[Lance]
TAMA si Lola Asun, kailangan n'yang humingi ng tawad kay Letlet. Pumunta siya sa kwarto ng pinsan at kumatok.
"Letlet—"
"Wag mo 'kong kausapin dahil baka matabas ko 'yang dila mong bwisit ka!" Malakas na singhal ng dalaga.
Bumuntong-hininga siya. "Alam ko na mali ako, Letlet. Sorry na please... nag aalala lang talaga ako sayo kaya bilang pinsan mo ay ginawa ko lang ang alam kong tama—"
"Ang sabihin mo may tama ka na sa utak!"
Mukhang mahihirapan siyang mapaamo ang dalaga.
"Alright, tama ka na, may tama ako. Ayos na ba?" Hindi tumugon ang dalaga. "Patawarin mo na ako, Letlet. Ano ba ang gusto mo para patawarin mo na ako? Sabihin mo lang—" Halos mapatakbo siya sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Letlet at walang reaksyon ang mukha na nakatingin 'to sa kanya.
Napapalunok na lumayo siya sa dalaga sa takot na bigla nalang 'to lumundag sa kanya na parang pusa at kalmutin na naman siya.
"Sigurado ka na ibibigay mo sa akin lahat ng gusto ko?"
Nakita niya ang pagkislap saglit ng mata ng dalaga ng tumango siya, pero saglit lang 'yon at agad ding nawala.
"Bilhan mo 'ko ng lipstick." Matapos sabihin ni Letlet 'yon ay malakas na isinara nito ng pinto.
Napangiti siya. Lipstick lang pala ang gusto nito. Napakasisiw! Nagmamadali na naligo siya at nagbihis. Paglabas niya ng bahay ay natigilan siya.
"Damn." Mahina n'yang mura ng maalala na hindi siya si Lance ngayon kung hindi si Lucian!
Wala siyang pera at wala siyang hawak na card maski isa. Maaari naman siyang tumawag sa mga tauhan niya ngunit baka makarating agad 'yon sa kanyang tiyuhin. Wala siyang dapat na pagkatiwalaan ngayon dahil hindi naman niya alam kung sino-sino pa ang kasabwat nito. Ang Lolo lang niya ang dapat n'yang pagkatiwalaan dahil ito lang ang sigurado siya na hindi magtatraydor sa kanya. Paano siya magagawa na traydurin ng abuelo kung siya ang tagapagmana na inaasahan nito?
Napailing siya.
Kahit ang kanyang Lolo ay hindi rin niya maaari na kontakin sa ngayon dahil baka kasama 'to ng kanyang tiyuhin. Sa ngayon ay kailangan niya muna na patagalin ang pamamalagi niya sa Isla ng sa gayon ay hindi malaman ng tiyuhin niya na buhay pa siya.
Shit! Paano naman niya mabibilhan ng lipstick si Letlet nito?
He can buy a whole mall with just a snap of his finger, but in his situation right now, nah! Kahit isang lipstick na gustong-gusto ng babaeng mahalaga sa kanya ay hindi niya mabili.
Mahalaga?
Hindi niya mapigilan ang ngumiti. Ngayon lang nagkaroon ng babae na mahalaga sa buhay niya bukod sa mommy niya, kaya gagawin niya ang lahat para mapasaya 'to.
[Letlet Scene]
"GRABE, NAPAKAKISIG NIYA! Sana hindi lang isang imported ang mapadpad dito sa atin sa Isla para hindi tayo nag aagawan sa iisang lalaki!" Kilig na kilig na saad ni Birang. Kulang na lang ay mangisay 'to na parang bulate na binudburan ng asin.
Napaismid si Letlet saka tumingin sa pinsan niya na tumutulong kila Mang Mario na ibaba ang mga nahuling isda. Ilang araw na 'tong sumasama sa pangingisda, hindi daw kasi nakasama si Balug dahil may inaasikaso 'to na napakahalagang bagay daw, pero alam naman niya na umiiwas lang 'to sa kanya dahil sa mga sinabi ng baliw n'yang pinsan.
Mabuti na rin 'yon para hindi na siya nito kulitin pa.
"Letlet!" Agad na kumapit sa braso niya si Birang. "Ang sipag ng pinsan mo, ganyan ang nais kong mapangasawa." Ani pa ng kaibigan niya. "Alam mo ba na usap-usapan ngayon na inaswang iyang si Lucian, hay naku, kawawa naman ang Lucian ko, puro kalmot ng aswang ang mukha."
Naitirik niya ang mata. Sino naman kaya ang nagkalat ng balitang 'yon? Di kaya ang pinsan na naman niya?
"Letlet, di'ba pwede na asawahin ko na si Lucian? Sige na please?" Inalog-alog pa ni Birang ang braso niya.
"Bahala ka, asawahin mo na 'yan kung gusto mo. Naku, sinasabi ko sayo, maraming kuto at lisa ang bulbol n'yan." Inis na pakli niya bago umalis.
"Hoy Letlet!"
Hindi niya pinansin si Birang. Natigil siya sa paghakbang ng masalubong si Balug.
"Hi, mahal ko." Todo ngiti na bati ni Balug.
Akala niya ay hindi na 'to magpapakita sa kanya.
"Mahal ko, alam ko na ang lahat tungkol sayo. Maniwala ka, tanggap kita. Hindi lang ako nagpakita sayo dahil pinag isipan ko talaga ng mabuti ang dapat kong gawin."
"Pwede ba—" Natigil siya sa pagsasalita ng itaas ni Balug ang braso.
"May kuto at lisa na rin ako sa kilikili ko, mahal ko! Pinaparami ko na rin ang iba sa ulo ko, hindi na rin ako nagpapalit ng salawal katulad mo—"
Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito. Mabilis na kumaripas siya ng takbo.
"Mahal ko, iyong luga sa sunod nalang!" Habol pa ni Balug.
Bwisit na Balug 'to! Isa pa 'tong baliw katulad ng pinsan niya!
ABALA SIYA sa pagtulong kay Lola Asun na magbalat ng papaya ng dumating si Kuya Lucian. Bakas ang pagod sa perpekto nitong mukha. Ilang araw na ba 'tong tumutulong kay Mang Mario? Tatlo? Lima? O nasa isang linggo na?
"Magandang gabi, Lola, Letlet." Bati ng binata bago naupo paharap sa kanya.
Inirapan lang niya ang binata pero isang kurot sa hita ang natamo niya sa Lola niya.
"Aray naman!" Reklamo niya. Paano ba naman ay pino ang pagkakakurot nito sa kanya.
"Tigilan mo ang kaiirap, Letlet, binati ka ng maayos ng pinsan mo kaya umayos ka!"
Bahagya siyang napa-atras sa lakas ng boses ng Lola niya.
"Hayaan mo siya, Lola, naiintindihan ko naman kung bakit galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon." Maging sa boses ng pinsan niya ay halata ang pagkapagod.
Mahina siyang napabuga ng hangin. "M-Magandang gabi rin." Napipilitan na sambit niya.
Natigilan siya ng makita na ngumiti ang pinsan niya. Grabe, ang puti ng ngipin ni Kuya Lucian, parang perlas!
"Letlet, maghain ka na." Utos ng Lola niya matapos nitong magluto.
Habang naghahain ay napansin niya na tila babagsak na ang mata ng pinsan niya na para bang anumang sandali ay makakatulog na 'to sa kinauupuan.
Malakas na ibinagsak niya ang plato sa harap ng binata dahilan para mabigla at dumilat 'to.
"Kumain ka muna, Kuya Lucian, hindi ka maaaring matulog ng walang laman ang tiyan." Aniya rito.
"Lucian, tama ang pinsan mo, kumain ka muna bago ka matulog, ako ay mauuna ng matulog dahil masakit ang katawan ko."
"Lola, kumain ka rin muna."
"Kumain na ako kila Anita kanina, Letlet, kaya kayo nalang ang kumain ni Lucian." Sabi ni Lola Asun bago tumayo at iwan sila.
Natigilan siya ng mapansin na nakatingin sa kanya si Kuya Lucian. May sasabihin ba 'to?
"Salamat sa pagkain, Letlet." May ngiti sa labi na wika ng binata.
Hindi niya magawa na irapan o sungitan 'to. Hindi nalang siya sumagot at tahimik na kumain, maging ito rin ay nagsimula na rin kumain.
Tumayo siya at dinala ang pinagkainan niya sa lababo, pagbalik niya ay nakita niya si Kuya Lucian na nakatungo ang ulo at nakapikit. Hindi tuloy niya maiwasan ang maawa sa kalagayan nito ngayon.
Bakit ba halos patayin na nito ang katawan sa pagtatrabaho? Mukhang hindi pa naman 'to sanay sa mabigat na gawain, kaya talagang mapapagod talaga 'to.
Matapos na ligpitan ang lahat ay marahan n'yang tinapik ang pisngi ng pinsan niya.
"Kuya Lucian, wag ka matulog dito, do'n ka sa kwarto mo." Aniya rito, pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi ito dumilat.
Sinilip niya ang mukha nito at mahina n'yang sinundot ang pisngi nito gamit ang hintuturo. Ang lambot ng mukha! Hindi siya nakuntento, ilong naman nito ang sinundot niya.
Perpekto talaga.
Mabuti pa at kumuha nalang siya ng unan at kumot para rito. Nang tumayo para kumuha ng unan at kumot ay may malakas na kamay ang pumigil sa braso niya. Si Kuya Lucian, gising na 'to at nakatingin sa kanya.
"For you." Saad ng pinsan niya sabay abot ng isang kulay brown na paper bag sa kanya.
Saglit na natigilan siya.
"I'm really tired, Letlet. Accept it because I really need to rest right now." Paos ang tinig na sabi nito bago inilapag sa mesa ang hawak.
Sinundan niya ng tingin ang pinsan niya hanggang sa makapasok 'to sa kwarto.
Kinuha niya ang paper bag at binuhos ang laman niyon. Nanlaki ang mata niya sa sobrang gulat at tuwa.
Hindi lang isang lipstick ang laman niyon kung hindi sampo!
Kaya ba 'to nagpagod ng husto sa pagsama kila Mang Mario? Ito ba ang dahilan ng pinsan niya? Para mabilhan siya ng mga 'to?
Naiiyak na tinakbo niya ang pinsan sa kwarto para magpasalamat pero pagdating niya ay tulog na 'to.
"Salamat, Kuya Lucian." Pinaghahalikan niya ang pisngi nito sa sobrang tuwa. "Pangako, simula bukas ay hindi na ako galit sayo. Salamat talaga, Kuya Lucian!" Isa pang halik sa pisngi ang ginawad niya bago tuluyang lumabas.
Kulang ang salitang saya para ilarawan ang nararamdaman n'ya. At aaminin niya, ito na ang pinakamagandang regalo na natanggap niya!