HWTMH10: Steakhouse

1577 Words
Natulog si Roan sa guestroom ng gabing iyon na may ngiti sa mga labi. Pagkatapos nilang mamasyal sa ilalim ng taniman ng kape, mas na-appreciate niya ang kanyang nobya. Oo nga at halatang hindi nito masyadong mahal ang kanilang kabuhayan, nakikita naman niya kung paano makitungo ito sa mga tauhan ng Hacienda. Nang pauwi na kasi sila, nakasalubong nila ang ilang tauhan na galing pa sa processing plant. Kahit hindi sila napansin ng mga tauhan, si Reese na ang gumawa ng paraan para makita sila ng mga ito. Sandali nitong kinumusta ang production at nang malaman na okay naman ay dagling nagpaalam ang mga tauhan. ******* Maaga pa lang ay abala na si Reese sa kusina na tinutulungan ang kanilang kasambahay na si Aling Lota. Garlic fried rice, crispy bangus belly at chorizo de cebu ang kanilang niluluto. May bagong pitas na avocado naman na galing pa sa fruitfarm ng kanyang Tito Sebastian. Kaya, dali- daling naghanda si Reese ng avocado sorbet kaninang pagkarating niya ng kusina, iyon kaagad ang inatupag niya. Alas sais y medya, hindi pa gising si Roan. Kaya naman, nagdesisyon siyang gisingin na ito. Tatlong beses munang kumatok si Reese sa pinto ng guestroom. Nang hindi bumukas iyon, pumasok na siya sa kwarto ni Roan. Naririnig niya ang lagaslas ng shower mula sa banyo. Kaya, sandaling naupo si Reese sa kama kung saan nahiga ang nobyo. Tapos na maligo si Roan at inabot niya ang tuwalyang naroon. Ibinalabal niya iyon sa kanyang baywang at kinuha ang mas maliit na tuwalya para gamiting pantuyo sa kanyang malagong buhok. Lumabas siya ng banyo at kaagad na bumungad sa kanyang paningin ang nakahigang si Reese sa kanyang kama. Nilapitan ni Roan ang nobya at ang unang napansin niya ay ang nakaangat nitong dress na halos kita na ang underwear nito. Kaagad niyang hinila niya iyon pababa, dahilan para magmulat ng mata ang kanyang nobya. “Baby, what are you doing here? Hindi tama na pumupunta ka sa kwarto ng nobyo mo at humuhiga sa kanyang kama.” Minuwestra ni Roan ang kanyang kamay para bumangon ang nobya sa higaan. Nang nakabangon na ito, lumuhod naman si Roan sa tapat ni Reese. “Next time baby, hintayin mo akong lumabas ng kwarto, okay? Ano na lang ang sasabihin ng Mama at Papa mo? Baka sa susunod ay pagbawalan na akong dumalaw dito.” Mahinahon ang pagkakasabi ni Roan sa mga katagang iyon. “Ang dami mo naman sinabi! First, may tiwala sina Mama at Papa sa akin. Second, hindi naman ako ang mananakit ang puson kaya okay lang!” Umusli ang nguso ng dalaga at tumayo na. Sa ginawa niya, napalunok si Roan lalo pa at nakita nito ang underwear ng nobya. “Lumabas ka na baby at magbibihis na ako.” Tinaboy ni Roan ang nobya at nang puminid na ang pinto, dali-dali na siyang nagbihis. Dahil sa pakiusap ni Roan, lumabas na nga si Reese. Hindi naman siya kinabahan syempre pa lalo at alam niyang igagalang siya ng nobyo. Bumalik si Reese sa kusina at tinulungan si Aling Lota na ihanda na ang hapagkainan. “Good morning!” iyon kaagad ang bating bungad ni Rafael sa anak na dalaga. “Gising na ba si Roan, anak?” tanong nito sa dalaga. “Pababa na po, Papa. Nagbibihis pa kanina eh nang kinatok ko eh,” kaswal na sagot ni Reese. “Good morning po!’ bati ni Roan kay Rafael. Tumango lang ang huli at sakto naman na dumating ang dalawang anak na lalaki at si Kyoko. Umupo na sila sa hapag-kainan at bago mag-umpisa kumain, nagdasal ang mag-anak katulad ng kanilang nakakagawian. “So, are you going back to Bukidnon today, Roan?” tanong ni Rafael sa binata habang abalang nagsasandok ng sinangag. Napangiti si Roan sa tanong na iyon bago sumagot. “Hindi po muna siguro Tito. Ang aking site acquisition officer ay nag-text nitong umaga lang na nakahanap na siya ng pwesto sa bandang Lanang at kailangan ko iyong bisitahin ngayon lalo at naroon ang may-ari. Pwede ko po bang isama si Reese? gusto ko alam niya saan ako maglalagi on my stay here.” Hinawakan ng binata ang kamay ng nobya na nasa taas ng mesa kaya naman napangiti si Rafael. Tiningnan ni Kyoko ang nobyo ng anak. Bakas sa mukha ng binata na gusto nitong ma-involve ang nobya sa lahat ng gagawin nito sa ciudad. “Oo naman Hijo, kaysa magmukmok siya rito maghapon. Ang mga kapatid niya ay sasama sa akin sa Hacienda Esmeralda lalo at tinuturuan ko na sila sa pamamahala.” Natutuwa naman si Kyoko na makitang napaka-caring ng boyfriend ng anak. Hindi rin niya nakitang nag-take advantage ito sa pagiging minor de edad ng anak. Natapos ang almusal nila at dahil walang dalang pamalit si Roan, maaga