DALAWANG linggo ang nakalipas matapos ang tagpong iyon sa restuorant. Matapos ang dalawang linggo ay tuluyan na ring nawala ang pananakit ng katawan ko. Pati ang mga markang naiwan ni Uncle William ay wala na. Hiling ko lang na sana tulad ng mga ito ay ganon din kabilis na mawala sa alaala ko.
Sa friday na gaganapin ang kasal namin ni Wyatt, and today was webnesday. I can't help but to feel warry, habang lumilipas ang oras ay mas lalo lang akong kinakabahan.
"Teacher Amara."
Nabalik ako sa ulirat nang lapitan ako ng isa sa mga studyante ko. Si Eula, 5 years old pa lang ito at napaka-cute ding bata.
Iniabot niya sa akin ang bote ng baunan niya ng tubig. Naintindihan ko agad ang nais niyang ipagawa. Kinuwa ko iyon. Binuksan ko ang takip at ibinalik sa kaniya.
"Thank you po, teacher," pasalamat niya.
"Welcome po," sagot ko rito.
Nagtaka ako ng hindi pa rin bumalik si Eula sa upoan niya kahit na nagawa ko na ang pinapagawa nito. Nakakagat pa ito sa ibabang labi niya na para bang may gusto sa aking sabihin pero nahihiya lang.
"Why po? May gusto pa po kayo sabihin kay Teacher?" malumanay kong tanong.
Itinuro niya naman ang singsing sa kamay ko. Ito ang singsing na bigay sa akin ni Wyatt. Halata sa mukha ng bata ang curiosity.
"M-May asawa po ba kayo, Teacher? Paano po kayo ng Tito ko? Sabi niya po gusto niyang kunin ang number mo po eh."
Natawa ako sa sinabe niya. "Wala pa pong asawa si Teacher pero malapit ng ikasal sa boyfriend ko kaya pakisabi mo na lang sa Tito mo na hindi na pwede si Teacher, okay po?"
Ngumuso ito. Pinigilan ko ang sariling kurutin ang nguso nito at panggigilan baka makasuhan pa ko ng child abuse kapag pinanggigilan ko ang mataba nitong pisngi.
"Eula! Let's eat na!" Tinawag din siya ng isa sa mga kaibigan niya kaya agad din siyang bumalik at iniwan ako roon.
Natawa lang ako dahil sa kacute-tan niya. This is just one of a normal days to me as a kinder garden teacher.
Noong una ay wala talaga akong balak na magteacher dahil business ang course na gusto ko but as time goes by unti-unti ko rin itong nagustuhan. Ayoko rin kasing makarinig ng hindi maganda mula sa pamilya ni Papa kapag nalaman ng mga itong business ang natapos ko kaya mas pinili kong lumipat.
Isa rin pala sa mga dahilan kung bakit nagkakilala kami ni Wyatt ay dahil naging classmate ko ito noong college sa business add bago ako lumipat ng education
Hindi ito ang unang beses na may magtangkang makipaglapit sa akin gamit ang mga bata. Nakakainis lang dahil minsan ay ang mga studyante ko pa talaga na walang kaaalam-alam ang ginagamit na sila para makipaglapit lang sa akin.
Mabuti na lang at isa rin sa mga dahilan kung bakit ginusto kong maging isang guro ay dahil sa mga cute na mga batang ito. Nakakawala ng stress ang kakulitan.
Lumabas ako upang magbreak, sakto namang sumalubong sa akin si Angelo, isa sa mga co-teachers ko at kaibigan ko na rin.
"Lunch?" tanong niya.
Tumango ako rito bilang sagot. Pansin ko ang bento box na hawak niya na mukhang para sa dalawang tao. May balak yata siyang pagbigyan non. Wala naman akong maalalang may nililigawan ito.
Nahihiya siyang napakamot sa batok. Namula rin ang tenga niya.
"Sabay ka na sakin."
"Hindi na. Susunduin rin kasi ako ng fiancé ko, balak naming kumain sa labas," tanggi ko.
Bumakas ang dissapointment sa mukha nito dahil sa narinig. "S-Sige, eatwell."
Nagpaalam na ako rito at nagmamadaling lumabas ng school na pinagtatatrabahuhan ko. Tinignan ko ang phone at nagchat kay Wyatt na break time na namin. Inaya kasi ako nitong lumabas upang sabay kaming makapag-lunch ngayon.
Walang reply sa message ko. Sa tingin ko ay may ginagawa ito ngayon. Ito ang unang beses na ayain niya akong kumain sa labas kaya nae-excite na ako. Palagi kasi itong walang time kaya iniintindi ko na lang.
Nabalik ako sa ulirat nang isang kulay itim na black lagonda car ang bigla na lang huminto sa harapan ko. Sa dami nitong pagpa-parkingan ay sa harapan ko pa mismo. Hindi ko alam kung tanga lang siya o sadyang gusto lang nitong ipagmayabang ang mamahalin niyang kotse.
Hindi ko na sana ito papansinin nang bumukas ang pinto at lumabas roon ang dalawang lalaki na nakasuot-all black. May kulay itim na earpiece na nakakabit sa tenga ng mga ito. Sa unang tingin ay aakalain mong bodyguard sa mga mafia dahil sa suot.
Huminto ang sa harapan ko mismo, sumunod naman sa kaniya ang kasama niya.
"Ikaw ba si Amara Solene Fuentes?"
Nagulat ako ng banggitin nito ang pangalan ko. P-aano niya nalaman ang pangalan ko? T-Teka, huwag mong sabihing mga mafia ang mga ito gaya ng mga napapanood ko sa mga turkish movies? P-Pero bakit ako pa ang napagtripan? Last time I remember ay wala naman ako atraso sa kahit na sino.
Wala namang nabanggit sa akin si Wyatt na ipinapasundo niya ako kaya nasisiguro kong hindi si Wyatt ang nagpadala sa mga ito.
Kahit kinakabahan ay hindi ko ipinakita iyon sa kanila. "H-Hindi. H-Hindi ako iyon."
Nagkatinginan silang dalawa ng kasama niya. Parang nag-uusap gamit lang ang mga matang natatakpan ng shades.
Ang akala ko ay tatantanan na nila ako ay naglakad para lampasan ang mga ito pero nagulat na lang ako nang hawakan ng isa ang braso ko habang nagtungo naman ang isa niyang kasama sa likod ko upang itulak ako papasok sa sasakyan na itim.
Agad akong kinabahan nang magsimula silang hilahin at itulak ako.
"B-Bitiwan niyo ako! Ano ba?!"
Pinilit kong magpamiglas sa mga ito pero mas malakas sila at malalake ang katawan. Anong laban ng maliit kong katawan sa mga 'to. What the heck is wrong with these men?!
"Hindi nga sabi ako ang hinahanap niyo!" patuloy kong pagpupumiglas. "Bitiwan niyo ako kung hindi ay tatawag talaga ako ng polis! Kidnapping na itong ginagawa niyo!"
Hindi man lang natakot ang mga ito sa banta ko. Hindi ko sila kilala at hindi ko rin alam kung anong kailangan ng mga ito sa akin. I have a bad feeling about this.
Hindi ko alam kung nasaan si Wyatt. Napag-usapan naming sasabayan niya ako sa lunch pero wala pa siya hanggang ngayon.
"Hey!" sigaw ng kung sino na nakaagaw ss atensyon namin tatlo. Natigilan ang mga lalaking ito sa paghila sa akin.
Patakbong nilapitan ako ni Angelo nang makita nito ang nangyayare. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala nang tignan niya ang mga lalaking nagpupumilit sa akin.
"Bitiwan niyo na ako!" sigaw ko. "I'm not the person you were looking for. T-Tanungin niyo pa si Angelo, right Angelo?" pinanlakihan ko nang mga mata si Angelo upang sakyan nito ang sinasabi ko pero mukhang hindi man lang nito nakuwa ang ibig kong sabihin.
"Bitiwan niyo siya? Anong kailangan niyo kay Amara?" aniya. Parang gusto ko na lang itong sapukin. Dahil sa pagtawag niya sa akin ay tuluyan nang nalaman ng mga ito na ako nga ang 'Amara' na hinahanap nila.
Subrang laking tulong nito na pakiramdam ko ay maiyak na lang ako sa sitwasyon ko ngayon.
Tinangkang lumapit ni Angelo upang tulungan ako pero agad siyang hinarangan ng kaninang lalake na tumutulak sa akin.
"Huwag kang makielam rito kung ayaw mong madamay," babala nito, itinaas nito ang damit dahilan upang sumalubong sa amin ang isang daril na nakasuksok sa bewang niya.
Parehas kaming natigilan ni Angelo ng makita ang baril nito. Patuloy lang ang kasama niya sa paghila sa akin. Hindi ko na rin nagawa pang magpumiglas dahil sa takot.
Walang magawa si Angelo kundi panoorin akong dalhin ng mga lalaking ito.
M-May baril sila! I-Ibig sabihin lang nito ay hindi normal na tao ang mga ito kung ganon.
Kinaladkad nila ko papasok sa kotse. Isinakay nila ako sa backseat habang ang mga ito naman ay naupo sa harapan.
"Sino ba kayo, ha?! Anong kailangan niyo sa akin. Anong kasalanan ko sa inyo?!"
Inis kong kinalabog ang bintana upang pakawalan lang nila ako ngunit ako rin ang nakarma dahil sa ginawa ko. Bullet proof yata ang bintana ng kotseng ito, feeling ko nawasal ang kamao ko.
"Sa kanila wala pero sa akin, meron."
Gulat akong nabaling sa gilid ko nang marinig ang boses na iyon. Nanglaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ito.
"I-Ikaw?!" hindi ko makapaniwalang bulaslas.
Walang iba kundi si Uncle William!
"A-Anong ibig sabihin nito?! H-Huwag mong sabihing ikaw nag-utos sa mga iyon na kidnapin ako?" hindi ko makapaniwalang ani.
Nalukot ang mukha niya dahil sa sinabe ko. "I didn't kidnapped you. I just wanted us to talk that's why I ask my men to bring you here."
Hindi ko siya makapaniwalang tinignan. Sinong matinong tao ang mag-uutos sa mga tauhan niya na magdala ng babae sa kotse nito para lang 'kausapin?' and worse may dala pang baril ang mga tauhan niya!
"Nababaliw ka na!"
Tanalikuran ko at hinarap ang pinto. Tinangka ko itong buksan pero wala ring kwenta dahil ayaw lang naman nitong bumukas.
"Get this f*****g door open!" sigaw ko. Muli kong siyang hinarap. "If you won't let me go, tatawag talaga ako ng polis! This kidnaping—No, this is attempted murder!"
Wala akong pakialam kahit pa magmukha akong OA sa harapan niya. OA na kung OA, mas maganda pang maging ganon kesa naman makasama siya sa iisang lugar.
"Can you please stop over reacting? Naiirita na ako sa ingay mo!" inis nyang bulaslas.
"Ano ba kasing kailangan mo sa akin?!"
Wala na dapat kaming pag-usapan pa. Ang nangyare noong gabing iyon ay dapat lang na mapunta sa hukay. Kinakain ako ng guilt sa tuwing naaalala ko ang nangyare.
"I'll be straight to the point, I want you to break up with my nephew," sagot niya.
Natigilan ako sa sinabe niyang 'yon. "W-What did you just say?" parang binging aniya ko.
"I want you to break up with Wyatt.."