"KUMAIN po muna kayo, Ma'am," turan ng isa sa mga tauhan ni Uncle William sa akin. Sa lahat ng tauhan ni Uncle William ay ito ang mas bata kung titignan. Mukha pa ngang totoy kung hindi lang nakasuot ng taxedo. May hawak itong plastic na may logo ng isang sikat na past food pero umiling lang ako. Wala akong ganang kumain. Paano ako makakakain matapos ang nangyare. Nang sinunod ko ang utos ni Uncle William at humingi ng tulong sa mga tauhan niya ay agad umantabi ang mga ito para puntahan ang amo nila. Hindi ko na alam pa ang sunod nangyari sa binata. Gusto mang bumalik sa lugar na iyon ay para masiguradong ligtas siya pero hindi ko na nagawa. Ngayon ay nasa sasakyan ako pabalik sa manila kasama si Lualhati. Kahit ayoko mang bumalik ng hindi kasama si Uncle William ay wala akong choice. P

