Nalaman ni Reese ang istorya ng buhay ni Randell. Hindi niya inakala na behind that sweet disposition, was a painful past. At sinong matinong magulang ang papatayin ang sarili sa harap ng kanyang anak?
She felt grateful towards her parents. According to them, it was marriage for convenience. Her father used to snob her mom because he thought that she was way below his league. Engineer nga naman na ang Papa Rafael niya noon at ang Mama Kyoko naman niya ay isang simpleng Farm Manager lang ng Hacienda Esmeralda. But her Lolo Augustus had something in his mind and played cupid between the two.
At ngayon everytime na lumalapit ang Papa niya sa kanyang ina ay napapangiwi siya. At sinong mag-aakala na ang lalaking tumanggi itong pakasalan ay head over heels na sa babae na mukhang teenager pa rin despite being thirty six years old?
Kinabukasan, maaga silang nagising ni Roan and strolled the feedlot. Hindi pa man sumikit ang haring araw ay naroon na sila sa feedlot. Doon nasaksihan ni Reese ang buhay ng mga tauhan ng Rancho Vergara. May kanya-kanyang tokang trabaho ang bawat tauhan: may taga-lagay ng mga pagkain, may taga-awat ng mga bakang nag-aaway sa isang spot, at may nag-aalis ng mga dumi ng baka.
Nag-enjoy naman siya lalo at para siyang nag-field trip. She grew up strolling the coffee and cacao farm their family own but she didn’t expect she will enjoy the ranch tour. Panay alalay pa ni Roan sa kanya lalo at takot itong marumihan siya pero tinaasan lang niya ito ng kilay.
“Hey, I am not some random fragile girl. Lumaki ako sa Hacienda na nakabuntot sa mama at kakambal ko,” aik ni Reese.
“Ang cute talaga ng baby ko kapag nag-a-attitude!” Pinisil pa ni Roan ang pisngi ng nobya na siyang dahilan para kumunot ang noo ni Reese.
“Ouch! Ang sakit ng kurot mo! Baka maging saggy ang skin ko sa mukha!” asar na saad ni Reese sa nobyo. Hinaplos pa niya ang kanyang mukha at naningkit ang kanyang mata nang tingnan ang nobyo na nakangiti pa.
Napailing na lang si Roan sa tinuran ng nobya. Ayaw na ayaw nitong masyado niyang nilalambing. Natutuwa naman ang binata kahit papaano na hindi maarte ang kanyang nobya. Ibang-iba nga ito sa mga kaedaran nitong walang alam gawin kundi ang magpaganda at magbabad sa social media.
Pagkatapos ng kanilang pananghalian, dinala ni Roan si Reese sa isang strawberry farm at the top of the hill. Forty five minutes lang ang layo ng naturang pasyalan mula sa Rancho Vergara.
Kasalukuyan silang nag-ha-harvest ng strawberry. May dala silang basket at gunting na siyang gagamitin nila para maayos ang pamimitas nila. Swerte naman sila at walang guest sa araw na iyon kaya solo nila ang buong taniman.
“Pang-ilan na akong dinala mo rito?” tanong ni Reese.
“Ikaw lang naman ang dinala ko rito. Two years pa lang nag-o-operate ang pasyalan na ito. At sino naman ang dadalhin ko rito, baby kundi ikaw at ikaw lang.”
“Hmp, bolero! Mamitas na lang tayo at gagawa tayo ng strawberry jam. Pasalubong ko sa mga kapatid ko pag-uwi ko,” ani Reese.
Halos limang kilo din ang na-harvest ni Reese at syempre pa si Roan na ang nagbayad. Kumain pa sila ng strawberry pie at strawberry shake doon sa cafe ng pasyalan habang nakatanaw sa magandang tanawin.
“Ang sarap naman nito, Roan. Balik tayo sa susunod kapag bakasyon ko,” ani Reese. Bakas sa kanyang mukha ang saya habang ninanamnam ang magandang tanawin at ang masarap na meryenda nila.
“I’m glad that you enjoyed our date today. Bukas babalik na tayo sa Davao at magiging busy na ako sa renovation sa nakuha kong pwesto sa Lanang. Sana lang, I can still visit you whenever I have time,” seryosong saad ni Roan. Hinuli niya ang mga kamay ni Reese at dinala iyon sa kanyang mga labi para hagkan.
“Basta bawal ka ma-attract sa ibang babae. Mamaya baka malaman ko na lang na may binabakuran ka ng ibang babae maliban sa akin!” nakangusong saad ni Reese.
“Ayan ka na naman eh! Umaandar na naman ang pagiging selosa mo,” napailing na saad ni Roan.
“Kalimutan mo na ako kung may balak kang dagdagan ako!”
May sasabihin pa sana si Reese ngunit namilog na lang ang kanyang mga mata nang mabilis siyang hinagkan sa labi ni Roan.
“Hey! Masyado kang PDA. Mamaya may nakakita sa atin dito!” asik ni Reese.
“Wala yan at tayo lang talaga ngayon dahil hindi naman peak season eh. Halika na at dumidilim na oh,” yakag ni Roan.
“Let’s stay for a while. Gusto kong pagmasdan ang paligid kapag may mga bituin na sa langit.”
Kaya walang nagawa si Roan sa kagustuhan ng kasintahan. Inabot na sila ng alas siete doon at saka pa sila umuwi ng Rancho Vergara.
Alas siete y medya na sila nakarating ng Rancho Vergara at dahil nagbilin na sila na doon maghahapunan, kasalukuyan silang kumakain ng dinner. Silang dalawa na lang sa kusina at iniinit sa stove ang ulam na escabecheng tilapia at bistek tagalog.
Marunong naman sa kusina kahit papaano si Reese kaya humanga si Roan sa nobya.
Niyakap ni Roan si Reese mula sa likuran at marahang hinalikan ang pisngi nito.
“Pwede ka na talagang mag-asawa, baby. Tatlong taon na lang at magiging Mrs. Vergara ka na,” mayabang na saad ni Roan.
“Tigilan mo ako, Roan. Kumain na tayo at nagugutom na ako. Magluluto pa tayo ng strawberry jam pagkatapos natin mag-dinner kaya alis ka muna,” utos ni Reese. Nang hindi siya binitawan ni Roan, siniko niya ang tadyang ng nobyo at saka pinandilatan pa ito ng mata. “Huwag mo kasi muna akong nilalandi. Doon ka na at umupo na para kumain.”
Wala ng nagawa si Roan kundi tumalima. Sarap na sarap sila sa nakahain na mga ulam lalo at galing din sila sa gala. Nang matapos silang kumain, hinugasan na rin nila ang pinagkainan. Sinunod nilang nilinis ang mga nabiling strawberry.
Tumulong na rin si Roan na gayatin ang mga malinis na strawberry at naghanap na rin siya ng mga sangkap sa pantry nila. Buti na lang at palaging sagana at kumpleto ang kanilang pantry.
Sinalang na ni Reese ang mga strawberry at trenta minutos lang nag-amoy strawberry na ang kabuuan ng kusina.
“Smells like strawberries.” Mula sa kung saan ay pumasok si Eliza at tiningnan ang anak at nobya nitong kapwa nakasuot pa ng apron at hinahanda na ang mga garapon na paglalagyan ng mga jam.
“Tita, nakialam na ako sa kusina mo. Naparami ang na-harvest namin na strawberries doon sa pinasyalan namin kaya gumawa na rin ako ng jam. May strawberries po sa fridge baka gusto n’yo po kumain,” magalang na saad ni Reese.
“Wow, ang swerte naman ng binata ko at may maganda at masipag na nobya. Sana lang ay hindi ka nito tsinatsansingan ng anak ko, Hija,” natatawang saad ni Eliza. Binuksan nito ang ref at kumuhadoon ng tubig at saka uminom.
“Mom! I am a gentleman!” asar na saad ni Roan sa ina.
Pinandilatan ni Reese si Roan sa tono nitong ginamit sa ina na humalakhak palayo sa kusina matapos ilapag sa counter ang baso.
“How could you be so rude to your mom? She’s just teasing you!” may halong disgusto na saad ni Reese sa nobyo.
“I don’t like it if someone else questions my intentions towards you, baby,” malungkot na saad ni Roan.
“But she is your mom and don’t argue with her,” sermon ni Reese.
Alas onse ng gabi na sila natapos sa kusina lalo at sinigurado nila na lahat ng jam ay nailagay sa mga naka-sterilize na bote. Na-amaze na lang si Roan sa pagiging strikto ni Reese sa food handling. Halata nga ang kasanayan ni Reese sa kusina kahit teenager pa ito.
Roan is pleased.