KABANATA 26

1054 Words

“Anak, gising ka na ba? Dadalhan kita ng almusal mo, ha? Huwag ka nang lalabas muna sa silid mo,” ani Papa na nasa labas ng pinto ng kwarto namin ni Kate. “Huwag n’yo na po akong dalahan ng pagkain, ’Pa. Kaya ko na pong maglakad. Lalabas na lang po ako!” pasigaw na sagot ko. Ibinalik ko ang mga unan matapos kong pagpagan ang kutson. Ilang araw ding ayaw akong palabasin ni Papa sa kwarto mula nang umuwi ako. Dinadalahan niya ako palagi ng pagkain bago siya mamasada. Sinisiguro niyang nakakain na muna ako bago siya umalis. Ayaw niyang palakad-lakad ako dahil baka daw hindi kaagad gumaling ang pilay ko. Lumabas ako ng kwarto matapos kong ayusin ang hinigaan namin. “Oh, bakit lumabas ka na? Ang sabi ko dadalahan kita ng pagkain,” sita ni Papa sa akin nang makasalubong ko siya paglabas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD