"IS THERE something wrong, Amara? Who is it? Who called you?" Kunot ang noong tanong ni William ng makita ang pagbabago ng emosyon ko. Hindi ako nagsalita. Hininaan ko pa ang volume ng phone para hindi marinig ni William ang nagsasalita sa kabilang linya. Itunulak ko siya papaalis sa harapan ko para makababa ako ng table. Nagtatakang sinundan ako ni William ng tingin. "T-Tumawag si Mama. S-Sasagutin ko lang ito," pagsisinungaling ko. Hindi na ako nag-antay pa ng sagot niya at nagmamadaling lumabas ng opisina. Hindi pwedeng malaman ni William na si Wyatt ang tumatawag. Kapag nalaman ni William ay paniguradong magagalit ito at hindi ko makakausap ng maayos si Wyatt. Gustong malaman kung ano ang sasabihin ni Wyatt at ang dahilan ng pagtawag niya. Agad kong tinungo ang kuwarto ko na malapi

