“Oh, bakit parang hingal na hingal ka?” tanong ni Ate Roselyn nang masalubong ko siya. Siya ang pangatlo sa pinakamatagal nang tauhan sa mansiyon.
“T-Tumakbo po kasi ako papasok dito. Pakiramdam ko po kasi hindi na na-e exercise ang mga buto ko.” Pagdadahilan ko.
“Ah kaya pala. Maganda ’yan sa katawan. Sa susunod, samahan mo akong mag-jogging, ha? Gumising lang tayo ng maaga.”
“Ayos lang po sa akin. Sabihan n’yo lang po ako kung kailan n’yo gusto,” tugon ko.
“Sa sunod na araw tayo magsimula. Puntahan na lang kita sa kwarto mo. Doon lang tayo sa likod nitong mansiyon dahil baka magalit si Donya Clara,” mahinang sambit niya.
“Sige po, jogging tayo sa sunod na araw.”
Pagpatak ng ika-walo ng umaga ay tinungo ko ang utility room. Kinuha ko ang vacuum cleaner at panglinis sa banyo upang linisan ang kwarto ni Senyorito Lufer. Tuwing alas otso ng umaga sila bumabangon ng kaniyang girlfriend.
“Maglilinis ka na sa kwarto ni Sir Lufer?” nakangiting tanong ni Ate Gerlyn, isa sa mga kasamahan namin.
Ngumiti ako sa kaniya pabalik. “Opo, Ate.”
Kumatok ako ng tatlong beses pagdating sa tapat ng pinto ni Sir Lufer. Walang sumagot mula sa loob. Muli akong kumatok at nilakasan ko na. Ngunit wala pa ding sumagot.
“Baka nakalabas na sila,” sambit ko sa sarili.
Pinihit ko ang doorknob, hindi iyon naka-lock. Sumilip ako at bumungad sa akin ang magulong kama ni Sir Lufer. Tahimik ang buong silid kaya pumasok ako sa loob. Marahil ay nakababa na sila at dumiretso sa pool para doon ulit mag-almusal.
Una kong inayos ang kama. Pinalitan ko ang mga punda, sapin at kumot dahil ’yon ang utos ni Senyorito Lufer tuwing naririto ang girlfriend niya. Kailangang araw-araw palitan ang hinigaan nila.
Pagkatapos kong ayusin ang kama ay dinampot ko ang mga wipes at puting bimpo na nagkalat sa sahig. Nandidiring inilagay ko sa laundry basket ang bimpo.
Sisimulan ko na sanang mag-vacuum nang makarinig ako ng ungol mula sa walk-in closet. Kasunod no’n ay ang biglang pagbukas ng pinto at iniluwa ang magkasintahan na parehong walang saplot. Pawisan sila pareho habang magkahugpong ang kanilang mga katawan.
Sabay silang napatingin sa akin nang mabitawan ko ang hawakan ng vacuum cleaner.
“P-Pasensiya na po, hindi ko alam na naririto pa pala kayo.” Natatarantang tumalikod ako at tinungo ang pinto.
Sa pagmamadali ko ay hindi ko namalayang makakasalubong ko pala si Sir Orson. Bumangga ako sa kaniya at muntik nang matumba kung hindi niya lang ako nahawakan sa baywang.
“Oops! Ingat!”
Habol ang hininga na nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Napangisi siya at hinapit ako palapit sa kaniyang katawan.
“S-Sorry po. P-Pwede n’yo na po akong bitawan.” Hinawakan ko siya sa balikat at itinulak ng bahagya.
“Bakit parang nakakita ka ng multo?” tanong niya sa akin sa halip na bitawan ako.
“Sir, pakibitawan na po ako.” Sinubukan ko ulit siyang itulak pero hindi siya natinag. Lalo lang humigpit ang pagkakayapos niya sa akin.
“Ano ang ibig sabihin nito?”
Sabay kaming napalingon ni Sir Orson kay Donya Clara. Hindi pa din siya bumitaw pero lumuwag na ng kaonti ang pagkakahapit niya sa akin. Inipon ko ang lakas at bigla ko siyang itinulak.
“Hello, Tita! Good morning!” kaswal na bati ni Sir Orson kay Donya Clara.
“Hindi n’yo sinagot ang tanong ko,” nakataas ang kilay na sambit niya.
Nanatili akong tahimik at napayuko. Lalong lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa kaba at takot. Awra pa lang niya ay nakakaintimida na.
“Wala lang po ’yon, Tita. Nagkabanggaan kasi kami ni Angeli, muntik na siyang matumba kaya inalalayan ko siya.” Nagkibit balikat siya.
Bumaling sa akin si Donya Clara. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya gamit ang hintuturo.
“M-May ipag-uutos po ba kayo, Donya Clara?” kinakabahang tanong ko.
“Oo, kaya sumunod ka sa akin,” walang kangiti-ngiting sambit niya.
Tahimik akong sumunod kay Donya Clara.
“Ano ang pinag-usapan ninyo ng asawa ko kanina?” tanong niya matapos niyang isara ang pinto.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ngunit agad din akong napayuko dahil sa talim ng mga titig niya.
“N-Nagpaalam lang po ako sa kaniya na magre-resign na po ako,” hindi makatinging tugon ko.
“Sigurado ka bang ’yon lang ang pinag-usapan ninyo?” nagdududang tanong niya.
Sa pagkakataong ’to, sinalubong ko na ang matatalim na titig niya. “Opo, Donya Clara. ’Yon lang po talaga, wala nang iba.”
“Siguraduhin mo lang talaga, dahil wala pang halipar*t ang nakaligtas sa mga kamay ko. At bakit ka nga pala magre-resign? Nakukulangan ka sa pasahod namin?”
“Hindi po, may iba po akong dahilan.” Sinabi ko sa kaniya kung ano ang dahilan na hinabi ko kanina kay Don Lucio. Laking pasalamat ko nang hindi na siya muling nag-usisa pa.
“Hi Angeli!” nakangiting lumapit sa akin si Ma’am Celestine habang may bitbit na paper bag.
Katatapos ko lang tumulong sa ibang gawaing bahay. Oras na ng pahinga namin. Nagtimpla muna ako ng gatas bago ko tinungo ang kwarto. Hirap akong makatulog mula nang magtrabaho ako dito kaya lagi akong nagtitimpla ng gatas bago matulog.
Isa din kasi sa patakaran ni Don Lucio na kailangang matulog nang maaga ang mga trabahador para may sapat na tulog at magampanan ng maayos ang trabaho.
“Hello po, Ma’am Celestine! May ipag-uutos po ba kayo?”
Alanganin akong napangiti nang maalala ko ang eksenang nadatnan ko sa kwarto nila ni Senyorito Lufer.
“Grabe, ikaw ’tong may nakita kanina pero parang ikaw pa ’tong hiyang-hiya sa akin. Kalimutan na natin ’yon, okay?” Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko.
“S-Sige po.”
“May ibibigay nga pala ako sa ’yo. Pwede ba akong pumasok sa kwarto mo?” Tumingin siya sa nakasaradong pinto ng kwarto ko.
“Sige po, pwedeng pwede po kayong pumasok.”
Binuksan ko ang pinto. “Tuloy po kayo, Ma’am.” Inilapag ko ang tasa na naglalaman ng gatas.
Naupo siya sa kama. Ipinatong niya doon ang paper bag na dala at isa-isang inilabas ang laman niyon.
“May mga damit pangtulog ako dito. Sure akong kakasya ’to sa ’yo. Don’t worry, hindi naman masiyadong revealing ang mga ’to,” sambit niya.
Lihim akong napangiwi nang mailatag niya ang tatlong pares ng lingerie na kulay pula, itim at blue. Sobrang ninipis ng tela, pakiramdam ko ay kita pati ang kaluluwa ko kapag isinuot ko ’yon.
“Bagay ’yan sa ’yo. Hindi ko na kasi sinusuot ang mga ’yan. Isukat mo ’tong pula dali!” excited na utos niya sa akin.