NAPUNO ng tawanan ang buong paligid dahil sa kakulitan naming dalawa ni Lualhati. Napatili ito ng walang tigil ko siyang winisikan ng tubig. Ako naman ang gaganti ngayon sa pagwisik niya sa akin kanina. Tinangka nitong tumakbo kaya naman hinabol ko siya at nagpatuloy sa pagwisik dito ng tubig pero matalino ang bata, tumakbo ito sa direksyon ni Uncle William at nagtago sa mismong likuran ng lalake. At naghanap pa talaga ng kakampi! "Kuya William, si Ate Amara oh!" sumbong niya sa akin habang tumatawa. Inilabas ng bata ang dila niya ng aasar akong dinilaan. Kung hindi lang ito bata ay baka nabalibag ko na 'to. Tama nga si Uncle William na asar talo ako. Kahit sa bata ay ayokong natatalo. Humanda sa akin mamaya, bata! "Tsk, childish," mariin saad ni Uncle William. Tinangka nitong itago

