KABANATA 14

1144 Words
“Huwag mo po sana kaming madaliin ni Kate, lalo na siya. Ipakita muna niyang karespe-respeto siya. Hindi po gano’n kadali na tanggapin siya lalo na at wala pang isang taon mula nang mawala si Mama.” Napabuntong hininga si Papa. “Sige, kakausapin ko din si Helen mamaya.” “Salamat po, Papa. Sana po sa susunod na balik ko dito ay hindi na ulit kayong tatlo magkagulo.” Ipinatong ko sa gilid ng lamesa ang tangkay na wala nang dahon. “May kukunin lang po ako saglit,” paalam ko kay Papa at tumayo. “Pasalubong ko po sa ’yo, Papa.” Inilapag ko sa lamesa ang isang plastic bag ng pinamili ko. “Ano ’to, anak?” tanong niya. Kinuha niya ang plastic bag at binuksan. “Binilihan ko po kayo ng underwear, pabango at saka mga face towel. Luma na po kasi ’yong underwear at mga face towel na gamit mo tuwing namamasada ka.” “Maraming salamat dito, anak. Pasensiya na, ikaw pa talaga ang nagbigay sa ’kin ng mga ’yan kahit may trabaho din naman ako. Nabawasan pa tuloy ang ipon mo para sa pag-aaral,” malapad ang ngiting sambit ni papa. Kumikislap sa tuwa ang kaniyang mga mata habang iniisa-isang tingnan ang mga pinamili ko para sa kaniya. “Okay lang po ’yon, Papa. Masaya po ako na mabilhan kayo ng mga gamit sa unang sweldo ko. Ang sarap po sa pakiramdam.” Masaya akong bumalik sa mansiyon dahil nagkaayos sina Kate at Papa bago ako umalis. Pagbalik ko doon ay wala si Senyorito Lufer at ang kaniyang mga bisita. Nagkaroon daw ng problema sa isa sa mga negosyo na magkasosyo si Senyorito Lufer at Sir Orson kaya nagmamadali silang bumalik ng Maynila. Magmula din ng umalis sila ay nawala na ang pakiramdam ko na parang may nagmamasid sa akin tuwing gabi. Pero makaraan lang ang isang linggo ay bumalik ulit silang tatlo. At muli kong naramdaman na may nagmamasid na naman sa akin. Muli na naman akong nagkaroon ng mga pasa at pula-pula sa may hita. Isang beses na nagising ako ng madaling araw ay may kakaiba akong naramdaman sa pagkab*bae ko. Pakiramdam ko ay nanlalagkit ang pagitan ng mga hita ko. Tinambol ng kaba ang aking dibdib. Bumangon ako upang kumpirmahin kung tama ba ang hinala ko. Pagbangon ko ay naramdaman kong may umagos na malagkit na likido sa maselang bahagi ng aking katawan. Pumunta ako sa banyo, hinubad ko ang suot kong pajama kasabay ang underwear. Napasinghap ako at nanginig ang kamay pagkakita sa underwear. May sem*lyang lumabas sa akin! Alam kong hindi ’yon sa akin galing. Kahit kailan ay hindi pa nangyari sa akin ang bagay na ’yon. Napahagulgol ako at nanghihinang napasandal sa malamig na pader ng banyo. Kaya pala may mga pasa at namumula ang mga hita ko, nilalapastangan na pala ako nang wala akong kaalam-alam. “Hay*p ka! Mamat*y ka na kung sino ka mang nangbab*boy sa akin!” sigaw ko sa isip. Hindi na ako muling dinalaw ng antok. Walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko sa isiping pinagsas*m*nt*l*h*n ako habang natutulog. Wala pa akong isang buwan pero may masamang nangyari na agad sa akin. Masakit ang ulo at namumugto ang mga mata ko nang lumabas ako ng kwarto. Gusto kong magsumbong kay Aling Sonia, pero matagal na siyang naninilbihan dito kaya baka hindi niya ako paniwalaan. “Ate Wena, may sasabihin po sana ako sa ’yo,” pabulong na sambit ko nang