“Pasok! Bukas ’yan!” sigaw ni Ma’am Liana nang kumatok ako sa kwarto ni Senyorito Lufer. Naabutan ko silang magkatabi sa kama. Natatakpan lang ng kumot ang mga katawan nila, siguro ay pareho silang walang saplot. “Pakilapag na lang diyan,” utos niya sa akin. “Ano ang ginagawa mo dito sa kwarto ko?” Napalingon ako sa kama nang magsalita si Senyorito Lufer. Akala ko’y ako ang tinatanong niya. Nakakunot ang kaniyang noo na nakatingin kay Ma’am Liana na matamis ang pagkakangiti sa kaniya. “Good morning, hon! Nakalimutan mo na ba? Dito ako natulog kagabi? ’Di ba nga hindi mo ako tinigilan kaya napuyat ako?” mapang-akit na sambit ni Ma’am Liana. “Huwag ka munang umalis, diyan ka lang.” Lalabas na sana ako sa kwarto nang muling magsalita si Senyorito Lufer. Nabitin sa ere ang akmang

