HWTMH11: Inn

1367 Words
Umuwi na sila matapos ang nakakahiyang eksena sa Food Court. Napayakap na lang si Reese sa nobyo na hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi. Sabihin pa ay mayabang nitong binandera na nobya niya si Reese. Sakay ng pick up ni Roan ay binaybay na nila ang daan pauwi. Sa diversion road sila dumaan lalo at ma-traffic na sa na bandang Bajada lalo at rush hour na pala. Halos trenta minutos din bago sila nakabalik sa Hacienda Esmeralda. Doon muna sila dumaan sa steakhouse at napangiti si Roan nang binati siya ng mga empleyado pagpasok nila. Namilog ang mata ni Reese. Akala niya noon ay biro lang kanyang Lolo Augustus na pagmamay-ari ng mga Vergara ang steakhouse na iyon. Nakapangalan diumano sa kanya at sa mapapangasawa niya iyon pero kibit-balikat lang siya palagi sa tukso ng abuelo niya. “Team, meet my fiance,” ani Roan. Muli ay namula si Reese sa naging response ng mga tauhan ng nobyo. Panay kantiyaw ng mga ito kay Roan at ang nonyo niya ay enjoy naman sa panunukso ng mga tauhan. Giniya ni Roan ang nobya sa opisina nito na nasa likod ikalawang palapag ng steakhouse. Pinaupo niya si Reese sa sofa na naroon at tinabihan ito. Hinawakan niya ang kamay nito at pinagsalikop sa kanyang mga kamay. Para silang tsokolate at gatas; sadyang namana kasi ni Reese ang kulay ng ina na parang labanos samantalang siya naman ay kakulay ng ama. “Baby, gusto ko na maging komportbale ka sa akin. Actually, matagal na akong padalaw-dalaw dito pero hindi pa kita pwedeng lapitan kagaya ng hiling ng Lolo Augustus mo. Ngayon na na-annouce na ang engagement natin ay may rason na ako na mag-stay dito.” Biglang kinabahan si Reese dahil mapapalapit na siya kay Roan. Naiisip niya na baka sa kalaunan ay baka basta na lang siya bumigay dito. Nag-init ang kanyang pisngi at hindi niya namalayan na kumalat iyon sa kanyang buong mukha. Nagtataka naman si Roan sa naging reaksyon ng nobya. Uminit bigla ang kamay ni Reese at nang mabistahan ang mukha ng nobya ay nagkulay kamatis na ito. Napaawang ang kanyang labi sa itsura ng nobya at naningkit ang kanyang mata. “You are so naughty, Baby! Mali ang iniisip mo sa akin. Una, hindi kita ibabakod. And lastly, tutuparin ko ang pangako ko sa mga abuelo natin na ihaharap kita sa altar na malinis. Oh, come on! Bakit ganyan ka, Baby?” ani Roan. “Hmp, baka mamaya ay dahil hindi ka na makatiis ay patulan mo na ang mga babae na umaaligid sa iyo!” Humaba talaga ang nguso ni Reese. Sa gwapo ng nobyo niya ay hindi malabo na maraming magkagusto dito. Ang kaklase pa lang nito na nakasalubong nila sa mall ay alam niyang patay na patay na kay Roan. Tuloy ay kinakabahan siya kung kaya ba nito maghintay ng tatlong taon pa. “Ikaw lang ang babae para sa akin. Kahit maganda sila sa paningin mo. Ikaw lang ang maganda sa paningin ko, pangit silang lahat,” ani Roan. “Talaga lang ha!” Pinandilatan talaga ni Reese ang nobyo. Tuloy ay humalgapak ang tawa nito sa opisina nito. Niyapos siya ni Roan at pinaupo sa kandungan nito. ******* Nang sumunod na araw ay nagpasya na umauwi muna sa Bukidnon si Roan. At dahil hindi pa nag-uumpisa ang klase ay pinagpaalam na ni Roan si Reese sa mga magulang nito. Pumayag naman sina Rafael at Kyoko lalo at sa Rancho Vergara naman ang kanilang pupuntahan. “Mag-iingat ka sa pagmamaneho, iho ha. At habaan mo ang pasensya sa aming anak na may attitude,” tukso ni Rafael sa anak na nanlaki ang mata sa sinabi ng ama. “Papa! Kainis!” maktol ni Reese. Napapadyak siya sa sinabi ng ama na tumalikod na. Naramdaman niya ang mabining yakap ng nobyo sa kanyang likuran at binulungan siya. “Huwag ka na magtampo sa Papa mo, baby. Buti nga pinayagan niya tayong magkasama. Ayaw mo ba iyon?” Pinihit paharap ni Roan ang nobya at giniya na pasakay sa kanyang sasakyan na nakaparada. Pinagbuksan pa ni Roan ng pinto ang nobya at maingat na sinara iyon bago siya lumigid papunta