirap at mayaman. Kaya, natuwa si Reese. Kahit naman kasi hindi niya pinangarap na makialam sa Hacienda Esmeralda ay nakikihalubilo naman siya sa mga tauhan. Nauna na ang kainan bago pa magsisimula ang isang munting program ayon na rin sa isang event host. Punong abala si Roan sa pag-aasikaso sa dalaga at minsan ay sinusubuan pa siya. Kahit anong saway niya sa binat ay ayaw magpaawat. Nakita niya kung paano nangagalaiting nakatingin sa kanila si Kelly at Daria. Kaya, pinagbutihan niya pa ang pang-aasar sa dalawa. Matapos ang kainan ay nag-umpisa na ang isang maikling programa. Syempre pa naroon ang mga Vergara sa mini stage. Si Olive at Eliza ay magandang tingnan sa kani-kanilang gown. Burgundy ang kulay na suot ng ina samantalang olive green naman sa anak. Si Roman ay kaparehong gray ang suot nilang mag-ama. Larawan ng isang perpektong pamilya sila kung maituturing. Nang ihipan ng kambal na Vergara ang kanilang matayog na four-tier cake ay palakpakan ang lahat. Pumainlang ang isang tugtugin na pang-waltz. Syempre pa ay nagsayaw ang mag-anak. Si Roan at ang ina, at si Olive at ang ama. Nang matapos ang kanilang sayaw ay lumapit ang host kay Roan at binigay sa binata ang mic. Lumapit ito sa kanya at nagsalita. “Ladies and gentlemen, I would like you to witness our first dance together with my fiancee, Reese Cervantes.” Inabot nito pabalik sa event host ang mic at minuwestra ang kanyang kamay sa dlaga. Tiningnan niya muna si Mama at Papa. Tumango naman sila sa kanya. Kaya, inabot niya ang kamay ni Roan at inakay siya papunta sa gitna. Lahat ay nakatingin sa kanilang dalawa. Lalo na ang mga dalaga na halatang may gusto kay Roan. Si Daria at si Kelly ay parang patalim ang tingin sa kanya. Si Olive naman ay hindi makaporma dahil naroon ang mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD