DAHIL sa nangyareng eksena sa kasal ni Wyatt ay mabilis na kumalat sa lahat ang balitang engage na nga ang Chairman. Hindi nakakapagtaka pa iyon dahil sikat ang pangalan ni William pagdating sa business at sikat din pagdating sa mga babae dahil sa talino nito at itsura pa na parang holiwood star. Sino ba kasing hindi magugulat kung ang pinakabatang Chairman ng Baldemor Corporation ay bigla na lang magpro-propose sa kung sino lang naa babae at i-announce sa public na engage na ito matapos nitong ma-divorce sa dati nitong asawa na super model at maging single ng ilang taon? "What's your next plan?" Tinabihan ako ni William at binigyan ng wine glass na may lamang alak. Kinuwa ko iyon at muling ibinalik ang paningin ko sa mga bituwing nagkalat sa paligid. Kasalukuyan kaming nakatambay sa v