sa driver’s seat. Kinabit na muna niya ang seatbelt ng nobya at napangiti siya nang makita na naasiwa si Reese sa kanya kaya nilapit niya pa lalo ang mukha rito. Namilog ang mata ni Reese at awtomatikong napatakip sa kanyang labi ang mga kamay. Dinig niyang humalakhak ang nobyo sa kanyang tinuran. Humaba ang kanyang nguso at kinurot niya ang tyan nito. Ngunit natigilan siya sa tigas niyon. Hinuli nito ang kanyang kamay at binaba. “Ang dumi ng utak mo baby. Ang bata mo pa kaya bawal muna tayo sa ganyan,” natatawang saad ni Roan. Umandar na ang sasakyan ni Roan at tinugpa na ang daan pauwi ng Bukidnon. Napangiti siya nang makita ang backpack na dala ng nobya. Inabot ito kanina ng kasambahay nang ipagpaalam niya ang nobya sa mga magulang nito. Isipin man ng ibang tao na masyadong maluwag ang mga magulang ng nobya sa pagsama sa kanya ay wala siyang pakialam. Alas sais na ng gabi nang marating ang Bukidnon pero dalawang oras pa ang byahe papunta sa Rancho Vergara. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumuhos ang malakas na ulan habang naghahapunan sila sa isang stop over. Wala namang napabalitang bagyo kaya nagtaka si Roan. May parte ng daan ang under construction pa at delikado kung tutuloy sila ng pagbyahe. Kabisado na ni Roan ang daan kaya alam niya na bente minutos pa ang layo mula sa kanilang kinaroroonan bago ang isang disenteng inn. Tinipa niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang mga magulang. “Hello. Mommy, narito na kami sa bandang Quezon at dalawang oras pa ang byahe. Malakas ang ulan dito at delikado na tumuloy kami. Kaya, maghahanap muna kami ng Inn na matutulugan,”ani Roan. Binaba na kaagad niya ang cellphone at ayaw na muna niyang masermunan ng ina. Kailangan pa niyang kausapin ang nobya at kumbinsehin itong ipagpaliban ang pagbiyahe pauwi. “Baby, kailangan natin matulog sa isang Inn.” Humaba ang nguso ni Reese sa sinabi ng nobyo. Sabihin pa ay kinakabahan siya. Hindi niya mawari ang sarili na parang tinatambol ang kanyang dibdib at pinagpawisan ang kanyang mga palad. Hindi siya makatingin ng diretso kay Roan at nagkunwari siyang lumingon sa papasok na customer na nabasa na sa ulan. Napabuntong-hininga na lang si Roan sa reaksyon ni Reese. Alam niyang may pag-aalinlangan ito sa gagawin nila. Pero ayaw niyang makipagsapalaran na bumiyahe kahit buhos ang ulan. Kaya, sinapo niya ang mukha nito at lumuhod siya sa harap nito. “Baby, may tiwala ka naman sa akin ‘di ba?” aniya. Nang hindi umimik si Reese ay pumunta na muna siya sa kahera para bayaran ang kanilang kinain. Nginitian pa siya ng babae na kanina pa pala nagbubulungan at ang mga kasama nito. “Sir, may LQ po ba kayo ng nobya mo?” tanong nito. Sumilay ang mabining ngiti ni Roan at umiling. Naaaliw siya sa ideya na magnobyo na nga sila ng kanyang si Reese. Nilapitan na niya ito at giniya palabas ng kainan. Tahimik sila sa loob ng sasakyan at bente minutos lang ay huminto na sila sa isang magandang Inn. Buti na lang at may bakante pa. Kitang-kita naman lalo at ang disenyo niyon ay two storey. Nasa baba ang garahe at may hagdan lang na paakyat sa kwarto mismo. Isang nakaunipormeng roomboy kaagad ang lumapit kay Roan. Hindi pa bumaba ang nakasimangot na si Reese at kinailangan pa muna niyang pakiusapan ito ng mahinahon para mapapayag ito na sumama sa kanya sa silid. Nang sa wakas ay nakumbinse niya ito ay binigay na sa kanya ng room boy ang susi at umalis na. Kahit palaban siya ay nangatog ang tuhod niya na sumama papasok sa kwartong iyon. Hindi niya alam ang takbo ng utak ni Roan at baka sa kalagitnaan ng gabi at gapangin siya. Mabibigat ang bawat hakbang niya na umaakyat sa hagdan aniyon. Habang ang nobyo ay kalmado lang sa kilos nito habang sukbit ang kanyang back pack. Nang magbukas ang pinto pagkatapos i-tap ang access card ay napapikit na lang si Reese.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD