Chapter 5

1725 Words
TUMATAK sa utak ko ang sinabe nito pero sa kung anong dahilan ay hindi ko magawang iwan siyang mag-isa rito. Totoong galit ako sa kaniya dahil siya ang nagdala sa akin sa lugar na ito pero hindi kaya ng konsensya ko na hayaan na lang siyang mamatay. Hindi ko pwedeng iwan na lang basta ang matandang ito! Baka multuhin niya pa ko. Alam kong kapag namatay siya ay tuluyan na ring masasama sa hukay ang nangyare sa amin pero hindi ganon kasamang tao. Mas gugustuhin mo pang maging masamang tao sa mata ni Wyatt kesa ang hayaan ang matandang 'to na mamatay dahil sa akin. Habang busy sa kaniya ang mga lalake na humahabol samin ay ginawa kong paraan iyon upang tumakbo, hindi upang tumakas kung 'di upang maghanap ng pwede kong magalit pang protekta sa sarili ko. "Iyong babae huwag niyong patakasin!" "Bumalik ka rito!" sigaw nong pangatlo. Bago pa ako masundan ng isa sa kanila ay agad siyang hinarangan ni Uncle William. "You'll need to kill me first before you got her," aniya ni Uncle William bago makipagpalitan ng putok ng baril sa mga lalake. Ginamit ko ang pagkakataon upang kuwain ang isang malaking kahoy na nakita ko. Wala man itong laban kung ikukumpara sa baril na hawak ng tatlong lalaking humahabol sa amin ay pwede ko na itong magamit para tulungan siya. Hindi naman ako si Cinderella para hayaan lamang ito na lumabas sa tatlo. Agad ko siyang binalikan. Nanlaki ang mga mata ni Uncle William nang makitang bumalik ako. Sumenyas naman ako rito na huwag mag-ingay upang hindi kami mabisto. Nagtungo ako sa likod ng dalawang lalaki at pinalo ang ulo ng isa sa kanila. Agad itong bumulagta sa damuhan, katabe ng kanilang leader na mukhang hindi na humihinga. Dahil sa ginawa ko ay na agaw ko ang atensyon ng pangatlong lalake. Nabitawan ko ang hawak na kahoy nang itinutok nito sa akin ang baril na hawak niya. Subrang bilis ng pangyayare noong mga oras na iyon. Ang akala ko talaga ay katapusan ko na pero nagkakamali ako dahil bago niya pa itong maiputok sa akin ay agad na siyang inunahan ni Uncle William. Napaatras ako ng matumba din ang pangatlong lalake gaya ng mga kasama niya. "M-Muntik na ako roon," hindi makapaniwalang saad ko. Kung hindi dahil kay Tanda ay baka namatay na ako. "I told you to escape! Ang kulit mo talaga!" Nabaling ako sa kaniya ng magsimula na naman akong mag-inarte. Parang biglang nagbago ang isip ko kanina na huwag siyang hayaang mamatay. Nabaril na itong lahat lahat pero may gana pa siyang mag-inaso. "Kung hindi ako bumalik. Baka patay ka na." "Why do you care?! Are you really that dump to sacrifice your life for someone else?!" Nagsimula akong mainis rito. "Ikaw rin naman, a. Ibig sabihin ba non ay bobo ka dahil hinayaan mo akong tumakas?!" "You—" Hindi na nito natuloy pa ang gustong sabihin dahil napalitan na nang sakit ang mukha niya. Napahawak ito sa sugat niya. Nag-aalala ko siyang nilapitan. Tinulungan ko itong makatayo ng maayos. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang walang tigil sa pagdurugo ang sugat niya. Nagsisimula na ring mawalan ng kulay ang labi niya hindikasyon na malala ang tama nito pero kahit ganon ay hindi man lang nito ipinakita sa harapan ko na nasasaktan siya. "K-Kailangan nating magpunta sa ospital!" nagpa-panic na ako. Wala akong alam sa first aid kaya hindi ko alam ang gagawin. Hinanap ko ang phone ko sa wallet upang tumawag sana nang tulong ngunit ganon na lang ang inis ko ng hindi ito mahanap. Naihulog ko yata ito kanina noong tumakas kami sa mga humahabol sa amin. "Nasaan ang phone mo? Kailangan nating humingi ng tulong ngayon din!" "It's in the car..." bumahid ang sakit sa mukha nito nang sagutin ako. "L-Let's get out of here for now. We need to find a shelter." Tinulungan ko siyang maglakad sa madalim na kagubatan. Hindi ko mapigilang matakot para sa kaligtasan naming dalawa. What if may mga wild animals kaming makasalamuha or worst makita namin ulit ang mga iba pang kasamahan noong mga humabol sa aming dalawa. Wala na akong lakas para lumabas at alam kong ganon din ang kasama ko. Baka dito na kaming mamatay kung sakali man. Lucky for us to find a shelter near by. It was a small house, barong barong kung tawagin nila. Natakot pa akong lumapit dito dahil mukha itong bahay ng mangkukulam sa mga horror movies pero nang maalala kong baka mamatay ang lalaking kasama ko ay wala akong choice kung 'di ang manghingi ng tulong sa taong nakatira roon. "T-Tao po! May tao po ba dyan?! Tulong niyo po kami please!" sigaw ko nagbabakasakaling may makaririnig. Nagliwanag ang mukha ko nang may lumabas na bata sa maliit na bahay. Isang batang babae na sa tingin ko ay nasa 8 years old pa lang. Binigyan niya kami ni Uncle William ng nagtatakang tingin. "Sino po kayo?" tanong niya. Akmang sasagutin ko ito nang may isang matandang babae ang lumabas sa barong barong. Sa tingin ko ay lola ito ng bata. "Oh, ano pang tinitignan tignan mo riyan? Hindi ba sinabe kong pumasok ka na dahil matutulog na tayo—" natigilan ang matanda ng makita kami. "Sino kayo?!" "A-Ahmn.. n-naaksidente kasi ang kasama ko. He needs help. Can you please help us?" Halata ang disgusto sa mukha nito lalo na nang makita ang itsura ngayon ni Uncle William. Alam kong alam niya ang aksidenteng tinutukoy ko. "Sa iba na lang kayo humingi ng tulong. Ayokong madamay sa gulo." Hinarap niya ang bata. "Halika na, Lualhati." Bago pa sila makapasok ay hindi ko sila hinayaan. "Please! Bukas na bukas ay aalis din kami. Kailangan lang namin ng tulong." Nagmamakaawa ko siyang tinignan. Siya na lang pag-asa namin. Alam kong ayaw lang nitong madamay sa gulo pero kung kakailanganin kung luhumod sa paraan nito ngayon ay gagawin ko. "H-He needs your left..." pagpapatuloy ko. "I...I don't need their help. Let's go—" "Shut up can you!" Kung wala lang itong sugat ngayon ay baka nasapok ko na siya. Napakataas ng pride niya, hindi niya man lang kaya itong babaan kahit pa nasa bingit na siya ng kamatayan. Bumuntong hininga ang matandang babae. "Hahayaan ko kayo para sa ngayon pero sa oras na gumaling ang asawa mo ay gusto kong umalis na kayo," aniya. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabe nito. Finally, someone will help us! Kahit na inakala nitong asawa ko si Uncle William. Bakit halos lahat na lang ng hindi nakakakilala sa amin ay iniisip na karelasyon ko ang matandang ito?! Kanina iyong sumusunod sa amin ay inakalang sugar daddy ko si Uncle William, ngayon naman ay asawa. As if naman papatol ako sa matanda. Hindi naman ganon kasama ang 6 years gap at hindi rin problema sa batas ang ganoong klase ng relasyon pero ayoko pa ring pumatol sa mas matanda sa akin lalong lalo na kung William Baldemor ang taong iyon. Binuksan ng matanda nang malawak ang pinto ng barong barong upang papasukin kami. Hinila ko si Uncle William papasok kahit halata sa mukha nito ang disgusto. Iniupo ko siya sa papag na nakita ko. Napasandal si Uncle William sa pader na kahoy sa likod nito. Kitang kita sa mukha niya ang sakit. Naawa ako sa itsura niya. Ang gwapo niya pa rin kahit nasasaktan—s**t, Amara, ano ba?! Kita mong may sakit iyong tao may gana ka pang pagnasahan siya. Tandaan mong may boyfriend ka! Tinignan ko ang sugat nito. Napanatag ako ng makitang tumigil na ang pagdurugo pero napakarami pa ring dugo ang nawala sa kaniya. Kailangang matanggal ng bala. "Kailangang mahugasan ang sugat niya," aniya ng matanda. May ibinigay sa aking maliit na planggana ng tubig. "Tulungan mo akong tanggalin ang bala at linisan ang sugat niya." Ginawa ko ang mga instraksyon nito. Mabuti na lang at mukhang may alam ang matanda kung paano gamutin ang mga ganitong klaseng sugat. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling may mangyare mang masama. Kahit dinarasal ko na kunin na ito ni Lord ay ayoko pa ring mamatay siyang kasama ako. Sa tulong ng matanda ay maayos kong natanggal ang bala sa katawan ni Uncle William. Tinulungan niya rin akong tahiin ang sugat nito. Ngayon ay inaantay na lang kaming gumaling para makaalis na kami. Nakatulog si Uncle William sa papag dahil sa pagod. Hinayaan ko lang ito. Bukas ko na lang siya bu-bwesitin kapag nakapagpahinga na siya, ngayon ay hahayaan ko muna ito. "Maraming salamat po," pasasalamat ko sa matanda. "Aalis na rin po kami kapag gumaling ang kasama ko. P-Pasensya na po kung naabala namin kayo." "Mabuti naman at alam mong abala kayo," masungit na sagot ng matanda. Napangiwi na lang ako dahil sa sagot nito. Alam kong mabait siya dahil tinulungan niya kami, may kaunting attitude lang siguro talaga ito dahil matanda na. "Kumain ka na, sabayan mo si Lualhati sa hapag. Mukhang nagugutom ka na. Wala akong mapapakain sa inyong masarap kaya magtiis ka muna rito. Kapag nagising iyang kasama mo ay pakainin mo." Muli akong nagpasalamat rito. Sa totoo lang ay nahihiya akong tanggapin ang alok niya pero hindi ko na matatago pa rito ang walang tigil na pagtunog ng tyan ko. Gutom na ako. Hindi ako nakapaglunch kanina dahil sa punyetang si Uncle William. Bigla ko tuloy na isip si Wyatt. Baka nag-aalala na ito sa akin ngayon. Alam niya kayang nawawala ako? Alam kong palaging busy si Wyatt sa trabaho at sa kung ano pang mga bagay bagay kaya minsan ay nakakalimutan na ako nito pero siguro naman ay mararamdaman nitong nawawala na ang girlfriend niya noh? Bigla akong nalungkot. Ang lunch nga namin kanina ay nalimutan nito. Baka pati ang pagkawala ko ngayon ay nalimot niya na rin. Nabalik ako sa ulirat nang maglapag ng platito na may lamang kanin sa harapan ko ang batang si Lualhati. Ngumiti ito ng maliit. Subrang ganda nitong bata. "Kumain na po kayo, Ate. Huwag na po kayong mag-isip ng kung ano dahil kailangan po kayo ng asawa niyo," pagtutukoy nito kay Uncle William na nanatili pang nakaratay ngayon. Ngumiti ako sa kaniya bilang sagot. Tama siya! Huwag na dapat akong malungkot. Busy lang palagi si Wyatt pero imposible namang makalimutan ako nito. Ngayon ang dapat kung pagtuonan ng pansin ay si Uncle William at kung paano kami makakabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD