HWTMH14: Asungot

1752 Words
HWTMH14 Naudlot ang masayang pananghalian ni Reese at Roan nang lumapit si Daria sa kanila. Biglang umasim ang mukha ng una lalo at panay ang ngiti ng bagong dating kay Roan. “Senyorito, nagluto po ako ng biko na may toppings na latik,” kiming saad ni Daria. Umarko ang kilay ni Reese lalo at manipis na bestida lang ang suot ni Daria at bakat pa ang mga n*****s nito at cleavage. Sinadya pa nitong yumuko sa harapan ni Roan na siyang lalong naging dahilan para halos lumuwa na ang mala buko nitong hinaharap Tumikhim si Reese at doon lang siya nilingon ni Daria. Tuso ang ngiting pinukol nito sa dalaga na dahilan para maningkit ang kanyang mata. “Naihatid mo na ang pakay mo. Pwede ka ng umalis. nakakaistorbo ka kasi sa pananghalian namin ng nobyo ko,” walang atubiling saad ni Reese. Inangat niya ang kanyang kilay at tiningnan si Daria mula ulo hanggang paa. Hindi siya matapobre pero nananabla din siya ng mga haliparot na lantarang nilalandi ang nobyo sa harapan niya. Namula naman si Daria at natulos sa kanyang kinatatayuan. Paano ba at ni hindi man lang siya tinitingnan ni Roan at tanging si Reese lang ang nang-uuri ng titig sa kanya. Napabuntong-hininga siya at yumukod nja sa dalawa. “Mauuna na po ako, Senyorito Roan. Sana ay magustuhan ninyo ang luto ko.” Tuluyan ng umalis si Daria at doon lang ulit binalik ni Roan ang tingin sa nobya. Alam niyang mag-aaway lang sila ni Reese kaya halos hindi na niya kinibo si Daria. Nang tingnan niya ang dalang biko ni Daria, nakakatakam iyon sa paningin lalo pa at maraming latik sa ibabaw niyon. Kukuha na sana siya ng isang hiwa nang tinampal ni Reese ang kanyang kamay. “Subukan mo lang tikman ang biko ni Daria, Vergara at magkalimutan na tayo!” banta ni Reese. Tumaas ang kilay niya na nakatingin kay Roan na nabitin ang kamay na may hawak na tinidor. Napangiti si Roan imbes na magalit sa inasal ni Reese. Nanghihinayang man, ayaw na niyang magkaroon sila ng sigalot na magnobyo kaya ibinababa na niya ng tinidor at ginagap ang mga kamay ni Reese. “Siyempre, hindi na ako titikim sa biko. Mas importante naman ang baby ko kaysa pagkain.” Tuluyan ng niyakap ni Roan si Reese at maingat na hinagkan ang noo ng nobya. Napaka-cute nga naman magselos ng nobya niya. Bata pa nga si Reese at tipikal sa edad nito ang ganoong kilos. “Mamaya, may gayuma pala ang pagkain na iyan! At saka ano? Magiging sunod sunuran ka sa babaeng may dalang buko!” asik ni Reese. Nagsumiksik pa siya lalo sa yakap ng nobyo na tila may gustong umagaw dito. “Baby naman eh, kaya nga hindi ko siya tiningnan.” Hinuli ni Roan ang mukha ni Reese at tinitigan ang mga ito. “Ikaw na ang magiging asawa ko in three years time. Now, kung intensyon ko talagang magloko ay sana noon ko pa siya pinatulan.” “So, hindi lang ito ang first time na inakit ka niya?” Tumaas ang pitch ng boses ni Reese na siyang dahilan para mapangisi si Roan. Nang makita ng dalaga ng reaksyon ng nobyo, hinampas niya ang braso nito. “At proud ka pa na sabihin sa akin,” asik ni Reese. Kumawala siya sa yakap ng nobyo at tinalikuran ito sabay halukipkip. “Baby naman! Nagiging honest lang naman ako sa iyo. Hindi ko intensyon na saktan ka. ANg akin lang ay dapat aware ka na kahit maghubad pa si Daria sa harapan ko ay hinding hindi ko siya papatulan.” Niyapos ni Roan ang nobya at hinarap ito. “Baby, walang sinuman ang mamagitan sa relasyon natin, okay,” pagbibigay assurance ni Roan. “Kapag lumapit ulit ang malanding iyon, tatanggalin ko ang n*****s niyang malalaki! Wala ba siyang pambili ng bra at short?” asar na saad ni Reese. “Hayaan mo na siya baby at maligo na lang tayo sa sapa mamaya. Tamang tama ang weather at hindi mainit,” ani Roan. Tinapos nila ang kanilang pananghalian at gaya ng gusto ni Reese, binigay ni Roan ang kakanin sa mga tauhan na tuwang-tuwa. Ang hindi nila alam, naroon lang pala sa likod ng kusina si Daria at kanina pa nanunubok sa kanilang magnobyo. Kumuyom ang kamao ni Daria sa mga narinig niya na mga salita mula kay Reese. Hindi niya akalain na papatol si Roan sa isang matapobreng kagaya ng nobya nito. Nagkiskisan ang kanyang mga ngipin sa kanina pa niyang pagpipigil ng galit sa nobya ni Roan. Ang arte! Hindi naman kagandahan! Maganda lang naman siya kasi matangkad at maputi! sigaw ng utak ni Daria. Hinayaan niya munang makalayo ang magnobyo na ngayon ay nakasakay na kay Midnight at patungo sa sapa. Dinig pa ni Daria ang tumataginting na hagikgik ng dalagang taga Davao kaya mas lalo pa siyang nainis. “Ang landi talaga! Ang bata pa pero malandi na!” ani Daria. Lumabas na siya sa pinagtataguan niya at umalis na doon. Samantala, tuwang-tuwa si Reese na umangkas kay Midnight. This time, nasa likuran siya ni Roan at mahigpit na yumapos sa baywang ng nobyo. Amoy steak nga si Roan, iyon ang nasamyo ng dalaga sa damit ng nobyo pero hindi iyon nakabawas sa kisig nito. Pabiro pa niyang pinisil ang matigas at patag na tiyan ni Roan sabay bulong, “wow abs.” Nag-init naman ang pakiramdam ni Roan sa ginawa ng nobya. Kung wala lang sila sa ibabaw ng kabayo ay baka nahalikan na niya si Reese kaya mas pinabilis niya ang takbo ni Midnight. Napakapit nang mahigpit si Reese sa baywang ng nobyo. Ramdam niya ang pamumula ni Roan lalo at kitang-kita niya iyon sa tainga nito at bahagyang uminit ang balat nito. Tuloy naiintriga siya kung may karanasan na sa babae ang nobyo. Oo nga at bata pa siya at wala pang experience patungkol sa bagay na iyon. Pero, naisip niya kung parehas silang walang alam sa bagay na iyon ay paano naman sila kapag nagpakasal na? Biglang tumigil si Midnight at doon lang natauhan si Reese. Ang mabining agos ng sapa at malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa kanya. Kaagad ng nakababa si Roan at hinapit nito ang kanyang baywang at inalalayan siya na bumaba kay Midnight. “What were you thinking, baby?” untag ni Roan sa nobya na bahagya yatang nawala sa huwisyo. “May experience ka na ba?” walang gatol na tanong ni Reese. Nakaunod lang siya kay Roan habang hila nito ang renda at tinatali na sa katabing puno si Midnight. Kaagad na napalingon si Roan sa uri ng tanong ni Reese sa kanya. Napabuga siya ng hangin at hinarap si Reese. “What’s going on inside your pretty head, baby?” Nakakunot ang noo ni Roan habang tinitigan ang magandang mukha ni Reese. “Twenty three ka na at malamang may naging girlfriend ka noong high school and college. You can share your lovelife before naging tayo. Hindi ako magagalit because it is all in the past,” kaswal na saad ni Reese. Napangiti si Roan sa sinabi ni Reese. She might say those things but her face tells otherwise. Bakas sa mukha ni Reese ang pagkabahala, iyon ang nakikita ni Roan. “Baby, wala akong naging girlfriend. Marami akong naging admirer sa hindi pagmamayabang but I have a girlfriend in Davao City kaya hindi pwede.” “At sino naman ang girlfriend mo na taga Davao? Si Louise ba?” Todo busangot na talaga si Reese sa sinabi ng nobyo. “Silly,it’s you of course. Binyag mo pa lang noong baby ka ay sinabi ko na na paglaki ko ay magiging asawa kita. Have I not told you before?” natatawang saad ni Roan. “Iyan palagi ang sinasabi ni Lolo Gus sa akin eh! May nangako na daw na pakakasalan ako kapag 18 na ako,” ani Reese. “And I will fulfill my promise. Kaya, baby huwag kang mabahala, please.” “Maligo na lang tayo,” pag-iiba ng topic ni Reese. Hinubad na niya ang kanyang suot na long sleeve kamisa pati na ang kanyang leggings. Tanging sports bra at cycling shorts na lang ang naiwan. At dahil maputi siya ay mas lalong tumingkad iyon ng tamaan siya ng mabining sikat ng araw. Tiningnan ni Reese ang nobyo na napaawang ang labi. “Hoy, Vergara! Isara mo ang labi mo at baka tumulo ang laway mo,” pang-aasar ni Reese. Napakislot si Roan at hinubad na rin ang kanyang kamisa shirt. Isinabit niya ang mga nahubad nilang damit ni Reese sa isang tuod na naroon at naglakad ng patungo sa medyo malalim na bahagi ng sapa. Todo alalay siya kay Reese at tinungo nila ang pagitan ng dalawang bato na magkaharap. Malinaw ang tubig na naroon na abot hanggang dibdib ni Reese. “Roan, saan ba kumukuha ng water source ang inyong feedlot?” biglang tanong ni Reese. “Doon sa isang parte ng sapa na may tila isang lagoon. Malinaw ang tubig doon. May bukal din na siyang nilagyan namin ng culvert at gumawa pa kami ng tangke ng tubig para steady ang water supply papunta sa mansion at sa feedlot. May sariling water system ang Rancho Vergara lalo na noong nag-umpisa na mag-operate ng feedlot,” paliwanag ni Roan. Napatango na lang si Reese sa nalaman mula kay Roan. Sa dami kasi ng baka sa Racho Vergara ay na-curious siya sa operation nito. “Ilang heads ba ng baka meron kayo sa Rancho? At saan ninyo pinapa-s*******r ang mga baka na ginagawa ninyong steak?” Maraming naging katanungan si Reese habang nakalublob sila sa sapa na buong puso naman na sinagot ni Roan. Kahit papaano natuwa naman ang binata na interesado ang nobya sa kanilang kabuhayan. Hindi pa man nila gaano nae-enjoy ang paliligo ay dumating ang isang asungot. Si Daria ay papalusong na sa sapa at tanging suot ay manipis na bestida. Nang mabasa ang damit nito ay kaagad bumakat ang mga n*****s nito na siyang kinasingkit ng mata ni Reese. Nilingon kaagad niya si Roan na hindi man lang tumingin sa direksyon ni Daria. Kaya sa inis ni Reese, kinabig niya si Roan at kinuyumos ng marubdob na halik ang nobyo. Wala siyang pakialam kung may nakakita sa kanila ng nobyo niya o ipagkalat ni Daria na naghahalikan sila ni Roan. So what? Engaged na sila ni Roan at gusto niyang ipagtabuyan ang pangahas na umistorbo sa pagligo nila ng nobyo sa sapa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD