"ATE, ANO pong problema?" gulat na tanong ni Lualhati ng makita niya ang naging reaksyon ko. Pati sila Uncle William at Nanay Susan ay mukhang nagulat rin sa inakto ko. Isinara ko ang diaryo at inayos ang sarili. "W-Wala. Huwag niyo lang akong pansinin." Muli kong binasa ang nakalagay sa diaryo. Hindi nga ako nagkakamali! Pangalan ni Uncle William ang nakasaad roon at hindi na ako magtataka kung ako ang tinutukoy nilang kindergarder teacher dahil ako lang naman ang kasama ni Uncle William ngayon. Hindi ko maintindihan ang balitang nakalagay rito. Ayon rito ay patay na raw kaming dalawa pero imposible iyon dahil buhay na buhay ako ngayon. Hindi ko alam kung sinong gumawa ng balitang 'to pero napakabilis nilang kumilos, para bang sinasadyang ipaalam sa lahat na patay na kaming dalawa. Ni

