HINDI rin nagtagal ay nakalabas din ako ng ospital. Ayon sa doctor ay wala naman daw masamang naging epekto sa akin ang pagkakauntog ko. Na-alog lang yata ang utak ko kaya ako nahilo at nahimatay, mabuti na lang at agad akong naitakbo sa ospital ni William bago pa tuluyang lumala ang lahat. Sinalubong ako ni Lualhati ng makauwi kami. "Mommy!" mangiyak-ngiyak niyang turan. "Mommy?" natataka kong tanong. Sa pagkakaalala ay hindi naman 'Mommy' ang tawag ni Lualhati sa akin. Bago pa tuluyang makalapit sa akin si Lualhati ay nauna na siyang kargahin ni William. "You can't play with your Ate Amara right now. She needs to rest," ani nito sa bata. Hinarap niya ako. "Go to your room for now, Amara. I will order a dinner for us." Tumango naman ako. Medyo napagod din kasi ako sa byahe. Hindi ri

