HWTMH15: Istorbo

1421 Words
Isang mahinang tapik sa balikat ang nagbalik sa huwisyo ni Reese. Tinitigan siya ni Roan at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. “I never knew my baby is so brazen,” nakangiting saad ni Roan. Hinaplos niya ang labi na kanina lang ay walang sawang hinahalikan siya ng marubrob. “Bakit kasi maraming asungot sa paligid. Hindi alam ang salitang delicadeza.” Nakaismid si Reese at hayagang tiningnan ni Reese ang tinutukoy niyang ‘asungot’. Namula naman si Daria sa pagtukoy niya rito na istorbo sa kanilang magnobyo. Sa sobrang hiya nito, padabog na nagmartsa ito palayo sa sapa. “Now, we can have this place all on our own. Wala ng istorbo sa moments natin.” Dahil sa sinabi ni Reese, niyakap ng mahigpit ni Roan ang nobya bago hinagkan ang noo nito. Hahalikan sana siya ni Reese sa labi ngunit iniwas niya ang mukha rito. Tuloy, napaismid si Reese sa pag-iwas niya sa halik nito. “Hmp, conservative! Bakit ‘yong ibang lalaki kapag hinahalikan ng mga girlfriend nila ay hindi tumatanggi!” Humaba talaga ang nguso ni Reese sa disgusto niya sa reaksyon ni Roan sa halik niya. “Baby, bata ka pa. I am at the right age and I want to respect you. Ayoko na may maipipintas ang mga magulang natin na sinamantala ko ang pagiging bata mo at mag take advantage na lang sa bawat pagkakataon na tayong dalawa lang,” paliwanag ni Roan sa nobya. “Sabihin mo baka gusto mo iyong haliparot na babaeng asungot kanina kaya iniiwasan mo ang halik ko!” akusa ni Reese sa nobyo. “Baby, kung talagang gusto ko siya, I could have bed her if I want to. But, she is not my type!” Natatawa na lang si Roan sa pagseselos ng nobya. “Selosa!” “Hindi ako nagseselos!” pag-de-deny ni Reese. “Oo na, hindi na ka nagseselos pero parang gusto mo ng bugahan ng apoy si Daria.” Mahinang pinisil ni Roan ang pisngi ni Reese at natatawa siya kung paanong lalong mas naningkit ang singkit ng mata ng nobya. “Ang ganda talaga ng baby ko. Kaya kahit maghubad man ang ibang babae sa harapan ko ay hinding hindi ko sila papansinin.” Hindi na umimik si Reese sa sinabi ng nobyo. Alam naman niyang walang gusto si Roan kay Daria pero nababahala siya lalo at malapit ito sa nobyo. Hindi naman niya pwedeng hilingin na palayasin ito sa Rancho Vergara. Oo, maldita siya pero hindi naman siya matapobre na namemersonal ng mga tauhan. Kapag nalaman iyon ng kanyang ina ay baka isumpa siya nito. “Halika na nga, umuwi na tayo sa inyo. Nawalan na ako ng gana maligo dahil sa admirer mo!” naiinis na saad ni Reese. Nauna na siyang naglakad patungo sa kung saan niya nilagay ang mga hinubad na damit. “Huwag ka na kasi magpaapekto sa kanya. At saka sa Davao na ako mananatili hanggang sa ikasal tayo,” kaswal na saad ni Roan. Napalingon si Reese sa sinabi ng nobyo. Ang akala kasi niya ay magtatayo lang ng negosyo si Roan sa Davao City. “Are you serious?” Biglang kinabahan si Reese sa sinabing iyon ni Roan. Kapag totoo ang sinabi ni Roan ay baka hindi na niya maituloy ang plano niyang mag- training ng fencing at sumali sa competition next year. Tutol ang kanyang mga magulang sa kanyang desisyon lalo at takot ang mga ito na baka ma-trigger ang kanyang head injury na natamo niya mahigit sampung taon na ang nakaraan. “Yes, of course. I have discussed it with Dad and Mom. Pumayag naman sila na sa Davao City ako magpaparami ng mga branches ng Steakhouse.” “Paano na ang Rancho ninyo? Sino na ang mag-ma-manage?” nalilitong tanong ni Reese. “Well, narito naman si Randell na willing tumulong kay Dad, pati na si Olive ay narito naman kaya wala akong dapat ipag-alala. Bata pa naman si Mommy Eliza at malakas pa si Dad kahit may edad na,” paliwanag ni Roan. Laglag ang balikat ni Reese sa nalaman. Ang akala niya ay wala ng makakyapigil sa kanyang mga balak. Paano na ang kanyang balak na matuto ng Niponggo at pumunta ng Japan? Kung ang kanyang ina ay walang balak lingunan ang pinanggalingan nito, lalo na ang kanyang Lolo Akira, iba ang kanyang opinyon. Umuwi na sila ni Roan pabalik sa kuwadra pero imbes na sumakay kay Midnight, naglakad na lang sila habang si Midnight ay nakasunod lang. Reese was amazed by how well-behaved a magnificent animal like Midnight was. Natatawa ang dalaga sa kaisipan na parang tutang nakasunod lang ito kay Roan na abalang nagsasalita. “Are you listening, baby? Kanina ka pa nakangiti kay Midnight ah?” tanong ni Roan. “Excuse me? I am busy admiring Midnight that I forgot we are talking,” pag-amin ng dalaga sa nobyo. “Isn’t he amazing? Ang ibang kabayo ay mahirap i-train but Midnight is so mild tempered na kahit ikaw ay na-a-amaze,” natutuwang saad ni Roan. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa tuluyan na nilang naabot ang kwadra. Sinalubong sila ng isa sa mga stable boy na si Yuan at umuwi na ang magkasintahan sa mansion ng mga Vergara. Nang sumapit ang hapunan, naroon si Randell at kasalo ng mga Vergara. Matangkad ito at mas matanda ng eleven years sa kambal na sina Roan at Olive. Napansin ni Reese ang pananahimik ni Olive habang nasa hapagkainan habang buong giliw na nag-uusap ang mga magulang na sina Roman at Eliza sa kanilang bisitang si Randell. “So, when you are going back to Davao, Roan and Reese?” tanong ni Roman sa anak. “Sa makalawa Dad at marami pa akong aasikasuhin sa renovation ng unang branch ng steakhouse ko sa Lanang,” sagot ni Roan. Nang makita niya na kaunti na lang ang pagkain ni Reese sa plato, muli siyang nagsandok ng kanin at ulam at nilagay iyon sa plato ng nobya. “Eat more, baby lalo at ang payat mo,” ani Roan. Napangiti naman ang mga naroon maliban kay Olive na halatang napilitan lang na makisalo sa kanila. “Masyado namang PDA itong si Roan at nang-iinggit pa,” saad ni Randell. “Mag-asawa ka na kasi, Randell. Aba, iho malapit ka ng kwarenta!”pabirong saad ni Eliza. “Hindi naman ako nagmamadali sa pag-aasawa, Tita Eliza. Malay po natin nasa tabi-tabi lang pala ang nakatadhana sa akin,” kaswal nitong sagot. Napansin ni Reese ang makahulugang titig ni Randell kay Olive at palihim siyang napangiti. Ayaw niyang magsumbong sa nobyo at hayaan na ang dalawa na iresolba sa kung ano ang meron sina Randell at Olive. Samantalang ang kakambal ni Roan ay walang pakialam sa mga sinasabi ni Randell at nakatitig lang sa plato nitong wala ng laman. Tumayo ito at nagpaalam na sa kanila na mauna dahil masakit ang ulo. Nakita ni Reese kung paano nag-iba ang mood ni Randell nang umalis si Olive. May pait siyang naaninag sa mga mata ng binata na pilit nitong tinatago sa mga kausap nito. Ilang sandali pa, nagpaalam na rin ang binata na babalik sa cottage nito. “Tita, mabuti at okay lang sa inyo na palaging narito si Randell,” usisa ni Reese. “Nakalimutan pala naming sabihin sa iyo Hija, anak na ang turing namin sa kanya. Kung gusto mong malaman ang buong kwento ni Randell ay halika sa veranda at doon tayo mag tsaa,” anyaya ng ginang sa dalaga. Nagpaalam na silang dalawa kay Roan at Roman at inutusan ng ginang na ipagtimpla sila ng tsaa sa kasambahay na naroon. At doon sa veranda inilahad ni Eliza ang kwento kung paano naging malapit si Randell sa mga Vergara. Doon nalaman rin ng dalaga na anak pala si Randell ng dating naging kasintahan ng ama ni Roan. “Tita, hindi po ba kayo natatakot na may galit sa inyo si Randell?” tanong ni Reese. “Mabait na bata si Randell, hija. Noong bago pa lang namatay ang mama niya na siyang dahilan bakit ako nakunan noon, akala niya ay magagalit kami sa kanya. Pero, ibang-iba siya sa kanyang ina at nagpapasalamat ako na kahit lumaki siya sa poder ng hindi niya kilala ay naging mabait siyang bata. Nasuklian naman iyon ng pagmamahal ng kanyang ama at ng kanyang pangalawang ina. Kung paano siya inabandona ng kanyang ina ay siya namang pagkupkop ni Lucille sa kanya. Itinuturing siyang anak ni Lucille at ganun din naman si Randell sa kanyang pamilya ngayon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD