"ARE you sure about this?" seryoso niyang tanong. Hindi ko maintindihan pero sa kung anong dahilan ay para bang kumikinang ang mga mata niya ng itanong sa akin iyon. Para bang may halong saya at excitement... Napailing na lang ako. Kung ano ano na lang ang nakikita ko. Side effect siguro ito ng pagkakauntog ko. Mukhang alam ko na kung anong resulta ng pagkakaconfine ko. Walang iba kung 'di 'Kabaliwan' Tama! Kabaliwan! Bakit naman sasaya si Uncle—este William pala kapag nalaman niyang pumapayag akong magpakasal sa kaniya? Alam niya namang pumapayag lang ako dahil gusto ko siyang gamitin upang makapaghigante sa mga taong nanakit sa akin noon. Napaisip ako dahil don. "B-Bakit nga pala inaya mo akong magpakasal? May galit ka rin ba sa pamilya ni Wyatt kaya ganon?" Imposible namang magyaya

