Chapter 6

1633 Words
NAPAG-ALAMAN ko mula sa matandang babae na tumulong sa amin na nasa probinsya raw kami napadpad ni Uncle William. Medyo malayo ito sa manila, ang ibig sabihin lang no'n ay napalayo na kami. Nalaman ko rin ang pangalan ng matandang tumulong sa amin. Ang sabi nito ay tawagin ko na lang siyang Nanay Susan. 62 years old na raw ang matanda at apo niya nga ang batang kasama niya na si Lualhati. "Hindi pa rin siya gumigising?" tanong ni Nanay Susan. Umiling ako bilang sagot. Pinagmasdan ko si Uncle William na mapayapang natutulog sa papag. Simula kagabe ng dumating kami ay hindi pa rin siya nagigising. Natatakot akong may mas malala ng nangyare rito pero ang sabi ni Nanay Susan ay kumukuwa lang ito ng lakas. "Oh siya, maiwan ko muna kayo rito, Amara. Tutulungan ka ni Lualhati na bantayan ang asawa mo. Kailangan ko lang na anihin iyong mga tinanim kong gulay para may makain tayo mamaya. Babalik rin ako." "Opo, Nay." Tumayo ako para samahan itong papalabas ng barong barong. "Ingat po." Hindi siya sumagot pero iwinagayway lang nito ang kamay sa ere hudyat na aalis na siya. Pinanood ko ang matandang unti-unting maglaho sa paningin ko. Bumalik ako sa inuupoan ko kanina, sa tabi ng nakahigang si Uncle William. Hiling ko lang na sana gumising na siya para makaalis na kami sa lugar na ito at makabalik na. Tinangka kong humiram ng cellphone kagabe kay Nanay Susan upang tumawag sa pamilya ko pero ang sabi nito ay wala raw siya no'n dahil hindi uso ang gadget sa kanila sapagkat walang signal sa parting ito probensya na ikinalungkot ko. Ayon rito ay kailangan pa raw naming pumunta sa bayan upang makatawag lang at manghingi ng tulong sa mga utoridad. Wala rin siyang malapit na kapitbahay dahil na sa parteng gubat sila. Marame raw kasing nagchi-chismis rito na mangkukulam kaya pinili niyang lumayo layo na lang kesa mapaayaw at dito sila sa gubat napadpad. Ngayon, kailangan kong antaying makabawi si Uncle William upang makapunta ako sa bayan. Pwede naman akong magpunta sa bayan ng wala siya pero hindi ko siya pwedeng iwan na lang basta dahil baka balikan kami nong mga sumasabol sa amin. "Ang gwapo po ng asawa niyo, Ate Amara," aniya ni Lualhati na nakaagaw ng pansin ko. Nakatingin ito kay Uncle William na tila ba kinikilig. Mukhang may crush na ito sa lalake. Hindi ko naman siya masisisi dahil maski ako ay nabighani rin sa mukha nito noong una ko siyang ipakilala sa akin si Wyatt. Mas pinili ko ring hayaan silang isipin na magkasintahan kaming dalawa ni Uncle William. Ayoko namang iba ang isipin ng mga ito kapag nalaman nilang hindi kaming magkasintahan dalawa gaya ng iniisip nila. Ang paghingi pa lang ng tulong sa mga ito matapos mabaril ang kasama ko ay kahina-hinala na. Alam ko ring hanggang ngayon ay hindi pa rin sigurado si Nanay Susan na hayaan kaming tumira muna rito panandalian. Kapag naisip nitong paalisin kami ay madali niya lang iyong magagawa, wala kaming matutulugan kung ganon. Ito lang ang tanging lugar na safe para samin. "Gwapo ka dyan. Mas gwapo ang pamangkin niya kesa sa kaniya," halakhak ko. Ngumuso ang bata dahil sa sinabe ko. Mukhang hindi naniniwala na may mas gwapo pa sa nilalang na ito. "Liar. I'm more hotter than your boyfriend." Gulat akong napabaling kay Uncle William nang marinig ko ang boses niya. Gising na siya! Kunot noo niya akong tinignan na para bang ako ang pinakaweirdong babaeng nakilala niya sa buong buhay niya. "Gising ka na!" bulaslas ko. "May masakit ba sa 'yo? Nagugutom ka ba? Sabihin mo lang!" sunod sunod kong tanong rito. "Your voice is so irritating," anas niya. Inis kong hinampas ang dibdib nito pero wrong move iyon dahil malakas itong napadaing sa ginawa ko. Nakalimutan ko tuloy na hindi pa gumagaling ang sugat niya! "Hala! Sorry! Sorry! Ikaw kasi eh!" paumanhin ko. Parang gago naman kasing kausap ang lalaking 'to! Kakagising niya lang sa lagay na yan pero inaasar niya na agad ako. Gumising lang yata siya para galitin ako e. Umikot ang paningin niya sa paligid at huminto kay Lualhati bago nagtatakang napunta sa akin. "Where are we?" "Nakalimutan mo na ba? Dito muna tayo nagstay dahil kailangan kang magamot," kwento ko. "Bilisan mo ng magpagaling para makapunta na tayo sa bayan!" Bumuntong hininga siya. Mukhang ngayon lang bumabalik sa alaala niya ang nangyare kagabe napamura pa ito ng ilang beses. "Huwag ka ngang magmura. May bata sa tabi mo," pagpapatigil ko sa kaniya. Nagulat ako ng bigla siyang bumangon. Napadaing ito sa ginawa niya at hinawakan ang sugat niya. Bobo talaga kailan! Ayan kinarma tuloy siya! Hindi ko magets kung bakit maraming nagsasabing matalino ito gayong ang laki niyang bobo sa paningin ko. Pinigilan ko ang sariling dagdagan ang sugat nito at hindi siya mabigwasan. Nakakainis siya, parang wala lang sa kaniya ang mga sinasabi ko. Imbes tuloy na makaalis na kami rito agad sa lalong madaling panahon ay mas matatagalan pa dahil sa kakulitan niya. Tumayo ako at kinuwa ang pagkaing inihanda ni Nanay Susan kanina bago ito umalis. Ang sabi ng matanda ay ipakain raw ito kay Uncle William pag gising upang mabilis na sumara ang mga sugat niya. "Kailangan mong kumain. Alam kong nagugutom ka na. Ang sabi ni Nanay Susan ay nakakagaling raw ito ng tama." Sumandok ako ng kutsara at iniharap sa bibig niya pero itinabing lang nito ang ulo. "I don't have an appetite." Agad na nag-init ang ulo ko. "Edi huwag. Sinusuban ka na nga, ang choosy mo pa! Bahala kang mamatay riyan!" Inis kong ibinaba ang plato ng pagkain. Napakaarte ng lalaking ito. Dapat pala ay iniwan ko na lang siya kahapon at hinayaan na lang na mamatay sa kamay ng mga lalaking iyon. Ngayon ay sakit lang siya ng ulo! Subrang arte niya pa! Nagpresenta na nga akong subuan siya pero ang arte niya pa. Si Wyatt nga ay hindi ko sinusubuan pero siya ayaw niya! "Where's my clothes? I need to change." Ngayon ko lang naalalang nakahubad baro pa rin nga pala ito hanggang ngayon. Kinailangan kasing tanggalin ang damit niya kagabe noong tinanggal namin ang bala sa katawan niya kaya wala kaming choice kundi punitin iyon. Punit na rin ito. Hindi sinasadyang bumaba ang paningin ko sa katawan niya. Ilang beses akong napalunok nang makita ang kumpletong bilang ng abs nito. Nagmo-moist pa. Mukhang napansin nito ang ginagawa kong paninitig sa katawan niya kaya agad niyang tinakpan ang katawan gamit ang kamay na para bang may gagawin akong masama rito. Sinamaan pa ako nito ng tingin. Agad akong pinamulahan at nag-iwas ng tingin. "C-Chene-check ko lang ang sugat mo, huwag kang mag-isip ng kung ano!" Feeling niya naman ay pagnanasahan ko ang abs niya! Ano namang pake ko kung may 8 packs abs siya?! Si Wyatt kahit na bilang lang ang abs non at hindi pa masyadong halata ay okay na sa akin dahil hindi yon mayabang! "Ilang taon na po kayong kasal?" Gulat akong napabaling kay Lualhati ng itanong niya iyon. Halata sa mukha ng bata ang curiosity. Parang gusto ko na lang lumubog sa kinauupoan ko ngayon. "A-Ah..." bigla akong naubusan ng salita. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa bata. Nagu-guilty akong magsinungaling dito dahil sa inosente nitong mukha. Hindi talaga ako magaling sa pagsisinungaling. "Ano..." natawa na lang ako sa nerbyos dahil itong nakatingin sa akin, halatang inaantay ang sagot ko. "A-Actually hindi pa kami kasal. I-Ikakasal pa lang kami kaya..." "What—" bago pa makasagot si Uncle William ay agad ko ng tinakpan ang bibig nito. Pinanlakihan ko siya ng mga mata upang ipahiwatig rito na sabayan na lamang ako. Kung gusto naming magstay sa lugar na 'to ay kailangan naming magsinungaling. "Ganon po ba?" galak na tanong ni Lualhati. "Subrang bagay po kayo sa isa't isa. Kailangan nga po pala ang kasal ninyo?" "Actually sa friday—" Natigilan ako nang may maalala. s**t bakit nakalimutan ko?! Agad akong napatayo mula sa kinauupoan. Nagtataka akong tinignan ng dalawa. Ngayon ko lang naalala! Bukas na ang kasal ko! Dahil sa daming nangyare kahapon ay tuluyan ko ng nakalimutan na bukas na ang kasal naming dalawa ni Wyatt! "K-Kailangan na nating bumalik!" taranta kong saad kay Uncle William. "Bukas na ang kasal. Hindi pwedeng wala ako!" Kailangan ko ng makabalik sa lalong madaling panahon! Subrang tagal naming plinano ito ni Wyatt. Bukas na rin ang 3th year universary namin! Hindi matutuloy ang kasal kung wala ang bride, kung wala ako! Hindi pwedeng mapunta sa wala ang lahat. Subrang tagal kong pinangarap na makasal sa kaniya. Gusto ko na lang maiyak dahil sa frustration. Paano kung isipin ni Wyatt na ayokong magpakasal sa kaniya?! "Calmdown, Amara," pagpapatigil sa akin ni William. "We need to make sure we're safe before going back. It's too risky—" "Hindi pwede!" putol ko sa sinasabe niya. "P-Paano na lang kung isipin ni Wyatt na nagback oit ako sa kasal? A-Ang tagal naming inantay ang araw na ito..." Subrang daming negatibong pahayag ang bumalot sa utak ko. Nagkandaletche-letche na ang lahat at alam ibang dapat na sisihin dito kung hindi si Uncle William! Siya ang dahilan kung bakit nangyayare ito. Noong una ay aksidente akong nakipagsex sa Uncle ng fiancé ko, tapos ngayon naman ay hindi matutuloy ang kasal dahil sa bwiset niyang Uncle na isinama ako sa gulo niya! "Ikaw ang may kasalanan nito!" Dinuro ko siya. "Simula ng makilala kita palagi na lang nagkanda-letche letche ang buhay ko!" Matapos kong sabihin iyon ay agad akong lumabas sa barong barong. Tinignan ko ang malawak na kagubatan sa harapan ko kasabay ng pagtulo ng masaganang luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay kinuwa sa akin ang nag-iisang kasiyahan ko. Para bang pinipigilan ako ng tadhana na makasama ang taong mahal ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD