[Letlet]
Sinadya n'yang agahan ang gising. Agad na hinanap niya ang salamin at nakangiting naglagay ng lipstick sa labi.
"Magandang umaga, Lola!"
Naibuga ni Lola Asun ang kape na iniinom. Masyado yatang nagandahan sa kanya. Tama nga si Birang. Nakakaganda ang lipstick.
Napahagikgik siya.
"Lola, pupuntahan ko lang si Birang!" Hindi na niya hinintay na magsalita ang Lola niya, agad na umalis siya ng bahay na halos mapunit ang labi sa pagkakangiti.
Lahat ay napapatingin sa kanya kaya mas lalo siyang napapangiti. Katulad ng Lola niya ay tiyak na nagulat ang mga 'to sa kagandahan niya.
Gumanda rin sa wakas!
Nang makita si Birang ay agad niya 'tong nilapitan. "Ay aswang!" Nakahawak sa dibdib na sambit ni Birang ng makita siya.
Aswang?
Teka nga, siya ba ang tinutukoy nito? Nalukot ang mukha niya.
"Aba, Birang, ang ganda ng umaga ko kaya wag mong sirain!" Maka-aswang naman 'to, parang di araw-araw nakikita ang sarili sa salamin.
Sinuri ng mabuti ni Birang ang mukha niya. "Anong ginawa mo sa mukha mo?" Natatawang tanong nito.
"Naglagay ng lipstick." Hinawakan niya ang pisngi kung saan naglagay din siya ng lipstick. "Maganda naman di'ba?"
Malakas na natawa ito.
"Ang sabi mo sa akin, pwedeng ilagay ang lipstick sa pisngi at talukap ng mata, kaya naglagay ako." Bukod kasi sa labi ay naglagay din siya sa pisngi at talukap ng mata.
Tumigil sa pagtawa saglit si Birang, pero ng tumingin uli ito sa mukha niya ay natawa na naman ito.
"Isang pang tawa, pipili ako ng ibang mapapangasawa ni Kuya Lucian." Banta niya na agad nitong kinatigil.
Pinahid ni Birang ang luha sa gilid ng mata na naluha sa sobrang pagtawa.
"Ito naman, pasensya na. Ikaw naman kasi, bakit ka naglagay ng ganyan kakapal na lipstick mukha mo." Nilapitan siya ni Birang at hinawakan ang mukha niya saka nilakumos na ewan.
"Mali ba ang ginawa ko?" Akala pa naman niya ay nasamid ang Lola Asun niya dahil nagandahan sa kanya. Pero mukhang kabaligtaran 'yon, mukhang natakot yata 'to.
Makalipas ng ilang sandali ay tumigil na si Birang sa pag ayos sa mukha niya. Nang tumigil si Birang sa ginagawa at tumingin sa kanya ay nakita niya na natigilan 'to.
"P-Panget ba? H-Hindi bagay?" Tanong niya.
Umiling si Birang. "Uwi ka tapos saka mo tingnan sa salamin niyo." Tumingin sa likuran si Birang. "Sandali, tawagin ko si Balug para siya ang magsasabi kung bagay ba o hin—"
Hindi na niya hinintay na matapos si Birang. Kumaripas na siya ng uwi pabalik sa bahay nila.
Sigurado na tuluyan ng masisira ang araw niya kapag nakita niya si Balug. Umasim ang mukha niya ng maalala ang huli nilang pagkikita.
Hindi lang niya ito ti-tsinelasin sa oras na banggitin nito ang salitang kuto at lisa.
"Letlet! Ke-aga aga ay inuuna mo ang gala!" Namewang ang matanda. "Gisingin mo ang Kuya Lucian mo at mag almusal na kayong dalawa!"
Sinundan niya ng tingin ang Lola Asun niya. Hindi siya pinuri? Malamang ay hindi nga bagay sa kanya ang maglagay ng lipstick sa pisngi at talukap ng mata.
Sana pala ay sa labi nalang siya naglagay.
Napabuntong hininga siya. Sa paglalagay pa nga lang sa labi ay hirap na hirap na siya. Paano ay palaging lagpas. Hindi bale, sa sunod ay sigurado na makakapaglagay din siya ng lipstick ng hindi lumalagpas.
Pagkapasok sa loob ng bahay ay agad na nagtimpla siya ng kape at naglagay ng nilagang saging ng saba sa bandehadong plastik.
Nakapagtataka naman. Bakit hindi pa rin lumalabas ng kwarto ang pinsan niya? Nauuna pa nga itong magising kaysa sa kanya.
Sobra siguro itong napagod kaya hanggang ngayon ay tulog pa.
"Kuya Lucian!" Kinatok niya ang kwarto nito. Pero lumipas na ang ilang minuto ay wala siyang narinig na sagot rito.
Mukhang masarap ang tulog nito. Bumalik siya sa mesa at tiningnan ang kape na tinimpla niya para sa kanilang dalawa.
"Gigisingin ko ba siya?" Tumayo siya para kumatok sana uli, pero tumigil din. "Nakakahiya naman. Binilhan niya ako ng sampong pirasong lipstick tapos iistorbohin ko ang tulog niya?"
Muli siyang bumalik sa pagkakaupo.
"Paano kung bumalik si Lola at pagalitan siya?"
Napakamot siya sa ulo. Bumalik siya sa tapat ng kwarto ng pinsan niya.
"Kuya Lucian?" Kung kanina ay malakas ang boses niya, ngayon ay hindi na.
Dahan-dahan n'yang tinulak ng pinto. Dahil hindi naman nakahalang ang isang dangkal ng kahoy na nagsisilbing kandado ng kwarto ay bumukas 'yon.
"Kuya Lucian?" Aniya habang nakatayo lang sa gilid ng pinto at nakatingin rito.
"Uhmm." Mahinang ungol ang lumabas sa labi nito.
Lumapit siya rito at umupo sa gilid ng papag kung saan 'to nakahiga.
Hindi niya talaga masisisi ang mga kababaihan rito sa isla. Kahit tulog ang pinsan niya ay umaapaw ang kakisigan nito.
"I-I'm... I-I'm freezing."
Kumunot ang noo niya ng marinig ang kakaibang lenggwahe na ginamit nito. Nang bubuka na ang labi niya para magtanong ay natigilan siya.
Ngayon lang niya napansin. Nanginginig ang katawan nito na para bang nilalamig, namumuo rin ang pawis sa noo nito.
Agad na sinalat niya ang noo nito. At tama nga ang hinala niya.
Ang taas ng lagnat nito!
Lalabas na sana siya ng kwarto para tawagin ang Lola Asun niya, pero naalala niya, hindi nga pala niya natanong kung saan 'to pupunta. Kung hahanapin niya pa ito ay maiiwan ang Kuya Lucian niya ng walang kasama.
Hindi niya dapat iwan ang pinsan niya sa ganitong sitwasyon. Lalo na't mataas ang lagnat nito.
Kumuha siya ng isang plangganita at bimpo saka nilagyan 'yon ng tubig. Lumabas siya saglit at kumuha ng dahon ng tuba-tuba kung tawagin sa kanila para ilagay iyon mamaya sa noo ng pinsan niya.
Hindi man siya kasing galing ng Lola Asun niya sa pag aalaga ay may alam naman siya kahit pa'no.
Saka bilang pinsan ay hindi dapat niya 'to pabayaan!
Walang pag aalangan na hinubad niya ang suot na pang itaas nito.
Natigilan siya at napatingin sa malapad na dibdib nito. Katulad ng ibang kalalakihan sa kanilang isla ay may bato ito sa tiyan. Ang kaibahan nga lang ay mas marami sa pinsan niya.
Isa... Dalawa... Tatlo...
Teka...
Walo? Bakit ang dami naman yata?
Matapos mahubad ang pag itaas ay sinunod niya ang pang ibaba nito. Sanay siyang makakita ng ganito, pero hindi ganito kalaki.
Pinahid niya ang pawis sa noo—
Pinagpapawisan siya? Hindi kaya dahil may lagnat rin siya?
Agad na kinapa niya ang noo. Nakahinga siya ng maluwag. Wala naman pala... Pero bakit ang init?
Dahil ba nahirapan siyang alisan ng damit ang pinsan niya? Ang laking tao naman kasi nito.
Matapos punasan ang buong katawan ni Kuya Lucian ay kinuha niya ang mga dahon ng tuba-tuba at saglit na ininit lahat ng 'yon sa ibabaw ng gasera. Matapos initin ang lahat ng dahon ay tinapal niya 'yon sa noo ng nito.
Bumuga siya ng hangin matapos suotan 'to ng panibagong damit. Natagalan din siya sa pagsuot ng damit nito.
Hindi maialis ang pag aalala sa dibdib niya. Nakakaramdam din siya ng konsensya. May palagay kasi siya na siya ang dahilan ng pagkakasakit nito. Dahil para maibigay ang gusto niya, nagpakapagod 'to ng husto sa pagtatrabaho.
Napansin niya na nanginginig pa rin ang katawan nito. Kumuha siya ng isa pang kumot para doblehin ang kumot nito, pero hindi 'yon tumalab.
Naalala niya dati no'ng bata pa siya kapag nanginginig siya dahil sa lamig ay niyayakap siya ng Lola Asun niya.
Humiga siya sa tabi ng Kuya Lucian niya. Umilalim din siya sa kumot at saka ito mahigpit na niyakap, pero dahil maliit lang siya at malaki ito ay hindi magawang masakop ng katawan niya ang katawan nito.
Pero mas mabuti na ang may ginawa siya. Pinsan naman niya 'to. Saka hindi 'to pwede mamatay.
Mamaya siya pa ang sisihin ng Lola Asun niya sa oras na mangyari 'yon.
[Lance]
"You can't escape from me, Lance! Harapin mo na ang kamatayan mo ng hindi ka na mahirapan pa!"
Nakangiwi na hinawakan niya ang balikat na duguan. Sinandal niya ang ulo sa pader habang pigil ang paglabas ng daing sa labi niya dahil sa sakit.
His Uncle Ben shot him, not once but twice!
Why is he here again in this situation? Will he die here now? Damn!
"Just accept that you're going to die now, Lance. Of the two of us, you are the loser and should be gone!"
He cursed again and again in his mind. Damn! Why? Just because of inheritance? Is his Uncle willing to kill him just like this?!
"Hindi sa'yo mapupunta ang Kerford Corp! Sa akin lang!" Kasabay ng salita nito ay siya namang biglang sulpot ng tiyuhin niya sa kanyang harapan. His Uncle Ben is now smiling evily to him, na para bang ito na ang katapusan niya.
"Mamatay ka na!"
Dumilat siya ng habol ang paghinga. Pawis na pawis siya na para bang galing siya sa mahabang pagtakbo.
Damn it! It was a dream. A fùcking dream!
Akala niya ay totoo na. Hindi niya akalain na kahit sa panaginip ay matatakot siya ng ganito. Hindi naman siya masamang tao para kumuha ng hired killer para ipatumba ang tiyuhin niya. Hindi niya gagawin ang bagay na 'yon. Hinding-hindi...
Gusto n'yang umupo at uminom ng tubig. Natigilan siya ng maramdaman na may bagay na nakapatong sa leeg niya at sa hita niya.
"T-Teka lang naman po, Lola! Wala po akong kasalanan! Buhay pa si Kuya Lucian!"
Nawala ang lahat ng bigat na nasa dibdib niya habang nakatitig sa mukha ni Letlet na halos malapit na sa mukha niya. Nakatagilid kasi ito habang nakayakap ang kamay sa leeg niya. Ang binti naman ng dalaga ay nakapatong sa hita niya.
"Lola naman..." Patuloy si Letlet sa mahinang pagbulong.
Tumagilid siya ng higa para humarap sa pinsan niya—no, mas mabuting sabihin na pekeng pinsan.
Hindi niya alam kung ano ang nasa panaginip nito, pero ang banggitin nito ang pangalan niya sa pagtulog ay....
Bakit masaya siya?
Kumunot ang noo niya ng matitigan ang mukha ni Letlet. Katulad ng palaging nangyayari...
His heart is now beating fast.
Maganda na ang dalaga kahit walang kahit ano sa mukha, pero ngayon ay mas lalo 'tong gumanda.
Nahigit niya ang hininga ng lumapit ang ulo ni Letlet at sumubsob sa leeg niya. Tila milyo-milyong bultahe ng kuryente ang gumapang sa buo n'yang katawan ng maramdaman ang mainit nitong hininga.
Gusto n'yang alisin ang dalaga at ilayo sa kanya, pero hindi niya magawa!
Ang malambot nitong balat na ngayon ay nakadikit sa kanya ay nakakabaliw ang dulot na init.
Bakit kay Letlet lang siya nakakaramdam ng ganito katinding sensasyon na hindi niya maipaliwanag?
Dahil ba pinsan niya ito?
Damn no! Pinsan? Sino ba ang niloloko niya?
"F-Fùck." Mahina n'yang mura ng dumikit ang labi ni Letlet sa leeg niya.
"Letlet?! Lucian?!"
Nanlaki ang mata niya ng marinig ang malakas na boses ni Lola Asun.
Why now? Kung kailan naman gusto niya pang manamnam ang init ng katawan ni Letlet?
Nagmamadali na nagsapin siya ng banig sa lapag at inilagay do'n ang tulog na si Letlet. Kinumutan niya 'to bago siya nagtulog-tulugan sa papag.
"Letlet? Lucian?" Nabahiran ng pag aalala ang boses ng matanda. Lumapit ito sa kanya at sinalat ang noo niya na may mga dahon pa na alam niya na si Letlet ang may gawa.
Inalagaan siya ni Letlet. At sapat na ang bagay na 'yon para mapuno ng tuwa ang dibdib niya.
Rinig niya ang muling pagsara ng pinto ng kwarto niya. Lumabas na ng kwarto ang matandan.
Nang gagalaw na siya para tingnan si Letlet ay natigilan siya.
Paano ay bigla nalang lumundag si Letlet at dumagan sa mismong pagitang ng mga hita niya!
Nilapit ni Letlet ang tenga sa tapat ng dibdib niya. "Mabuti naman at buhay si Kuya Lucian." Tila nakahinga na sambit ng dalaga. "Ang galing ko talaga mag alaga!" Dagdag pa nito.
Nagsimula na siyang pagpawisan. Hindi niya gustong gumalaw para hindi nito malaman na gising na siya.
"Lagot! Bakit pinagpapawisan ka na naman?" Tarantang tanong pa ni Letlet.
Damn! Sinong hindi pagpapawisan gayong ang alaga n'ya ay inuupuan nito?!
Kinapa ni Letlet ang noo niya. "Hmm, may sinat ka pa." Gumalaw si Letlet. "Ano ba 'yon bakit ang tigas?"
Gumalaw ang adam's apple niya ng gumalaw si Letlet dahilan para magkiskis ang pang ibaba nila.
"P-Please... get out of my room..." Paos na daing niya.
Tumingin si Letlet sa kanya ng may pagtataka sa mukha.
"U-Umalis ka ng kwarto ko!" Nilakapan niya ng galit ang boses niya dahilan para mabilis na mapatakbo si Letlet palabas.
Natampal niya ang noo. Damn! Napasobra yata ang pagsigaw niya dahil nakita n'yang may takot sa mukha ni Letlet ng sumigaw siya.
Masisisi ba siya? Kung hindi niya ginawa 'yon ay hindi niya alam kung ano ang magagawa niya.
Ano nga ba ang magagawa niya?
He groaned.
Pinsan niya si Letlet! Iyon ang dapat na itatak niya sa utak niya!