"WYATT! Stop! What are you doing?" sigaw ni Meilani. Utomatikong nagtungo sa ingay na 'yon ang atensyon ko. Kita ko si Wyatt na papalapit sa pwesto namin, kung hindi lang siya hinila ni Meilani para patigilin ay baka tuluyan na siyang nakalapit. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niya. Sinamaan niya ako ng tingin nang magtagpo ang aming mga mata. Halata naman sa mukha ni Wyatt na hindi siya natutuwa sa nangyayare. Hindi ako makapaniwalang magkakaganito siya sa sariling kasal niya dahil lang sa akin. Nakalimutan niya yata ang ginawa niya sa akin noon kaya kung magalit siya noon ay parang siya pa ang biktima sa aming dalawa. Ibinalik ko ang paningin kay William ng hawakan niya ang kamay ko. "Amara," tawag niya sa akin. Saka ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakasagot sa tanong nito. M

