HWTMH9: Bedroom

1389 Words
Roan felt empty when woke up in his girlfriend's bed without her. Hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa pagod niya sa pagmamaneho. Bumangon na siya at tiningnan ang kanyang wristwatch. It’s almost five in the afternoon, kaya tumayo na siya at nagtungo sa banyo. Pinagbigyan niya ang tawag ng kalikasan. Napansin niya ang pagiging organisado ng banyo ng kanyang girlfriend at napangiti siya. Bumaba na siya at natanaw niya si Reese na busy na tinutulungan ang kanilang kasambahay sa kusina. Dahan-dahan siyang lumapit dito at niyakap mula sa likuran si Reese bago kintalan ng halik ang pisngi nito. “Ay! ang sweet naman ng boyfriend mo Inday Reese!” anang kasambahay. “Manang Lota, naman eh! Kaya malakas ang loob ng unggoy na ito kasi kinikilig ka!” Siniko ni Reese si Roan sa tadyang nito at kaagad ito nagbitaw. “Ang brutal mo naman baby, kita mo naman may fans na tayo sa loveteam natin oh!” Muling niyakap ni Roan ang nobya at muling napatili ang kasambahay sa kilig. “Gising ka na pala iho!” Mula sa pinto ay dumungaw si Kyoko kasunod ni Rafael. Binitawan ni Roan ang nobya at hinarap ang mga bagong dating. “Dito ka na matulog ngayong gabi, Roan. Pinahanda ko na kay Manang Lota ang guestroom. Bukas ka na umuwi sa inyo, nagpaalam na ako sa Mommy Eliza mo.” Nakamasid lang si Rafael sa anak at sa nobyo nito. Hindi niya hinihiwalayan ito ng tingin kaya siniko na siya ng kanyang asawa. Napakunot ang noo niya at tiningnan ang asawa na nakataas ang kilay at doon lang lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha. Kaagad niyang hinalikan sa labi si Kyoko na siyang ikinagulat ng huli. Napasinghap si Aling Lota sa ginawa ng amo at napatikom ang bibig nito at tinakpang ng kamay ang mga labi Si Reese ay naningkit ang mata sa pagiging PDA ng ama. Hindi talaga pumipili ang ama ng lugar para lang makaisa sa ina. Tumirik ang kanyang mata at ngumiwi ang kanyang labi na parang nakatikim ng nakakaumay na pagkain. Napangiti si Roan sa ginawa ng magiging biyenan na lalaki. Katulad ng amang si Roman, hindi ito nahihiyang ipakita sa mga tao kung gaano nito kamahal ang kabiyak. “Sige, Mama para mas matagal ko pa makasama si Baby Reese ko,” untag ni Roan kay Kyoko. “Ay! Ang sweet talaga ng dalawang ito. Kinikilig pati balun-balunan ko!” tili ng kasambahay. Hindi nila alam kung sino ang tinutukoy nitong sweet, kung si Rafael ba o si Roan? Imbes na mainis, natawa na lang sila sa tinuran ng kasambahay. Magmula nang isilang si Maverick, si Aling Lota na ang naging kasama nila sa bahay sa tulong na rin ng Nanay Celina ni Kyoko. Biyuda na ito at hindi naman nabiyayaan ng anak kaya nagdesisyon na sina Kyoko na ito na ang naging kasambahay. Masaya silang naghapunan mag-anak. Dumating na rin mula sa Hacienda Esmeralda si Maxwell at Maverick na siyang pansamantalang pinag-summer job ni Kyoko. Ang dalawang magkapatid ay palagi na lang nagtitinginan at tinutukso si Reese. Samantalang abala sina Rafael at Roan na nag-uusap sa mga plano nito. “Papa Raf, I haven’t told you yet that I am planning to put up a steakhouse here in Davao City. My Dad and I discussed it and he is planning to have Randell manage Rancho Vergara while I am busy establishing my steakhouse here.” Tiningnan ni Roan ang nanlaking mata ni Reese sa kanyang sinabi. “So Roan, how many branches do you plan to open here in Davao?” ani Kyoko. “I will start to open one near Lanang. And from that, I will see if it will be profitable. We will never know, maybe five or more branches.” Napakibit-balikat na lang si Roan sa huli niyang sinabi bago niya tingnan ang nobya na nalukot ang magandang mukha. “Ano ba ang natapos mo at mukhang naliligaw ka yata ng negosyo?” Humaba ang nguso ni Reese sa kaalamang baka maglagi ang nobyo sa Davao. “Agribusiness and I took a crash course in commercial cookery. Hindi pala kita napakitaan ng aking cooking skills sa pagluluto ng wagyu steaks.” Abot hanggang tainga ang ngiti ni Roan sa sinabing iyon sa nobya. Nagsalubong naman ang kilay ni Reese nang masagi ng kakambal ang kanyang paa. Naningkit ang kanyang mata na nilingon ito at nanginginig ang kanyang bibig na inapakan ang paa ng kakambal. Napadilat si Maxwell nang maramdaman ang ginawa ng kakambal pero hindi niya hinayaan pumiyok ang boses niya sa sakit. Pabigla niyang hinaklit ang kanyang paa at nginitian pa rin si Reese. Kailangan hindi siya mahalata ng ina kundi ay katakot-takot na sermon talaga ang aabutin niya. Natapos ang hapunan at dahil medyo naparami ang kanilang nakain ay inutusan ni kyoko ang anak na ipasyal muna si Roan sa Hacienda Esmeralda. Pero, katulad ng dati ay ang tingin ng ina sa anak sapagkat mapagsolo sila ng nobyo nito. Hinawakan ni Roan ang kamay ni Reese habang binabaybay nila ang daan patungo sa taniman ng kape. Namangha si Roan sa kanyang naamoy. Nilanghap niya ang amoy-sampaguita na sumalubong sa kanila. “Baby, what was that smell?” “Coffee blossoms because they smile like sweet jasmine.” Hinarap ni Reese ang nobyo. “Hindi ba dapat alam mo ‘yan. You and Mama have the same course at hindi mo alam?” Tumikwas ang kilay ng dalaga at naunang naglakad. Maliwanag naman ang buwan at maraming mga bituin sa langit. Ang hangin ay medyo malamig kahit na summer na. Umihip ang hangin at nayakap ni Reese ang sarili. Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso ni Roan sa kanyang baywang at niyakap siya nito. “Ay, yakap ka ng yakap, mamaya may makakita pa sa atin at itsismis tayo rito, makarating pa kay Lolo Augustus.” “Wala naman tayong ginagawang masama. It is not as we are sneaking and making out in the dark, baby. And besides we are engaged, kahit itsismis ka pa nila o tayo, in the end ay papakasalan pa rin kita at magiging Mrs. Vergara ka rin.” Hinaplos ni Roan ang makintab na buhok ni Reese. Ang kanyang mga mata ay kumikislap at parang sasabog ang kanyang dibdib sa sobrang emosyon. Masaya siya na sa wakas ay malaya na niyang malalapitan si Reese. Nakakatawa man na isipin na kahit wala siyang makitang dahilan para mahalin niya si Reese ay hindi niya mapigilan ang galak sa tuwing pinapangarap ang araw na magiging kabiyak na niya ito. He never thought he was capable of loving a girl that it aches. Wala siyang mapaghambingan sa kanyang nararamdaman. Not even in his years in college when girls openly flirt with him. Palagi niyang nahahanapan ng kapintasan ang mga ito to the point that his friends doubted his masculinity. Kinantyawan siya ng mga kaibigan na naniniwala at pinapahalagahan niya ang kanyang binitiwang pangako na hihintayin at tutuparin niya ang pangako na pakakasalan niya ang kanyang batang kasintahan. He was often described by his friends as a cradle snatcher but he just brushed aside the comments. He never sexually fantasize Reese as a girl. But, he is just saying that he honors his grandfather’s wishes. “Baby!” Hinila ni Roan ang mga kamay ni Reese nang kakawala na sana ito sa kanyang mga yakap. Hinawakan niya ang mukha ni Reese. He trailed his fingertips on her smooth and fair cheeks and then it stopped on her lips. “I am happy tonight that finally may permiso na ako na pwede na kitang dalawin anytime. Basta promise ko sa’yo baby, hindi ako titingin sa ibang babae at ikaw lang ang maganda sa paningin ko.” “Hmp! Maraming magaganda dito sa Davao, Roan kaya huwag kang magsalita ng patapos. Malay mo naman one of this d-” Hindi na natapos ni Reese ang kanyang sasabihin ng maingat na dumampi ang labi ni Roan sa kanyang labi. “We have been through this conversation before, baby. I will stick to my promise. Don’t ever doubt my love for you, baby please.” His eyes are pleading to her, as if saying na lahat ay magiging okay. Hindi nakaimik si Reese, bagkus ay hiniling niya na bumalik na sila sa kanilang bahay, lalo pa at lumalalim na ang gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD