MADALI lang ang mangarap pero ang abutin ang pangarap mo ay hindi gano'n kadali gaya ng sinasabi nila lalo na para sa mga batang lumake sa hirap. Nakakalungkot na maraming mga batang kagaya ni Lualhati na hindi nakukuwa ang edukasyong nararapat nilang makuwa dahil sa kahirapan. Ginulo ni Uncle William ang buhok nito. "Don't you worry, buddy. Kapag nakabalik kami ng Ate Amara mo sa manila ay tutulungan kitang makapag-aral. You don't need to worry about money anymore and only think of studying." Nagningning ang mga mata ni Lualhati dahil sa narinig. "T-Talaga po? Pag-aaralin niyo po ako, Kuya William?" hindi makapaniwala niyang tanong, naiiyak na dahil sa narinig. Tumango si Uncle William at nginitian ang bata upang mapanatag ito na totoo ang sinasabe niya. Tumayo si Lualhati at niyakap a

