"SINADYA ko talagang magpunta rito para magdala ng pagkain baka kasi hindi mo pala gusto ang luto ni Amara dahil puro filipino food lang ang alam niyan. Nagtrabaho kasi ako dati sa isang spanish restaurant kaya alam ko ang gustong kainin ng mga spanish men," mahabang alintana ni Johanna. Inilabas nito ang taperwer sa paperbag na dala dala niya at inilapag iyon sa lamesa namin. Sinadya niya pang i-usog ang mga pagkain na nakalagay roon para mailapag ang taperwer na dala dala niya. Sinundan ko lang ang bawat kilos nito, nagtataka. So, hindi siya pumunta rito dahil sa akin kung 'di dahil gusto niyang ibigay kay William ang mga dala niya? Sila Khalil at Lualhati ay nanonood lang sa nangyayare kahit na bakas na bakas sa mukha ng mga ito ang pagtataka dahil sa babaeng ito. Kahit ako nagtataka