silang umalis para pumunta sa isang mall para bumili ng mga damit. Sandaling nagbihis si Reese. Napakunot ang noo ni Roan nang lumabas ang nobya na suot ang isang checkered mini skirt, baby t-shirt at high cut na chuck taylor sneakers. “Baby, magpalit ka ng damit. Ayoko na nakikita nila ang mga legs mo,’ ano Roan. Masyadong nakaka-distract ang mahaba at maputing hita mga ng nobya, pati siya ay baka hindi makapag-concentrate sa pagmamaneho. Kaya, nagpalit na lang si Reese ng leggings para wala ng reklamo ang nobyo. Lulan ng sasakyan ni Roan, magkasabay silang pumunta sa SM Davao. Nang dumating sila sa mall, kakabukas pa lang. Hawak-kamay nilang binabagtas ang daan patungo sa entrance ng mall at dahil gwapo nga naman si Roan may mga mall goers na nagpapa-cute sa binata. Tumaas ang kilay ni Reese sa ginawa ng ilang mga babae na naka-pustura pa. Bigla tuloy siyang na-conscious sa suot. Siniko niya si Roan lalo pa at may isang babae na nangahas na lumapit dito. “Romano Antonio Vergara?” Itinaas nito ang suot na shades at tiningnan ang magnobyo. Pusturang-pustura ito na nakasuot ng black bodycon dress. Kapansin-pansin ang maumbok nitong hinaharap at ang kurbada ng katawan nito. Sabihin pa ay para itong barbie doll na nagkatawang tao. Nang magawi ang tingin nito kay Reese ay napangiwi ang babae. “Excuse me, do I know you?” ani Roan sa estranghero. “Louise Montero, your classmate in college!” Minuwestra nito ang kamay kay Roan pero hindi man lang nag-abala ang binata na tanggapin iyon. Kaya kaagad na binawi ito ng babae at napaismid na tiningnan si Reese. “Sorry, but I don't remember you. My fiance and I will be going somewhere, so can we excuse ourselves now?” Hinapit ni Roan ang baywang ni Reese at naglakad na palayo. At dahil pilya si Reese ay binelatan niya ang nagpakilalang dating kaklase ng nobyo. Naglakad na sila papasok sa isang kilalang brand ng mga damit panlalaki. Anim na pares ang binili ni Roan, bumili na rin siya ng underwear. Bitbit ang pinamili, bumalik na sila sa sasakyan ni Roan at binaybay ang daan patungo sa Lanang. Halos kalahating oras din ang ginugol nila dahil medyo matrapik sa bandang Bajada, lalo pa at rush hour. Tumunog ang cellphone ni Roan at inabot iyon sa nobya. “Baby, please pakibasa ng text message,” pakiusap ni Roan sa nobya. Kaya, binuksan ni Reese ang text message. “Naghihintay na daw doon ang may-ari ng pwesto.” Napangiti si Roan lalo at nasa bungad na sila ng malaking commercial complex kung saan naroon ang pwestong tinutukoy. Malapit ito sa isang high end na supermarket at isang call center kaya nakasisiguro si Roan na magiging patok ang kanyang steakhouse kapag nagkataon. Inihimpil ni Roan ang kanyang sasakyan na nasa tapat ng pwesto na nakasarado pa ang roll up door. Inalalayan ni Roan ang nobya na bumaba sa kanyang sasakyan at inakbayan ito palapit sa pwesto. “Good morning Mr. Vergara, it is nice to meet you.” Inabot ng lalaking may edad na ang kamay nito. Tinanggap iyon ni Roan at tinanguan ang kanyang tauhan na si Jerome, ang site acquisition officer. “Nice to meet you Sir-” ani Roan. “Luisito Montero, Mr. Vergara,” anito kay Roan. Tinanguan ni Reese ang matanda at kumawala sa akbay ng nobyo. Nagpaalam siya sandali na mamasyal sa katabing mall lalo pa at alam niyang maraming pag-uusapan ang dalawa. Pinayagan naman siya ni Roan lalo pa at ayaw naman niya makialam sa magiging pagkuha nito ng pwesto doon. Nawili na naglilibot si Reese sa mall. Nang mapagod, bumili siya ng mango shake na binebenta sa isang food stall. Kasalukuyan niyang ninanamnam ang laman ng kanyang paper cup nang may pumulupot na braso sa kanyang baywang. Nang lingunin iyon ng dalaga, ang nobyo pala niya na napakatamis ng ngiti. “Awat na Vergara, at napaka-clingy mo! Pinagtitinginan tayo ng mga tindera dito sa food court oh!” ani Reese. Hindi man lang natinag si Roan, bagkus ay itinaas nito ang isang kamay at winagayway na parang isang artista na nag-mall tour. Narinig nila ang singhapan ng mga naroon na mangilan-ilan na customer at ang mga kinikilig na tingin ng mga tindera at mga stall owner. Namula ng husto si Reese. Hindi siya sanay na pinapansin ng mga tao, how much more ang pagpiyestahan lalo pa at may nakayapos na lalaki sa kanyang baywang. Sa sobrang pamumula niya ay napayuko na lang siya. At sa kanyang sobrang pagkahilakbot ay hinalikan ni Roan ang kanyang batok. Hindi nakatiis ang mga nanonood at ang ilan na mga kababaihan ay napatili pa sa sobrang kilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD