Pumalakpak ang mga naroon. Narinig pa nila ang isang kaibigan ni Roan na sumigaw ng 'congratulations'!
Gusto na lang ni Reese na lamunin na lang ng lupa sa hiya sa naging announcement ni Roan sa kanilang relasyon. Hindi pa niya ito sinasagot and yet he declared she is his fiancee! Ni hindi nga siya niligawan ng binata. Kahit naman boyish siya, gusto rin naman sana niyang magpaligaw! Pero, it’s too late!
Tiningnan muna niya ang mga magulang kung galit ba sa naging deklarasyon ni Roan. But, to her disappointment ay napakalaki ng ngiti ng mga ito. Lalo, na si Rafael na parang nakatungtung sa alapapaap. Isa ito sa pinakamalakas ang naging palakpak sa crowd.
“Baby,” ani Roan habang inalay ang kamay niya para kanyang tanggapin. Binulungan niya ang dalaga nang nakatayo na ito. “Relax, ako ang bahala sa iyo.”
Narinig niya na napasinghap ang mga tao sa pagiging clingy ng kanyang “fiance”. Nakita niya sa kanyang peripheral vision ang mga kapatid na lalaki na tumirik ang mata. Itong dalawang kurimaw na ito! Humanda talaga kayo sa akin pag-uwi sa Davao! inis na sigaw ng isip ni Reese. Gusto niya silang batukan pero maraming tao kaya ‘tsaka na lang muna.
Parang sila lang ang naroon ni Roan. Bingi siya sa ingay ng paligid at tanging ang saliw lang ng musika ang naririnig niya at ng nobyo. Mahigpit ang hawak nito sa katawan niya at siya ay tila piniit nito sa kanyang yakap. Naamoy ni Reese ang mabining halimuyak ng pabango ni Roan na humahalo sa amoy ng alak sa bibig nito tuwing binubulungan siya ng mga matatamis na salita.
Hindi maiwasan ng dalaga na kiligin sa sandaling iyon. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamagandang babae sa buong gabi sa bisig ng nobyo. Tumingala siya at nakita kung paano kumislap na tila bituin ang mga abuhing mata ni Roan. Sumasal ang t***k ng kanyang puso. And just when she almost drowned herself from so much emotion, the music stopped. Babalik na sana siya sa kanyang upuan nang may lumapit na waiter at may dalang upuan. Giniya siya ni Roan para maupo. Meron din nagdala ng acoustic guitar sa binata.
Lumapit ito sa mic stand at nagsalita. “This song is dedicated to my girlfriend, to my future wife. Baby, this is for you.”
Hiyawan ang mga tao at narinig niya pa si Jonas na napatili sa sobrang kilig. Gusto niyang matunaw na parang mantikilya sa ilalim ng araw sa sobrang kahihiyan. Pakiramdam niya talaga ay nagkulay kamatis ang buong katawan at nag-init ang kanyang pisngi.
“Oh my god, she is blushing!” Narinig niya na sabi ng isang babae na naka-gown at parang christmas tree sa dami ng alahas na nakasabit sa katawan. Muntik pa siyang matawa dahil para itong naglalakad na pawnshop na nagkatawang tao.
“Want you to know, I’m a man. Say the words and I’ll say it again. Want you to know, I’m a man you can depend upon.”
Hindi maiwasan ni Reese na ngumiti ng napakatamis. Paano ba naman at napakalamyos ng boses ni Roan na kuhang-kuha ang istilo ng kumanta ng awitin. Isa sa mga paborito niya ang mga kantang iyon na madalas na kinakanta ng kanyang Papa sa ina.
Natapos ang tugtugin na halos nakikanta na rin ang mga bisita. Palakpakan ang mga naroon lalo na nang lumapit si Roan sa kanya at halikan ang kanyang mga kamay.
Niyakap ni Roan si Reese at may binulong ito. “Nagustuhan mo ba ang kanta ko, Baby?”
May dinukot si Roan sa kanyang bulsa at palihim na sinuot sa kanyang daliri. Binulungan niya ako. “This is my promise that I will patiently wait for you until the day I will marry you.”
Napaawang ang mga labi ni Reese at walang mahagilap na sasabihin. She is lost for words na gustong sabihin sa nobyo. Tumango ito at muli siyang hinagkan sa pisngi ni Roan. Naroon sina Olive at Kelly na halos magbuhol ang mga kilay paglingon ni Reese. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay at napangiti si Reese . Kitang-kita niya kung paano hawakan ni Olive si Kelly at pigilan na puntahan siya.
Para siyang kinikiliti sa kanyang nakikita. Ang sarap talaga mang-asar ng mga pikon! iyon ang napagtanto ni Reese.
Sinupil niya ang sarili na hindi matawa lalo at nasa kanyang tabi si Roan.
Biglang nag-iba ang tugtugin. Mga ballroom dance at unang sinalang ang lambada. Napangiti si Reese nang makita niya kung paano inaya ng kanyang Papa ang kanyang ina sa dance floor. The crowd is pleased somehow. Ilan sa mga bisitang may edad na ay pumagitna sa dancefloor.
