KAHIT ninenerbyos ay pilit akong umiling bilang sagot. Mas lalong nangunot ang noo nito na naging dahilan kung bakit mas lalo akong kinabahan. Hinding hindi niya pwedeng makita si Wyatt ngayon. Hindi pwede! Nagmamadali ko siyang nilapitan para paalisin. "A-Ang tagal mong bumalik. Nagugutom na ako. N-Nakaorder ka na ba?" "I did. Wait, why?" Huminto ako sa harapan niya at nagsimulang itulak siyang papalabas. Mas maganda na kung nasa labas kami para makakuwa ng time si Wyatt para makaalis. Hindi siya pwedeng magstay dito dahil mas lalake lang ang chance na mahuli siya ng Uncle niya. "S-Sa labas na tayo. Bili! Nakakasuffocate dito sa loob masyadong mainit—" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para pigilan ako sa pagtulak sa kaniya papalabas ng opisina. "But the Ac is on though?" Gus

