TATLONG araw na ang nakakalipas ng makabalik kami sa manila pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung buhay pa ba si Uncle William o hindi. Habang lumilipas ang mga araw ay unti-unting akong nawawalan ng pag-asang makababalik pa ito. Siguro kailangan ko ngang tanggapin ang katotohanan na wala na siya. Ang tanging balita lang na natanggap ko ay tungkol sa mga lalaking humahabol sa amin non. Ayon kay Khalil ay nahuli na ang dalawang lalakeng humahabol sa amin noon pero walang nakuwang impormasyon sa mga ito dahil namatay din sa biglang pagkalason. Nagulat talaga ako ng malaman ang balitang iyon. May sumadyang manglason sa mga lalaking 'yon upang hindi makapagsalita ng mga alam nila. Mas lalo tuloy nagliyab ang takot sa sistema ko. Natatakot ako na baka magaya ako sa mga lalaking iyo

