“Halika na kasi. Don’t be afraid of me.” Napangiti na lang si Roan sa ekspresyon ng nobya. Paano kasi ay napapikit ito nang buksan niya ang kwarto nila. Kinuha na niya ang backpack na dala nito at giniya na si Reese papasok. Maingat niyang sinara ang pinto at nagsalita. “Maligo ka na para komportble kang matutulog.”
Nahihiya man ay lumapit si Reese kay Roan para kumuha ng pamalit. She always brings her favorite sleepwear with her. Ang pickachu na pantulog na terno na regalo pa sa kanya ng kanyang Lolo Leon.
Pumasok na siya sa banyo at naligo na. Buti nalang at may hot and cold shower doon, Hindi na nga lang niya binasa ang buhok lalo at hindi niya dala ang kanyang hair dryer. Nagsipilyo na siya at nag- apply ng moisturizer bago lumabas.
Isang hubad baro na Roan ang nadatnan ni Reese na naghihintay sa kama. At dahil nag-iisa lang naman iyon ay lumapit na siya roon at tumabi kay Roan. At dahil nahihiya siya sa nobyo ay patalikod siyang humiga. Naramdaman na lang niya ang pagpulupot ng braso ni Roan sa kanyang katawan at ang halik nito sa kanyang balikat. Awtomatikong umuklo ang kanyang balikat na siyang dahilan para matawa ng marahan si Roan.
“Baby, nahihiya ka pa rin sa akin?” Pinihit ni Roan si Reese paharap sa kanya at banayad na hinagkan ang tungki ng ilong ng nobya. “Silly, relax because I won’t bite you. I will brush my teeth and we will sleep, okay baby?”
Tumayo na si Roan at tinungo ang banyo. He is amused that his girlfriend is scared of him. Well, given her age it’s natural that she feels that way.
Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa salamin at napangiti siya. Their skin color is contrasting. Reese is so fair that he is afraid to hold her tightly. Konting diin lang niya ay nag-iiwan ng bakas ang kanyang mga kamay. Mala- labanos ang kutis ni Reese na kagaya ng ina nitong si Kyoko na mestisa haponesa.
Nang matapos na siyang magsipilyo, lumabas na si Roan sa banyo at naglakad patungo sa higaan. Gising pa rin si Reese at kinakalikot nito ang phone nito.
“What’s wrong baby?” tanong ni Roan.
“Nag-text si Mama eh. Namomroblema tuloy ako.” Tumulis ang nguso ni Reese at tumihaya siya sa kama. Tinaas niya ang mga kamay sabay nag-unat. Nanlaki ang mata niya lalo at sa pag-unat niya ay lumitaw ang kanyang tiyan at bumakat ang kanyang n****e. Dali-dali siyang nag talukbong ng kumot sa sobrang hiya kay Roan.
Humahalakhak si Roan sa ginawa ng nobya at tumabi na rito. Inangat niya ang kumot at sumukob na rin sa kumot. Nagulat pa si Reese at mahinang tinulak si Roan. Nilabas na ng dalaga ang kanyang ulo sa kumot at sumunod na rin ang binata.
“Ano ba kasi text ng Mama mo? Patingin ako.” Akmang kukunin ni Roan ang cellphone ng nobya ngunit ayaw nitong ibigay.
“NO! Nakakahiya!” Panay ang iling ni Reese at hindi niya namalayan nakuha na pala ni Roan ang cellphone at binasa ang message ni Kyoko. Natawa na lang ang binata sa message nito sa nobya niya na ang sabi ay ‘huwag isusuko ang bataan anak, ha?’
Napangiti si Roan sa pilyang text ni Kyoko. Alam naman niyang nagbibiro lang ang ginang dahil alam nito na kinakabahan si Reese na mapag solo silang dalawa.
“Come, I want to hug you and we will sleep.” Minuwestra ni Roan ang kanyang braso at tinapik pa iyon tanda na gusto niyang doon na humiga si Reese na tumulis pa ang nguso. Nang hindi pa rin natitinag ang dalaga sa kanyang posisyon ay dinakma ni Roan ang nobya at nilingkis ng mahigpit na yakap si Reese.
“Ayyy!” Napatili na lang si Reese pero nalunod iyon nang siilin siya ng magaang halik sa kanyang labi ni Roan. It was just a peek but when he withdrew his lips, she wanted to ask for more.na
“Silly, don’t tease me baby!” Muling binigyan ng halik ni Roan si Reese and this time it is a torrid kiss. Hinawakan niya ang mga kamay ng nobya para pigilin itong maglakbay sa kanyang katawan. It took him a lot of self control to break away from that kiss. “Baby, let’s sleep okay? Bago ko pa makalimutan na menor de edad ka pa.”
Napangiti si Reese at nagniningning ang mga mata na muling hinagkan at niyakap ang nobyo. Tumahip ang kanyang dibdib at napakagaan ng kanyang pakiramdam. Pinikit na niya ang kanyang mata at hindi namalayang nilamon na pala siya ng antok.
*******
Samantala, sa mansion ng mga Vergara ay hindi mapakali si Eliza sa kaalamang nasa iisang silid matutulog ang binatang anak at ang menor edad na nobya nito. Pabalik-balik siyang nagbabasa ng isang magazine. Mamaya ay ititiklop iyon at bubuksan na naman. Nakasimangot niyang ibinaba ang magazine at inayos ang kumot.
Napangiti si Roman nang mabungaran ang asawa na hindi mapakali. Hinubad na niya ang kanyang damit at iniwan ang kanyang boxers. Tumabi na siya sa asawa at niyakap ito.
“Bakit nakasimangot si Doc Vergara?” tukso ni Roman.
“Nag-aalala ako kay Roan, honey. Baka sa susunod buwan ay malaman na lang natin na may apo na pala tayo.” Bumuntong-hininga si Eliza at niyakap ang kabiyak.
“Ano ka ba? May tiwala ako sa anak ko at isa siyang Vergara na may palabra de honor. Matulog na tayo. Bukas ng umaga narito na ang dalawa at saka mo tanungin si Reese kung naging malikot ba ang binata natin.”
“Mamaya na tayo matulog. Kumusta naman ang mga baka? Wala bang nagkasakit sa araw na ito? Ang breeding center, okay lang ba?”
“Okay lang lahat, honey. Lalo ngayon at si Randell na muna ang magiging incharge sa lahat. Mas mabuti na ang ganyan kaysa awayin siya ng mga pinsan niya.” Napabuntong-hininga si Roman. Parang kailan lang nang una nilang nakita si Randell sa Gensan at napadpad ito ng ilang buwan sa Bukidnon.
“Sana maging maayos na ang relasyon ng mga apong Alcantara. Ano na lang kaya ang magiging saloobin ng Ninong Agustin kapag nalaman niyang halos magpatayan na ang mga apo sa naiwang kabuhayan nila?” ani Eliza.
“Kaya nga mas mabuti na narito si Randell. Wala sa mga anak natin ang hilig na manatili dito sa Rancho. Lalo na ang binata natin na kaya magpapatayo ng maraming steak house sa Davao ay para mabantayan ang nobya.” Napangiti si Roman sa anak. Bagaman kalmado ito, alam niyang possessive ito pagdating sa nobya.
“Napaka-possessive naman ng anak natin. Hindi nagmana sa iyo honey na hindi naman possessive.”
“Matulog na nga tayo. Baka saan na naman mapunta ang usapan na ito.” Niyakap na ni Roman ang kabiyak at ilang saglit pa ay sabay silang nakatulog.
*********
Nagising na si Roan kahit ‘di pa man tumutunog ang alarm sa kanyang cellphone na nasa bedside table. Napangiti siya dahil marahang humihilik pa ang nobya at nanguyapit pa ito sa kanyang katawan. Marahan niyang tinanggal ang yapos nito at pinalitan ng unan para hindi maistorbo ang pagtulog nito.
Pumasok si Roan sa banyo para pagbigyan ang tawag ng kalikasan. Pagkatapos ay nagsipilyo na siya at naghilsamos na rin. nang nakabalik na siya sa silid nila, tulog pa rin si Reese kaya binuksan niya ang kanyang messenger. Tumirik ang kanyang mata nang mabasa ang mga mensahe ng ina.
Sandaling inayos ni Roan ang kanyang backpack, pati na kay Reese. Kumuha na siya ng damit ng nobya para makaligo na ito bago sila tuluyannilanmg lisanin ang Inn para makauwi na sila sa Rancho Vergara. Nilapag ni Roan ang damit ni Reese sa kama at marahang ginising ang nobya.
“Baby, bangon na diyan at umaga na. Kailangan na natin bumiyahe pauwi ng Rancho.” Napangiti si Roan nang hindi man lang minulat ni Reese ang kanyang mga mata, bagkus ay mas niyakap pa nito nang mahigpit ang unan. “Baby, gising na! Nariyan sa labas ang Mama mo at galit.”
Ang kaninang tulog na diwa ni Reese ay biglang nagising. Nang marinig niyang sambitin ni Roan ang mama niya ay awtomatiko na dumilat ang kanyang mata at napabalikwas siya. Pero, ang nakangiting mukha ni Roan ang kanyang nabungaran. Kaya, naningkit ang kanyang mga mata. Sa inis niya ay kinuha niya ang unan at hinambalos ang nobyo.
“Ouch, baby! Ang tapang mo naman!” Bagaman nagreklamo ay nae-enjoy naman si Roan na inisin ang nobya na gulong-gulo pa ng buhok pero hindi naman iyon nakakabawas sa ganda ng kanyang mahal.