HWTMH8: Back home

1440 Words
“Are you sure, iha? Hindi ka talaga pinakialaman nitong anak ko?” tanong ni Eliza kay Reese “Oo nga po. Ginalang niya ako. At kung nag-take advantage po siya sa akin kagabi ay baka mabasag na ang bayag niya,” natatawang saad ng dalaga sa kanila. “Baby naman!” maktol ni Roan. “O s’ya, maligo ka na iha at pagkatapos ng almusal ay ihahatid ka na ni Roan pauwin ng Davao.” Nginitian siya ng ginang pero sinimangutan pa rin nito si Roan. “Mommy!” ani Roan sa ina. Kaya, bumalik na siya sa guestroom na tinuluyan nilang mag-anak noon. Doon na siya naligo at nagbihis na rin. Isang simpleng white hoodie jacket at mint green legging s lang ang suot ni Reese at puting sneakers lang ang pangyapak. Lumabas na siya ng kwarto at nadatnan na naghihintay si Roan sa kanya. “Ang ganda talaga ng baby ko!” saad ni Roan. Kumunot ang noo ng dalaga at napaismid. “Hmp! Maganda ako ngayon kasi nandito pa ako, ewan ko na lang kaya kung ilang babae ang titikman mo sa loob ng tatlong taon.” “Baby, sinabi ko na ‘di ba? Magiging faithful ako habang naghihintay sa iyo. Syempre, ikaw na ang pakakasalan ko at ayw kong may maghahabol sa akin kapag ikinasal na tayo. Kaya, hindi na ako titingin ng ibang babae.” Nilapitan nito ang dalaga at niyakap ng buong higpit. “Kung kailangan ko mag-stay sa Davao para mabantayan ka, gagawin ko. Ganyan kita kamahal, baby.” Hinagkan nitong muli sa pisngi si Reese at nakarinig sila ng tikhim. Parehas na napalingon sila at nakita ang am ni Roan na nakatunghay sa kanila. “Mag-breakfast na kayo. Naghihintay ang Mommy Eliza mo sa hapag, Roan.” Napailing si Roman at tumalikod na kaagad para bumaba ng hagdanan. Masasabi ni Reese sa sarili na alam na ang magiging itsura ni Roan pagtanda. Gwapo pa rin at matipuno dahil manang-mana ito sa kanyang ama. Sabay silang bumaba ni Roan sa hagdan habang hawak nito ang kanyang mga kamay at pinipisil iyon ng marahan. Nagniningning ang kanyang mga mata at tila nangungusap sa tuwing tinitingnan ang dalaga. Minsan tuloy ay naisip niya sa sarili, kaya niya bang suklian ang pagmamahal na iyon? Paano na lang kung makatagpo na siya ng lalaking nakatadhana sa kanya? “Halina kayo at lumalamig ang pagkain!” untag ng ginang sa kanila. Pinaghila pa siya ng upuan ni Roan at magkatabi silang naupo sa hapagkainan. “Salamat iha at pinaunlakan mo ang imbitasyon namin. Mapilit kasi itong may crush sa iyo eh,” nakangiting saad nito sa kanya. “Mom! Hindi ko lang siya crush. Magiging asawa ko na siya!” salubong ang kilay na saad ni Roan. Kahit nakasimangot, abala pa rin siyang kumukuha ng pagkain at nilalagay sa pinggan ng nobya. Mabining halakhak ang narinig niya mula kay sa ina ni Roan. Ang sarap palang asarin ni Roan dahil madaling mainis. Pinagmasdan niya si Tita Eliza at masasabi niya na kahit malayo ang agwat ng edad nila ng Tito Roman ay bakas ang kaligayahan niya sa piling ng asawa. Natapos ang almusal atsaka pa bumaba si Tito Roman. Nagpaalam na sila ni Roan sa mag-asawa at naghabilin pa sila na mag-ingat si Roan sa pagmamaneho. Kaya, sakay ng kanyang pick up, naglakbay na sila pauwi ng Davao. Aliw na aliw si Reese na pinagmamasdan ang tanawin. Kahit tinted ang salamin ng sasakyan ni Roan, kita pa rin naman mula sa loob ang magandang tanawin. “Baby, anong year ka na?” tanong ni Roan sa nobya “Fourth year high school na. Malapit na nga ang graduation namin eh,” sabi niya. Tiningnan niya ito at nagtataka kung bakit nagtanong ito. “Bakit mo naman natanong?” “Syempre lahat ng bagay na may kaugnayan sa iyo ay interesado ako,” ani Roan. Hinuli nito ang kamay ng dalaga at dinala sa labi nito habang hindi man lang inaalis sa daan ang mga mata nito. ****** Ala una na sila nakarating ng Hacienda Esmeralda. Sa tapat mismo ng bahay nila dinala ni Roan si Reese kung saan ay nakaabang na ang abuela na si Celina. “Nanay Celina, si Roan po.” Pinakilala ni Reese ang binata sa kanyang abuela na nakangiti habang nagmano sa kanya ang binata. “Kilala ko na siya apo. Lalo at palagi naman siyang nagagawi dito. Siya mag-usap na muna kayo at pupuntahan ko muna ang Mama mo.” Nagpaalam ang abuela at naiwan silang dalawa sa bahay nila Reese. Pinapasok niya si Roan sa kanilang bahay. Wala naman siyang bitbit kundi ang kanyang backpack na nilagay muna niya sa gilid. Sandali muna niyang iniwan si Roan para umakyat sa kanyang silid. Pero, namilog ang mata ni Reese nang sumunod ito sa kanya. “No, go down first. Hindi magandang tingnan na pumapasok ka sa kwarto ng nobya mo na tayong dalawa lang.” Nag-aalala si Reese lalo pa at sila lang dalawa ni Roan. Sinarado ni Roan ang pinto ng silid ni Reese at nilapitan ang dalaga. “Don’t be afraid of me, baby. Hindi ako magta-take advantage. I know my limitations. Pero, pwede bang magpahinga sandali? Pagod ako sa pagda-drive.” Walang paalam na nahiga na si Roan sa kama ni Reese. “Hey, hubarin mo muna ang polo mo lalo at galing ka sa labas. Kukuha muna ako ng damit ni Kuya Max at iyon ang isuot mo.” Lumabas sandali si Reese sa kanyang silid at pumunta sa katabing silid ni Maxwell. Kumuha siya ng sando doon at bumalik kaagad sa silid niya. “Here, isuot mo muna para hindi magusot ang polo mo.” Inabot ng dalaga ang damit sa binata at bumangon ito. Sandaling hinubad nito ang polo at inabot kay Reese. Inilagay ng dalaga ang polo ni Roan sa isang hanger. Nasamyo pa niya ang pinaghalong pawis at perfume ng binata sa damit nito. Hindi niyang maiwasan na dalhin iyon sa kanyang mukha at ilapat sa kanyang pisngi. “Baby, baka magayuma ka sa amoy ko!” Kahit nakapikit na saad ni Roan. “Yabang!” asik ni Reese at sinabit ang nakahanger na damit sa handle ng kanyang tokador. Lumapit siya sa kanyang kama at naupo roon. Napangiti si Roan at ang kanyang ulo ay nilagay niya sa kandungan ng nobya. Itinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan ang magandang mukha ni Reese. Napaigtad ang dalaga at pinigilan ni Roan na bumaling sa ibang direksyon ang mukha ni Reese. “Let me just rest in your lap baby.” Iyon lang ang sinabi ni Roan bago tuluyang pumikit. Napabuntong-hininga si Reese. Ngayon pa lang ay nami-miss na niya ang binata. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanyang sarili.dati naman ay kahit may manligaw sa kanya ay wala siyang pakialam sa mga ito. Bakit kay Roan ay kaydali nitong napukaw ang kanyang damdamin. Ilang minuto na rin na nasa kandungan niya ang ulo ni Roan ng bumukas ang pinto ng kanyang silid. Ang kanyang Mama Kyoko pala ang naroon at kasunod ang kanyang Papa Paeng. Dahan-dahan niyang nilipat ang ulo ni Roan sa kanyang unan at tumayo na. “Why is he in your room, anak?” mariin na tanong ni Rafael sa anak. Nakasunod silang mag-asawa kay Reese na bumababa sa hagdan. “Inaantok sa pag-drive, Papa.” Kaswal na sagot ni Reese pero namilog ang mata ng ama sa naging sagot niya. Tumirik ang mata ng dalaga sa maling intindi ng ama sa sinabi niya. “Ew, Papa! I’m only fifteen, and yet ang laswa na ng naiisip mo. Wala ka namang tiwala sa akin eh!” Humaba ang nguso ni Reese at napapadyak siya bago umupo sa sofa. Napailing na lang si Kyoko sa uri ng usapan ng mag-ama niya. Tinabihan niya si Reese at niyakap. “Hayaan mo na ang Papa mo anak. May tiwala naman ako sa inyong dalawa ni Roan eh. Kasi ang Papa mo noon dalawang beses kong nahuli iyan doon sa sapa at iba’t-ibang babae ang binabayo.” Tumirik ang mata ni Kyoko sa huling sinabi nito. “Misis naman, nilalaglag mo ako dito sa anak natin.” Nakasimangot si Rafael na tumabi na sa asawa at ninakawan pa ng halik ang pisngi nito. “Diyan ka magaling eh! Kaya kitang-kita ang ebidensya sa bunso mong anak! Manang-mana sa kalandian mo Paeng!” konsumidong turan nito sa asawa. Imbes na mainis ay natutuwa si Reese sa uri ng turingan ng mga magulang niya. Saktong inaasar ng Papa niya ang kanyang Mama pero tuwing gabi ay bugbug lagi ang ina sa kahiligan ng ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD