“Tigilan mo ang kalilingon sa kanila dahil mahahalata nila tayo. Ayaw ni Donya Clara na pinag-uusapan ang pamilya nila.” Saway niya sa akin.
“May anak akong nag-aaral sa kolehiyo. May mga utang din kasi ako kay Don Lucio dahil nagkasakit noon ang tatay ko. Kaya ikaw, mag-iingat ka parati. Mamaya pakakabitan ko ng lock sa loob ng kwarto mo, huwag tayong pakampante kahit naka-lock ang doorknob.”
“Salamat po, Ate Wena. Noong mangyari po ang panggagah*sa kay Lyniel, nandito din po ba noon si Sir Orson?” tanong ko kay Ate Wena.
Pansamantala siyang tumigil sa pagtatabas ng damo, tumahimik siya na para bang may iniisip.
“Bakit, si Sir Orson ba ang pinaghihinalaan mo?” pabulong na tanong niya sa akin.
“Hindi ko po sigurado, Ate. Kung si Sir Orson ba o si Senyorito Lufer. Dati po kasing nanligaw sa ’kin si Senyorito Lufer. Si Sir Orson naman, mukha po kasi siyang manyak. Nahuli ko po kasi siyang nag-aano sa banyo noong isang beses na ako ang inutusang magdala ng meryenda niya.”
Napaiwas ako ng tingin kay Ate Wena nang muling nanumbalik sa alaala ko ang kah*layan ni Sir Orson.
“Basta mula nang umuwi si Sir Lufer galing sa ibang bansa, lagi niyang isinasama dito si Sir Orson tuwing summer para magbakasyon. Dalawampu’t dalawang taong gulang si Senyorito Lufer nang umalis dito. Tatlong taon siyang namalagi sa America.”
“Kailan po nagpakam*tay si Lyniel?”
“June siya nagpakamatay, dalawang linggo mula nang palayasin siya dito at pagbintangan ni Donya Clara na ninakaw daw ang mga alahas niya. First death anniversary niya ngayong taon. Nauna lang ako sa kaniya magtrabaho dito ng tatlong buwan. At bali-balita din na marami nang dalagang pinalayas dito dahil pinagnanakawan daw ng alahas si Donya Clara.”
“Ate Wena, natatakot po ako, paano po kung umulit na naman mamaya?”
“Hind mo ba naramdaman nang gawin niya ang bagay na ’yon? Hindi ka ba nagising? Mahihirapan kasi tayong ipakulong kung sino man ang gumagawa niyan sa ’yo lalo at maimpluwensiyang pamilya ang pinagsisilbihan natin. Mag-resign ka na kaya dito habang maaga pa?” Suhestiyon niya.
“Maigi pa nga po siguro. Pero hintayin ko muna ang huling sweldo ko dahil balak kong bilihan ng cellphone ang kapatid kong bunso.”
“Sige, pero mag-doble ingat ka, ha?” Paalala niya.
Nauna siyang bumalik sa akin, hindi niya muna ako pinasunod para hindi daw kami mahalata na nagkuwentuhan lang sa garden.
“Huwag! Parang awa mo na, huwag mong gawin sa akin ’to! Lumayo ka sa ’kin! Tulong! Tulong!”
“Huwag!”
Pawisan akong napabalikwas ng bangon. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa takot. Akala ko ay totoo na, mabuti na lang at panaginip lang pala ang nangyari.
Pero kahit gano’n, ramdam na ramdam ko ang mga pinaggagawa niya sa akin. Malinaw na malinaw pa din sa alaala ko ang mga sinabi niya habang mararahas na umuul*s sa ibabaw ko.
Pinakiramdaman ko ang sarili kung may nangyari na naman bang masama sa akin pero wala naman akong maramdamang kakaiba.
Tiningnan ko sa cellphone ang oras, tatlumpung minuto na lang pala bago mag alas singko. Kumuha ako ng towel at pamalit na damit. Bago maligo ay muli kong sinuri kung may panibago ba akong pasa at mapupula sa hita. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong walang bakas ng panghahal*y sa akin.
“Kumusta? May nangyari na naman ba ulit?” Palihim akong tinanong ni Ate Wena pagkatapos naming mag almusal.
Ngumiti ako sa kaniya. “Wala po, Ate. Mamaya po kakausapin ko si Don Lucio upang magpaalam sa kaniya.”
“Mabuti at walang nangyari ulit. Tama ’yang balak mo, magpaalam ka na sa kaniya mamaya.”
“Salamat po ulit sa paglagay ni Kuya Roger ng lock sa loob ng kwarto ko.” Tukoy ko sa asawa niya na naninilbihan din dito.
“Walang anuman, sige na magtrabaho na tayo.”
Magaan ang dibdib ko habang nagtatrabaho. Kampante na akong matulog sa gabi ngayong may lock na sa loob ng kwarto ko. Pero kahit gano’n ay aalis pa din ako dito.
“Magandang umaga po, Don Lucio,” kinakabahang bati ko kay Don Lucio. Tuwing umaga ay dito siya nagkakape sa gazebo.
“Magandang umaga din sa ’yo, Angeli. May sadya ka ba sa akin?” malumanay ang boses na tanong sa akin ng Don. Ibinaba niya ang kamay na may hawak na diyaryo.
“M-Magpapaalam po sana ako sa inyo.”
Napayuko ako. Hindi ko magawang diretsahin si Don Lucio. Nahihiya akong magpaalam sa kaniya. Naging mabuti siyang amo sa amin, hindi katulad ng kaniyang may bahay na si Donya Clara.
“Magpapaalam? Balak mong umuwi sa inyo?”
“Magre-resign na po ako. Tapusin ko lang po sana ang isang buwan ko dito sa mansiyon bago umalis.”
Napatuwid siya ng pagkakaupo. Inilapag niya sa lamesa ang diyaryong hawak kanina.
“Bakit gusto mong mag-resign? May problema ba?” kunot ang noo na tanong niya.
“A-Ano po kasi. Wala pong nag-aasikaso sa nakababata kong kapatid na babae tuwing mamamasada po si Papa.” Pagsisinungaling ko.
“Ah. Ilang taon na ba ang kapatid mo?” Humigop siya ng kape habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
“Fifteen years old na po.”
“Oh, aba’y malaki na pala. Ikaw pa din ang nag-aasikaso sa kaniya?” usisa pa niya.
“Malapit na po kasi siyang magtapos sa high school. Gusto ko po kasi siyang makapag-focus sa pag-aaral. Ako na po kasi ang nag-alaga sa kaniya mula pagkabata dahil lagi pong nasa ibang bansa si Mama para magtrabaho.”
“Gano’n ba? Napakabuti mo naman pala. Siya sige, ikaw ang bahala kung ’yan ang desisyon mo. Nanghihinayang kasi ako dahil masipag kang bata. Ipapaabot ko na lang kay Sonia ang huling sweldo mo.”
“S-Sige po. Maraming salamat po, Don Lucio,” sambit ko.
“Walang anuman.” Muli niyang dinampot ang diyaryo.
“Sige po, magtatrabaho na po ulit ako,” pagpapaalam ko. Nakangiti akong tumalikod sa kaniya nang sumenyas siya na pwede na akong umalis.
Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa mansiyon ay nakita ko si Donya Clara na nakatanaw sa amin mula sa terrace ng kanilang kwarto. Nabura ang ngiti sa mga labi ko. Tinambol ng kaba ang dibdib ko sa uri ng tinging ipinupukol niya sa akin.
Kung nakamamatay lang ang kaniyang tingin marahil ay kanina pa ako bumulagta mula sa kinatatayuan ko. Yumuko ako at lakad-takbong pumasok sa mansiyon.
Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Nakakatakot siyang tumingin. Kahit nasa malayo ay ramdam ko ang galit niya para sa akin.