Chapter 4

1689 Words
H-HINDI nga ako nagkamali nang pagkakarinig ko rito sa una pa lang. H-He wanted me to break with Wyatt! Hindi ko inaakalang ito ang dahilan kung bakit inutusan niya ang mga tauhan niya na kidnappin ako. I should have expected this. Walang bakas ng pagloloko ang mukha nito na nagsilbeng dahilan upang makumpirma ko na hindi nga siya nagbibiro. "I-I can't... Hindi ko kaya..." Alam kong ginagawa niya lang ito para sa kapakanan ni Wyatt pero hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali mang mawala sa akin si Wyatt. Katulad nito ay importante din sa akin ang pamangkin niya sa kabila ng nangyare sa aming dalawa... Pinanlisikan ako nito ng tingin. "What do you mean you can't? You still have the audacity to say no to me after I let you off?!" Napayuko ako."H-Hindi ganon kadali 'yon." Paano ko magagawang itapon na lang basta ang halos tatlong taon naming pagsasama? Isinisigaw ng isipan ko na kailangan ko ng palayain si Wyatt pero hindi pa kaya ng puso ko. Mahal na mahal ko siya... Kahit maraming nagsasabi noon na hindi kami bagay para sa isa't isa dahil anak lang ako sa labas habang si Wyatt ay nanggaling sa mayamang pamilya, tiniis ko dahil gusto kong makasama ang taong minamahal ko. "Hindi madali? But it was easy for you to sleep with someone else?" hindi makapaniwala niyang tanong. "Ilang beses ko ba sa iyong kailangang sasabihin na hindi ko alam na hindi si Wyatt ang kasama ko!? Lasing ako non!" Binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. Para bang ako ang pinakatangang taong nakita niya sa buong mundo. "Nonsense! Are you are really planning on marriying my nephew despite what happened?" "I-I will tell him b-but please give me time..." pumiyok ang boses ko dahil sa magkahalo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon. "I-I love him..." Gusto ko na lang maiyak. Ang malas ko! Subrang malas ko pagdating sa pag-ibig. Ang akala ko noon ay maari na rin akong sumaya sa piling ng mga mahal ko sa buhay pero imbes na sumaya ay puro lungkot lang ang nadarama ko at mas malala pa. Talaga ngang pinaglalaruan ako ng tadhana. Sandaling katahimikan ang bumalot sa buong paligid bago niya ito basagin ng tuluyan. "What if you got pregnant?" Gulat akong napabaling sa kaniya nang sabihin niya iyon. "A-Anong sinabe mo?" Seryoso niya akong tinignan. "Hindi malabong hindi ka mabuntis, Amara. I always used protection whenever I f**k someone but that night I... forgot to use protection. Isang gabi lang natin iyong ginawa pero may posibilidad pa rin na mabuntis kita." H-Hindi ko naisip iyon. P-Paano nga kung nabuntis ako nito? Anong gagawin ko?! Muli akong nilukob ng takot. There should be another way right?! H-Hindi ako pwedeng mabuntis! H-Hindi pwede! Tama na ang isang gabing pagkakamali, ayokong dagdagan pa ang kasalanan ko ng bata. Hindi pa ako handa at mas lalo namang ayokong magkaanak sa lalaking ito. "What do you mean you forgot to put one?" hindi ko makapaniwalang tanong. "It's your job! You didn't even withdrew?!" "B-Because you make me so excited that I forgot to put one!" namumulang aniya. Hindi man lang nito nagawang mag-iwas ng tingin. Nawala ang matapang nitong itsura kanina. Para siyang teenager na namumula matapos magconfess sa crush nito. "...I even asked you if I can come inside yet you just moan," pagpapatuloy niya. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagsimulang mangamatis sa pamumula. Nag-iwas ako ng tingin rito. Pati ako ay sinugod din ng kahihiyan. Lasing ako kaya wala akong ideya sa ginagawa ko non. At tyaka akala ko ay siya si Wyatt nong gabing 'yon kaya okay lang sa akin noon na mabuntis ako nito pero hindi siya si Wyatt, He's my fiancé uncle for f**k's sake! "I-I will just use an emergency contraceptive pills. P-Pakibaba na lang ako sa pinakamalapit na pharmacy please. I-I need to buy pills as soon as possible." I-I just hope it would work. Sumakto pa talagang fertile days ko, hindi nga talaga imposibleng mabuntis ako nito! "You heard what she said," aniya ni William sa driver nito. Sinunod naman ito agad. Muling nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Hindi mawala wala sa utak ko ang posibilidad na mabuntis nga ako nito. Anong gagawin ko kung sakaling mabuntis ako? Kung sakaling mabuntis nga ako ay tatanggapin ko ang batang iyon kahit na ang ibig sabihin pa nito ay tuluyan ng mawawala sa akin si Wyatt... pero kung hindi man ay aamin pa rin ako kay Wyatt sa nangyare. Deserve niyang malaman ang totoo. Ayoko ng magsinungaling pa sa kaniya. Kahit masakit man ay tatanggapin ko ang desisyon niya. Nabalik ako sa ulirat nang makarinig ng putok ng baril. Napatili ako sa gulat. Namuo ang tensyon sa buong paligid dahil don. "The f**k? What's happening?!" Hinila ako ni William papalapit sa kaniya upang protektahan. Takot akong napayakap rito. Magkahalong takot at pangamba ang bumalot sa buong pagkatao. A-Anong nangyayare?! Bakit may putok ng baril? "Boss, may sumusunod sa atin." Nagsimula akong manginig sa takot. Hindi ko alam kung anong nangyayare sa labas pero nasisiguro ko na merong nagpapaputok sa amin. Kung wala lang si William sa tabi ko ay maiihi na ako sa takot sa nangyayare. Inilabas ng mga tauhan ni William ang mga baril nito na tila ba handa ng makipagbakbakan sa kung sino mang sumusunod sa amin. Nagulat ako ng pati si William ay maglabas din ng baril. He has a gun! Hindi ko alam na may itinatago itong baril! Nagsimula akong mamutla ng marealize na subrong bobo ng pagmamatapang ko sa harap nito kanina. "We need to get out of here!" seryosong aniya nito at tyaka kinasa ang hawak na baril. Naiyak na lang ako sa tabi. Napakaswerte ko nga naman. Bakit kung kailan kasama nila ako ay tyaka pa nagkaganito ang lahat? Gusto ko lang namang maglunch kasama ni Wyatt pero dahil sa kupal niyang ama ay heto ako ngayon na sa kotse ng demonyo habang pinapaulanan ng bala ang sinasakyan namin. Hindi pa ako handang mamatay. Sino nalang ang mag-aalaga sa mga kapatid ko kung mawala ako? Nagsunod sunod ang mga problema. Para bang sinasadya ibigay sa akin ang lahat ng kamalasan sa mundo. Napatili ako nang biglang huminto ang sasakyan. Nagsilabasan ang mga tauhan nito. Hinala ako ni William papalabas. "S-Sandali saan tayo pupunta?" nagtataka kong tanong. Patuloy lang siya sa paghila sa akin. Nagpatianod naman ako rito. Napuno ng putok ng baril ang buong paligid. Sinilip ko ang mga tauhan ni William na ngayon ay nakikipagpalitan na nang bala sa kabilang panig. Doon ko lang narealize na napapaligiran na kami. Hinila ako ni Wyatt papasok sa isang gubat. Matataas ang mga damo kaya hindi ko masyadong makita kung saan kami patungo. Malayo na kami sa paaralan na pinagtatrabahuhan ko. Sa tingin ko ay nakalabas na kami ng city. Nagsisimula na ring magdilim. Naliligaw na kami. May sumusunod pang ilang mga lalake sa amin pero agad din itong pinapaputukan ng bala ni Uncle William. "A-Anong gagawin natin?" hintatakutan kong tanong. "Ikaw ang may kasalanan nito! Kung hindi dahil sayo hindi ako madadamay sa gulo mo!" paninisi ko. "Shut up if you don't want me to shout that damn mouth of yours!" inis niyang suway. Utumatikong sumara ang bibig ko sa takot na baka totohanin nito ang banta niya. Wala akong nagawa kung 'di lihim na magdasal sa tabi nito na sana makaalis kami ng ligtas sa lugar na ito sa lalong madaling panahon. Lord, kahit ako na lang po ang sagipin niyo. Kahit huwag na si Uncle William dahil matanda naman na siya, ako bata pa. Marame pa akong pangarap sa buhay. Sa totoo lang ang matandang ito ang dapat na sisihin kung bakit nagkandaletche-letche ang lahat. Magmula ng makilala ko siya ay purong kamalasan na lang ang dumadating sa buhay ko! Kapag nakaalis ako sa lugar na ito ay lalayuan ko na ang lalaking ito. Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang makarinig ng mga yapak papalapit. Pati si Uncle William ay naroon din ang atensyon. Humigpit ang pagkakahawak nito sa akin. "Ayon sila!" sigaw ng kung sino. Nanlaki ang mga mata ko. Rinig ko ang ilang beses na pagmumura ni Uncle William. Tinangka pa naming tumakbo pero huli na dahil napapaligiran na kami ng mga ito. Tatlong lalake ang pumalibot sa amin puro may mga hawak na baril ang mga ito. "Pinagod niyo pa kami," inis na untag nong isa. Sa tingin ko siya ay leader sa kanila. "What do you want from us?" seryosong tanong ni Uncle William. "You paid you to do this?" Bumalot ang tensyon sa buong paligid. Tumawa ang lalake. "Hindi mo na kailangan pang malaman, Mr. Baldemor. Total ay mamatay ka rin naman ngayong gabi," ngumisi pa ito na parang aso. Nagtungo ang paningin nito sa akin. Kinilabutan ako ng mag-akyat baba ang paningin nito sa katawan ko pagkatapos ay parang siyang adik na dumila. Takot akong nagtago sa likuran ni Uncle William. Masama ang kutob ko sa pangit na 'to. Hindi lang siya pangit, manyak pa! "Huwag kang mag-alala, Miss. Papatayin kita sa sarap pagkatapos kong dispatyahin itong sugar daddy mo. Sayang naman kung hindi mapakinabangan ang ganda mo." Ano raw?! Sugar Daddy ko si Uncle William?! Aba't bulag yata ang lalaking ito! Kinilabutan ako sa mga pinagsasabi nito. "No thanks. Mas gugustuhin ko pang mamatay sa malaking kargada ng sugar daddy ko kesa sa maliit mong hotdog!" bulyaw ko. Nagsitawanan ang mga kasama niya. Agad na nangamatis sa pamumula ang mukha ng lalake dahil sa pagkapahiya nito. "Anong sinabe mo!? Humanda ka sa akin. Babasagin ko iyang maganda mong mukha." Tinangka nitong lumapit pero agad siyang pinaulanan ng bala ni Uncle William. Agad namang gumante ng putok ang mga kasama nito. Napatili ako sa takot nang matamaan ng bala si Uncle William sa tagiliran. Nagsimulang magdugo ang sugat niya. Bumagsak naman sa lupa ang leader ng tatlo matapos itong barilin ni Uncle William. "Get out of here!" pagtataboy niya sa akin. "P-Pero paano ka?!" Kapag iniwan ko siya rito ay maaaring mamatay siya! Tatlo sila, isa lang siya at paubos na rin ang bala ang baril niya. "I can handle myself! I need to keep you safe."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD