"PARA akong mamatay," sambit ko ng makababa kami. Parang kinuwa ni kamatayan ang kaluluwa ko sa rides na 'yon. Hinding hindi na ulit ako sasakay rito! Natatawa akong hinila ni Uncle William para makaalis na kami. Hindi na namin trinay ang ibang rides dahil natatakot na ako. Sa halip ay trinay naman namin ang ibang games. "MagC-CR lang ako," paalam ko sa mga ito. Dahil sa walangyang ferris wheel na iyon ay pakiramdam ko nausog ang pantog ko. Tinignan ako ng binata. "We'll come with you," aniya pero umiling ako. "Huwag na. Babalik ako agad." Halata sa mukha nito na ayaw niyang hayaan akong umalis pero wala na itong nagawa. Hindi naman siya aso para pati sa CR ay gusto nitong sumama tyaka babalik rin naman ako. Kailangan ko lang ilabas ito. Nagtungo ako sa pinakamalapit na restroom na n