HEer parents danced gracefully despite their age. Back in the days, she used to hear her Papa telling her how he was enraged when he saw her Mama dancing with her Tito Terence for the Trade Fair. Hindi pa raw sila magnobyo noon at naiinis ang kanyang Papa dahil nakikita ang underwear ng kanyang Mama at ang mapuputi nitong hita.
Naramdaman ni Reese na pumulupot ang mga braso ni Roan sa kanyang baywang. Hinagkan nito ang kanyang ulo at may binulong ito.
“Baby, I want us to be sweet just like our parents when we are older.” Nginitian siya niyo ng matamis at muling niyakap ng mahigpit.
Halos alas dose na nang matapos ang party. Nahatid na halos sa garahe. Bigla nakaramdam ng tawag ng kalikasan si Reese kaya imbes na umakyat na kaagad, doon na sa restroom sa garahe siya nagtungo. Matiwasay siyang natapos umihi at nang palabas na ng restroom may narinig siya na pagtatalo.
Dahan-dahan siyang lumabas para hindi makalikha ng ingay.
“How dare you remind me of that stupid incident! Kalimutan mo na ang kahangalan ko noong kabataan ko!” anang babae. Hindi niya maaninag kung sino ang mga ito dahil medyo madilim.
“It was never a stupidity when you willingly offered yourself to me, Olive!” mariin na saad ng boses lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Reese mula sa kanyang pinagtataguan. Olive and her dirty little secret! Napailing si Reese sa nalaman. At may tinatago pala na baho ang kakambal ni Roan? Hmmmm, biglang nabuhay ang curiosity niya kaya sumilip siyang muli.
Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng maong at cowboy boots! Hindi niya pa rin maaninag pero dagling lumingon ito at dahil matangkad ay nabistahan niya ang anyo nito. Ang head ng horse breeding center pala, hindi niya matandaan ang pangalan nito pero sigurado siya sa itsura nito.
Umayos na si Reese ng tayo at tumikhim para malaman nila ang kanyang presensya . Patay-malisya siyang napadikit sa dingding.
“Aray!” reklamo niya kunwari pero ngani-ngani na siyang tumawa. Napalingon sila sa kanya at dagling binitawan ng lalaki ang braso ni Olive. Yumukod siya at iniwan na silang dalawa. Naglakad siya papasok sa kabahayan. Tahimik na at tanging ang mga tauhan ng event organizer ang naroon sa hardin at abalang nagtatanggal ng mga ginamit sa party.
“Baby, I’ve been looking for you!’ nag-aalalang turan ni Roan sa kanya. Niyakap nito si Reese at hinawi ang buhok na nasa noo niya.
“What a beautiful sight! Happy birthday, Romano Antonio Vergara!” anang bagong dating.
“Randell! At bakit late ka na naman! Magtatampo na talaga ako sa’yo!’ ani Roan sa bagong dating.
Tahimik lang si Reese at saglit siyang binitawan ni Roan para ipakilala dito.
“This is Reese Cervantes, ang magiging Mrs. Vergara in three years!” Proud na ipinakilala siya ni Roan sa kaibigan.
Nakita niyang parating si Olive na matalim pa rin ang tingin sa kanya. Gusto niya itong isumbong sa kapatid, but she held back. Hindi niya ugali ang pagiging sumbungera.
“Kuya, I will be going upstairs. Goodnight.” Tumalikod na si Olive matapos magpaalam sa kapatid as if Randell and her don’t exist. Nakita ni Reese kung paano tumiim ang bagang ni Randell.
“Baby, ihatid na kita sa room ng mga parents mo, I’m sure, inaantok ka na,” sabi ni Roan sa kanya. Iginiya na siya nito paakyat sa silid na tinutuluyan nila. Nang nasa tapat na sila ng silid ay muli niyang pinisil ang nitong mga kamay ng dalaga . “Thank you for this night, baby. I am so happy na sa wakas ay naipakilala na kita sa lahat bilang mapapangasawa ko. Good night and sweet dreams.”
And like what other couples do, he kissed her on the cheeks. He bid her goodnight again as if in a whisper and he entered his room on the farthest north wing of the house.
Pumasok na siya sa silid na tinutuluyan nila at nakahanda na para matulog ang kanyang Mama at Papa.
“So, what does being newly engaged feel like?” tanong ng ama.
Ikinibit niya lang ang kanyang balikat at pumasok na sa banyo. It’s a long tiring day lalo pa at maaga siyang nagising kanina. Naligo na siya using warm water at kaagad napawi ang pagod sa katawan. As she forgot to bring her nightwear, lumabas siya ng banyo. Only to be greeted by the sight of her Papa torridly kissing her Mama!
“Papa! Get a room!” inis niyang saad.
Humalakhak lang ang ama and went on hugging her Mama once more and kissed her on her lips.