makasalubong ko siya. Siya lang ang pinakamalapit sa akin kaya sa kaniya ko naisipang magsabi at humingi ng tulong. Luminga-linga muna ako sa paligid, nang masigurong walang tao ay hinila ko siya sa ilalim ng hagdan. “Ano ’yon, Angeli? Bakit parang hindi ka mapakali? At saka namumugto ‘yang mga mata mo.” usisa niya sa akin. Napahikbi ako at yumakap sa kaniya nang mahigpit. “A-Ate Wena, may gumag*hasa po sa akin kapag tulog ako.” Hindi siya kumibo. Wala akong mabasang emosyon sa mga mata niyang nakatitig sa akin, ni hindi siya nagulat sa isiniwalat ko sa kaniya. Mailap ang mga matang luminga-linga siya sa paligid bago ako hinila. Pagdating sa labas ay kinuha niya ang gunting na ginagamit pang gupit sa mga dahon ng halaman. Sunod niyang kinuha ang hose at iniabot sa akin. Naguguluhan man ay kinuha ko ’yon sa kamay niya. Binuksan niya ang gripo at hinila ako malapit sa mga halaman. “A-Ate Wena, bakit mo po ako dinala dito?” “Diligan mo ang mga halaman,” sambit niya habang tinatabas ang mga dahon ng halaman. “P-Po?” Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa kaniya, kung bakit bigla niya na lang akong dinala rito. Nagpalinga-linga muna siya bago muling nagsalita. “Ikaw na ang sunod na biktima niya. Habang maaga pa ay umalis ka na dito. Baka matulad ka sa ibang dalagang naging kasamahan namin.” Nanlaki ang mga mata ko. “S-Sunod pong biktima? Ano po ang ibig ninyong sabihin, Ate Wena?” kinakabahang tanong ko. “Magdilig ka lang habang nagsasalita. Huwag kang magpahalata na nag-uusap tayo.” Tuloy-tuloy lang siya sa pagtabas ng mga dahon. Inilibot ko ang tingin. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mapansing nakatingin sa amin ang mga tauhan ni Senyorito Lufer. Sinunod ko ang utos niya kahit nanginginig na sa takot ang kamay ko na nakahawak sa hose. “Dito kita dinala dahil baka may makarinig sa atin. Si Lyniel ang huling biktima ng halimaw ng lumalap*stangan sa ’yo. Kaibigan si Lyniel ng malayong kamag-anak namin. Nagpakamat*y siya nang malaman niyang nagbunga ang pangbab*boy sa kaniya.” Habang nagkukuwento si Ate Wena ay palakas nang palakas ang pag gupit niya sa halaman. Nagtatagis din ang mga bagang niya. Ramdam ko ang gigil at galit niya para sa taong bumab*y sa babaeng tinawag niyang Lyniel. “K-Kilala po ba ninyo kung sino ang may gawa sa kaniya? At saka paano po ninyo nalaman ang tungkol sa panggagah*sa sa kaibigan ng kamag-anak ninyo?” magkasunod na tanong ko. “Nag-iwan siya ng sulat at doon niya ipinaalam sa kamag-anak niya ang nangyari sa kaniya dito sa mansiyon. Pero hindi niya nalaman kung sino ang may gawa sa kaniya dahil nakapatay raw ang ilaw.” “Hindi po ba naisipan ng pamilya niya na magsumbong sa mga pulis?” tanong ko. “Sinubukan nila, pero wala ring nangyari dahil makapangyarihan ang kakalabanin nila. Masakit din para sa akin ang sinapit ni Lyniel, kagaya mo ay mas malapit siya sa akin.” Pinahid niya ang luhang pumatak sa kaniyang pisngi. “Pero bakit pa po kayo nag-stay dito matapos ninyong malaman ang sinapit ni Lyniel?” Panay ang lingon ko sa kinaroroonan ng mga tauhan ni Lufer dahil baka pumunta sila dito. “Tigilan mo ang kalilingon mo sa kanila dahil mahahalata nila tayo.” Saway niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD