PUMASOK kami sa opisina ni William. Naupo ako sa swivel chair habang ang dalawa ay nakatayong nag-uusap sa tabi tungkol sa magiging schedule ni William para sa araw na ito at pati na rin ang schedule ko. Starting this day I will officially be the new secretary of Mr. William Baldemor, the Chairman. Kaya rin ako isinama ni William ngayon ay dahil sa dahilang iyon. Ayon rito ay mas magandang magsimula muna sa mababang position para makakuwa ako ng experience at pagiging secretary niya ang pinakamagandang starting line para simulan ang lahat ng mga plano namin. Sa ganoong paraan rin ay walang masasabe ang group of executives kapag ako ang inilagay sa position ng CEO dahil alam naman ng lahat na hindi ako nakapagtapos ng business course. Kung tutuosin ay wala akong laban kumpara kila Wyatt a

