NALAMAN kong Khalil ang pangalanan ng lalake. Nalaman ko ding hindi lang siya tauhan ni Uncle William kung di malapit din rito. Hindi ko rin inakalang 14 years old pa lang siya dahil mukha na siyang matured.v Inihatid kami ni Khalil sa isa sa mga penthouse ni Uncle William upang doon muna kami pansamantalang tumira si Lualhati. Hindi pa kasi safe dahil hindi pa nahuhuli ang nasa likod ng tangkang pagpatay sa amin. Hindi ko rin pwedeng iwanan na lang si Lualhati rito dahil wala si Uncle William. Wala na rin akong matitirhan pa. Hindi naman pwedeng bumalik ako sa mansyon nila Wyatt kung saan kami dating live in. Kailangan ko ng makahanap ng bagong titirhan. Baka maki-usap na lang ako kay Johanna kung maari ako nitong patuluyin sa bahay niya. Habang hindi pa nahuhuli ang nag-utos na gawin

